Part 11

131 7 1
                                    

Charito's POV

"SASAMA ka ba sa camping?" tanong ni Melody ka-block mate niya. May camping na gaganipin bukas ang Westwood.

Marahan siyang tumango. Nakapagpaalam na siya sa Lola Jesusa niya noong isang linggo pa. Pinag-ipunan niya ang ticket na ibinila niya para sa camping. Nais niya sumama dahil noong bata siya'y hindi naman siya nakaka-attend sa mga ganitong affairs sng school dahil lagi namang walang budget ang inay niya para roon.

At isa pa, napag-alaman niyang kasama rin ang grupo nila Ethan. Tinanong siya ni Ethan ng huling dumalaw ito sa mansion. Sinabi niyang sasama siya kahit di pa naman siya nakakapagpaalam sa Lola niya.

Excited siyang makasama ang binata kahit paniguradong magkakahiwalay naman ang mga grupo nila.

"Good!" masayang anito. Si Melody lang ang nag-iisang kaibigan niya sa campus. Ito lang kasi ang lumalapit sa kanya kahit pa maykaya ang pamilya nito. Ilag naman ang ibang mga simpleng estudyante sa kanya - ang mga scholar, bukod pa sa walang panahon ang mga iyon na makipagkaibigan dahil karamihan ay mga working student na laging nagmamadali at naghahabol ng oras. "Magsabay na tayo, ha?"

"Sige..." sang-ayon niya ng may maalala. "Ang kaso nagsabi si Honoracio na sa kanya ako sasabay. Gagamitin niya ang kotse ng daddy niya."

"Eh, di sa inyo na lang ako sasabay. Magpapahatid na lang ako sa bahay niyo para magkasabay ayo. Ayoko namang bumiyaheng mag-isa, ang boring. Ayoko ring sumabay sa service dahil paniguradong naroroon si Dean, bawal mag-ingay."

Sabay silang nagtawa. Masungit at istrikto kasi ang dean nila.

"Oh, siya sasabihin ko kay Honoracio," aniya rito bago sila maghiwalay sa parking lot. Kinawayan niya ito bago nagtungo kung saan naklaparada ang kotse ni Honoracio.

"Cherrie!"

Isang itim na Rolls Royce sa gilid niya.

"Hatid na kita," ani Ethan.

Nagulat siya at kung hindi niya napigilan baka malakas siyang napasighap. Ayan na naman ang pagrigodon ng puso niya ngayong kaharap na naman niya ang binata. Nakakalunod tignan ang mga mata nitong magkahalong berda at asul.

"Hop in. Hatid na kita," nakangiting anito. Labas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Kay simpatiko ng ngiti nito. Hindi kataka-taka na napakaraming nababaliw rito.

"S-Salamat na lang, Ethan, pero--"

"Kung iniisip mo si Honoracio papupuntahan ko na lang para sabihin na sa akin ka sasabay," anito. Pinapungay pa nito ang mga mata sa kanya na mas lalo namang ikinataranta ng puso niya. Nais din naman niyang makasama ito.

Ilang beses niya ngang ipinagdasal na sana ay tapat ito sa panliligaw sa kanya. Handa siyang sumugal kung si ethan ang susugalan niya. Hindi niya alam kung anong mayroon sa binata na kahit na alam niyang may tiyansan gusto lamang siya nitong paglaruan ay hindi niya pa rin ito maiwasan. Para siyang gamo-gamo na nais lapitan ang apoy.

Saglit lang siyang nag-isip saka siya marahang tumango. Mas lalo namang lumuwang ang ngiti nito. Bumaba ito ng kotse nito at inalalayan siya patungo sa passenger seat. Ito pa ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.

"T-Thank you..." mahinhing pasasalamat niya.

Isang matamis na ngiti naman ang isinukli nito sa kanya. Yumuko ito na ikinasinghap niya. Kay lapit na kasi ng mukha nito sa mukha niya. Kinuha nito ang seat belt at ito ang nagkabit niyon sa kanya. Nilingon siya nito. May naglalarong ngiti sa mga labi.

"Safety first," anito. amoy niya ang mabangong hininga ni Ethan. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi dahil hindi niya magawang tumugon. Umatras si Ethan ng maiayos nito ang seatbelt pero naroroon pa rin sa tabi nila. "Dito ka muna may uutusan lang akong punatahan si Honoracio," anito.

UntamedWhere stories live. Discover now