Part 5

210 15 1
                                    

Charito's POV

"Hey..."

Muli siyang napakurap. Hindi siya nananaginip. Nasa harapan niya si Ethan. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan at hindi niya magawang magsalita. Bumuka at sumara ang kanyang bibig. Nagmumukha na siyang tanga, alam niya. Mabilis na nag-init ang kanyang mukha. Lalo na nang makita na unti-unting napalitan ng amusement ang kanina'y galit at pag-aalala na nasa mga mata ng binta.

"A-ayos lang ako," sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Her heart beats faster that before when Ethan smiled at her with dance of joy in his eyes. Inipon niya ang lakas upang mabawi rito ang kanyang mga braso na kanina pa nito hawak.

"Good," anito. "Let's go." Kinuha nito sa kamay niya ang gamit niya at baliwala siyang inakbayan. Nakita niya ang gulat at bulungan ng mga nakakakita sa kanila. Maging ang dalawang kaibigan nito na nasa di kalayuan ay napataas ang kilay sa kanilang dalawa ni Ethan.

"S-Sandali..." pigil niya. Tinangka niyang alisin ang kamay nito sa balikat niya ngunit mas humigpit lamang ang kapit nito roon. Tiningala niya ito na may pagtataka sa mga mata. Nagtataka siya kung bakit siya nito ipinagtanggol kina Angelique at Janice, at ngayon ay ikinapagtataka niya kung bakit kung umasta ito ay tila sila malapit sa isa't isa.

Bahagyang yumuko si Ethan. Kung hindi niya napigilan ang sarili'y malamang na kumawala ang malakas na singhap sa kanyang bibig. Bakit ba hindi? Sa sobrang lapit ni Ethan ay nalalasing siya sa mamahaling pabangong gamit nito na humalo sa lalaking natural na amoy nito. Nanunuot iyon sa ilong niya. Parang nais niyang mas dumikit pa rito at ilubog ang ilong sa manggas ng suot nito.

"Stay put," bulong nito. Husky at buo ng boses. Nanunukso sa kanyang tenga.

"Maraming nakatingin." Tumingin siya sa paligid pero iniiwasang masalubong ang mga matang nakatuaon sa kanila.

"Let them," baliwala nitong tugon. "Hayaan mong makita nila na kasama kita. I'm quite popular here. They wont harm you kapag nalaman nilang malapit ka sa akin."

Natigilan siya. Laam niya naman ang bagay na iyon. Marami na siyang naririnig tungkol dito simula ng dumating ito sa Westwood. His quite popular indeed. And he's not popular because of his good looks, it also because he came from a very powerful and wealthy family, and associated with two most well known family not just in the Philippines but in Asia. Who would dare to touch anyone close to them? Kaya may katwiran ito. Kung makikita nga naman ng lahat na kasama siya nito mag-iisip muna ang mga ito kung ano ang tunay niyang relasyon kay Ethan Sandoval bago siya kantiin.

Privilege na kung ituring ng mga babae at lahat ng estudiyante na nag-aaral dito sa University ang matapunan man lang ng tingin ni Ethan Sandoval o ng kahit na sino sa dalawang kaibigan nito na sina Alfonso Altierra at Sylvo Moretti. Dahil kahit mukhang friendly ito hindi naman ito nakikipag-usap kung kani-kanino. Hindi rin basta-bastang babae ang nali-link dito.

"S-salamat..." naiusal na lang niya. Yumuko siya upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Hindi ako tumatanggap ng basta salamat lang, cherie," nakataas ang sulok ng labing anito.

Tumingala siya na may agam-agam na nararamdaman sa sinabi nito. Wala naman siyang pera, kaya siguradong hindi iyon ang hihingiin nitong kapalit.

"I-I can do your homeworks," suhestiyon niya.

Lumobo ang pisngi nito saka bumunghalit ng tawa. Napalingon ang mga kaibigan nitong naglalakad sa unahan nila.

Hindi naman niya maintindihan kung ano ang dahilan ng pagtawa nito. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Meron ba?

"Oh, cherie, you're so lovely, didn't you that?" matamis ang pagkakangiti na anito sa kanya. "And you're blushing. It's refreshing."

Hindi siya nakaimik. Kung hindi niya pipigilan ang sariling damdamin ay malamang kung saan-saan na napunta iyon. May mumunting kilig na namumuo sa kanyang dibdib na agad niyang pinapatay dahil malamang na hindin naman seryoso si Ethan sa mga sinasabi nito sa kanya. Siguro dahil sa kaibigan niya si Honoracio na kababata nito ay nagiging mabait rin ito sa kanya. Nabanggit kasi ni Honaracio sa kanya na halos kasama na nitong lumaki si Ethan, nagkalayo lang ang dalawa ng mag-migrate abroad ang pamilya ng huli.

Pero may hindi niya naiwasan ang kurot na kanyang naramdaman sa isiping isa lang siyang charity case sa binata. May bahagi niya ang nalungkot. At may mas malaking bahagi niya ang natakot. Hindi tamang makaramdam siya ng kahit na ano sa lalaki.

UntamedWhere stories live. Discover now