Part 25

202 6 0
                                    

NAGPASYA siyang magtrabaho sa kompanya ng daddy niya. Naiinip na siya sa bahay dahil lagi rin namang wala roon si Ethan. Hindi na siya namilit na lapitan pa ito. Masama ang loob niya s ginawa nito. Ethan crossed the line. Wala siyang balak na amuin ito matapos ang anngyari. Pero hindi ibig sabihin non na hahayaan niya ito.

Nagpapalamig lang siya. Pinipilit niya lang pakalmahin ang sarili. Kung ang akala ni Ethan madidispatya siya nito dahil sa pamamahiya nito sa kanya, nagkakamali ito. Siya si Kassandra, kaya niyang kunin ang lahat ng naisin niya.

Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang daddy niy. Mdilim ang mukha nito at galit na inihagis sa lamesa niya ang isang newspaper.

"What happened?" nag-aalalang tanong niya rito. Namumula ang mukha ito at mukhang malapit ng atakihin.

"Basahin mo 'yan! Hijo de puta! Ano bang nagyayari  sa inyong mag-asawa at bakit kung saan-saan kong society page nakikita ang asawa mo an kung sino-sino ang kasama? Ngayon pa na kasal kayo!"

Nabigla siya sa sinabi ng daddy niya nagmamadaling dinampot niya ang ibinato nito sa kanya at tinignan. Nagtagis ang kanyang bagang nang makita si Ethan, featured ito kasama ang isang starlet. 

"Kausapin mo ang asawa mo. Ayoko ng kahihiyan!" galit na ani ng daddy niya bago ito galit na lumabas ng opisina niya.

Muling tumutok ang mga mata niya sa magazine. Pinagmasdan niya si Ethan na halatang lasing at namumungay ang mga matang nakatingin sa starlet. Nilamukos niya iyon dahil sa galit na nararamdaman.

Sinubukan niyang tawagan si Ethan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Sunod niyang tinawagan ay ang bahay nila para tanungin kung naroroon si Ethan. Ngunit wala ito roon. Mas lalo siyang nanggigil saan na nama kaya sumuot ang magaling niyang asawa. Nagpasya na lang siyang umalis at hanapin ito.

Una niyang pinuntahan ay ang bar na pagmamay-ari ni Sylvo Moretti. Nasisiguro niyang makikita niya rito ang asawa dahil hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na mas madalas nasa bar si Ethan kaysa sa opisina nito sa kompanya ng mga Sandoval.

Maaga pa, alas singko palang ng hapon pero may mga parokyano na s loob ng bar. Iilan lang ang mga naroroon. Sinuyod niya ang lugar hindi niya makita ang asawa kaya nilapitan niya ang bartender sa may counter.

"Is Ethan here?" mataray na tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata ng bartender, naging mailap ang mga mata sa kanya. Napansin niyang napasulyap ito sa loafted second floor ng bar kung nasaan ang mga VIP rooms. "Don't bother," aniya at tinalikuran ito. Mukhang nakilala siya nito kaya tiyak na takot itong ilaglag ang asawa niya.

Umakyat siya sa itaas. Akma pa siyang pipigilan ng manager ng sulyapan niya ito ng matalim agad na umatras ito. Tinunga niya ang second floor at chineck ang lahat ng pintuan doon hanggang sa makita niya si Ethan sa isa sa mga VIP rooms. May  nakakandong ditong babae habang sa kabilang gilid naman nito ay may isa pa.

Napaawang ang mga labi niya sa tagpong nakita. Alam niyang maraming kalokohan si Ethan na ginagawa s likuran niya. Pero ang makita itong may kakandong na ibang babae at halos makipag-sex sa mga ito ay hindi niya kayang makita. Gusto niyang tumalikod o iiwas ang mga mata pero hindi niya magawa. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, para siyang estatwa na hindi makakilos dahil sa pagkabigla. Bumaling sa kanya ang mga mata ni Ethan nang mapansin siya nitong nakatayo sa pintuan.

Tumaas ang kilay nito at ngumisi sa kanya. Hindi kakikitaan ng kahit na anong takot o gulat na nakita niya ito. Paramng siyang-siya pa ito na makitang nahuli niya itong may ginagawang kababuyan.

"Oh, my unwanted wife is here," nakakalokong anito.

Tumingin sa kanya ang dalawang babaeng kaulayaw nito. Pinasadahan siya ng malisyosong tingin.

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon