Part 2

579 20 3
                                    

Honoracio's POV

"GOOD MORNING!" masiglang bati niya kay Manang Jesusa at Charito na magkatulong na nag-aayos ng lamesa.

"Morning!" bati ni Charito. Nakasuot na ito ng uiform. Tinanguan naman siya ni Manang Jesusa.

"Si Mommy?" tanong niya nang makaupo siya sa hapag.

"Maagang umalis kasama ang Daddy mo," sagot ni Manang Jesusa.

"Sumabay na ho kayo sa akin ni Charito, Manang. Ang lungkot ho kasi na wala man lang akong kasabay na mag-almusal." Pinalungkot niya pa ang mukha niya. Nagkatinginan naman ang mag-lola, tumango si Manang Jesusa. Si Charito naman ay kumuha ng mga pinggan sa kusina.

Sabay-sabay silang nag-agahan. Sabay din silang lumabas ni Charito at sumakay sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa University. Sa passenger sumakay si Charito habang siya naman ay sa backseat. Noon niya pa sinasabi na maupo ito sa tabi niya pero tumatanggi ito.

"Kita na lang tayo mamaya," aniya. Ginulo niya ang buhok ni Charito.

Sinimangutan naman siya nito.

"Kakaayos ko loang ng buhok ko e!" maktol nito at nakalabing inayos ang buhok nitong ginulo niya.

"De'Marco!" sigaw ng kung sino man sa likuran niya.

Sabay silang napalingon ni Charito sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya. May bitbit itong isang libro. Nakabukas ang suot na polo at litaw ang itim na t-shirt sa loob niyon. Kumikinang din sa sikat ng araw ang silver na hikaw nito.

"Sandoval!" bati niya sa lalaking papalapit. It's Ethan Sandoval. Kababata niya at inaanak ng Mommy niya. DAting kapitbahay nila ito sa Forbes pero nag-migrate ang mga ito patungo sa Moscow.

Agad silang nagyakap ng makalapit ito sa kanya. Nag-handshake pa sila na sila lang rin ang nag-imbento.

"Kailan ka pa nakauwi?" galak na tanong niya sa kababata.

"Last week," sagot nito na ang mga mata ay natuon kay Charito. Saka niya lang uli naalala ang dalaga na nasa tabi niya pa. "Who is she?"

Nilingon niya si Charito at may takot na umahon sa kanya nang makita niyang hidi mapagkit ang mga mata nito kay Ethan. Parang gusto niya tuloy hilahin si Charito at itago sa likuran niya para itago sa kababata. Alam niya kasi ang reputasyon nito sa babae. Para lang itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend.

Katulad niya galing din si Ethan sa prominenteng pamilya idagdag pa na magandang lalaki ang kaibigan niya. Magkahalong asul at berde ang kulay ng mga mata nito. Sino ba namang babae ang hindi gugustuhin ang kaibigan niya. Madalas nga na nasusulot nito ang mga babaeng nakukursunadahan niya. Hindi nga lang niya dinidibdib dahil hindi naman ganoon kalalim ang pagtinfing iniuukol niya sa mga babaeng nagugustuhan din nito. Sabi nga may the best man win.

"She's off limits, bro," aniya. Inakbayan niya si Charito at hinapit papalapit sa kanya. Namula naman ang pisngi ni Charito at bahagya siyang siniko.

Natawa naman si Ethan.

"We'll see..." makahulugang anito habang titig na titig kay Charito.

UntamedWhere stories live. Discover now