Part 26

770 19 6
                                    

"Give me that damn syringe!" sigaw ni  Ethan sa kanya habang namimilipit ito sa sakit ng binti nito.

"No, Ethan! Hindi ka puwedeng sumobra sa dosage na ibinigay ng doctor, mas makakasama sa 'yo," tutol niya.

Naaawa man siya sa nakikitang paghihirap nito pero naninindigan siya. Kailangan niyang tigasan ang loob niya para rin sa ikabubuti nito.

"Damn you! Ang sabihin mo natutuwa kang makita akong nahihirapan!"

"Of course not!" Dahil kahit gaano siya kagalit kay Ethan sa pambababae at pambabalewala nito sa kanya hindi niya maatim na matuwa sa nakikitang paghihirap nito.

Tagaktak ang pawis nito. Maputla at nanginginig ang labi dahil siguro sa taas ng lagnat. Kanina pa ito dumadaing na masakit ang binti nito. Itinawag na niya ang iyon sa doctor. Nag-aalala kasi siya na baka may infection ang sugat nito kahit pa sinabi ng doctor na normal lang naman daw ang nararamdaman ni Ethan dahil hindi pa naghihilom ang loob ng sugat nito.

"Please... Kassandra... hindi ko na kaya ang sakit..." pagmamakaawa ni Ethan. Umiiyak na ito. Ngayon niya lang nakita na nagmakaawa si Ethan at umiitak kaya parang nadudutog ang puso niya.

Tumalikod siya para itago rito ang awa at luha na buhagsak sa mga mata niya. Nagmamadali siyang lumabas ng silid kahit pa nagmamakaawang tinatawag nito ang pangalan niya at nakikiusap. Umiiyak na sumandal siya sa dahon ng pintuan at nanghihinang napasandal doon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilin ang hagulgol na gustong kumawala sa labi niya.

Kinalma niya ang sarili. Tinawag niya ang nurse at inutusan itong pakalmahin si Ethan. Binilinan niya rin itong huwag na huwag bibigyan si Ethan ng pain reliever.

Nagtungo muna siya sa kusina. Inabala niya na lang ang sarili sa pagluluto ng pagkain ni Ethan.

Sa nakalipas na mga linggo ito na lang ang naging buhay niya. Umiikot ang buong maghapon niya sa pag-aalalaga sa asawa. Hindi na rin siya pumapasok sa opisina. Nag-resign na siya na ikinagalit ng daddy niya. Sinabihan siya nito na huwag magburo sa bahay at hayaan ang mga nurse at katulong sa pag-aalaga kay Ethan, but she refused. Hindi niya iniintindi ang galit ng daddy niya. Asawa siya ni Ethan at obligasyon niyang alagaan ito ngayong kailangan siya nito.

Hinarap niya ang mga rekado at nag-umpisa ng magluto. Kung tutuusin puwede niya ng ipaubaya sa mga katulong ang ganoong gawain pero gusto niyang siya ang personal na nag-aasikaso sa asawa.

Gusto niya rin kasing matiyak na masusustansiya ang kakainin ni Ethan. Na kung minsan ay hindi naman nito pinapansin at tinatabig lang ang mga pagkaing hinahain niya.

Minsan natatawa siya sa sarili. Hindi niya akalain na kaya niya palang maging martyr.

Siya si Kassandra, anak ng isang bilyonaryo pero daig pa ang katulong sa sariling pamamahay.

She's no Paris Hilton anymore. At hindi siya nahihiya. Proud siya dahil para kay Ethan naman ang mga ginagawa niya. Sana lang makita ni Ethan kung gaano niya ito kamahal. Sana makalimutan na nito si Charito.




UMAKYAT siya sa masters bedroom. Kasunod niya ang katulong na bitbit ang tray ng pagkain na inihanda niya.

Nakahiga sa kama si Ethan. Ang braso nito at nakapatong sa noo nito. Nakapikit ito pero alam niyang hindi naman ito natutulog.

"Kumain ka na muna," aniya. Sinenyasan niya ang katulong na ayusin ang pagkain sa lamesitang malapit sa kama ni Ethan. "Dito na rin ako kakain para may kasabay ka."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntamedWhere stories live. Discover now