Part 22

257 10 1
                                    

Ethan's POV

"YOU okay?" tanong ng ka-team mate niya. Pinalis niya ang kamay nito sa balikat niya at pinahid ang dugo sa kanayng labi habang ang mga mata'y nakasunod ng tingin sa papaalis na si Honoracio.

"Ethan!" Humahangos na lumapit sa kanya si Kassandra nakasalubong pa nito si Honoracio. Akmang hahawakan nito ang mukha niya nang tapikin niya ang kamay nito. Nakita niya ang bumadhang sakit sa mukha nito pero wala siyang pakialam ang siip niya'y na kay Charito.

Ayos naman sila nang maghiwalay sila kagabi kaya bakit kung umakto si Honoravio ay parang may hindi magandang nangyari kay Charito?

Binundol ng kaba ang kanyang dibdib.

"Ethan, saan ka pupunta?" tanong ni Kassandra ng bitbitin niya ang gym bag niya at dirediretsong tinungo ang nilabas ni Honoraccio. "Ethan!" Humabol pa rin ito kahit hindi na niya pinapansin. Pinigilan pa nito ang kanyang kamay.

"Puwede ba kassandra tigilan mo 'ko1" singhal niya sabay hatak sa kanyang braso pero gumigpit lang ang kapit nito roon hindi hinayaang mabawi niya ang braso niya.

"No!" singhal din sa kanya ni Kassandra. "I am your--"

"I know who the fuck you are, Kassandra!" puto niya sa sasabihi ni Kassandra. Nagiotla ito sa lakas ng sigaw niya rito. Tumingin-tingin ito sa paligid a namula nang makitang nakaagaw na sila ng pansin. Tinabig  niya ang kamay nito saka ito naman ang hinawak sa braso. "Wag mong ipaalala dahil hindi nakakatuwa," aniya saka pabalya itong binitawan.

Tumalikod na siya at mabilis itong tinalikuran. Wala siyang pakialam kung napahiya man ito dahil sa paninigaw na ginawa niya. Ang nasa isip niya ngayon ay ang makita si Charito.

Nagtungo siya sa locker niya at nagpalit doon ng damit saka basta na lang iniwanan ang mga gamit. Lumabas siya at hinanap niya si Charito. Ngunit nalibot na ata niya ang buong campus pero hindi niya ito makita.

"Fuck! Where are you?" inis na bulong niya sa sarili.

Wala na siyang ganang pumasok sa mga subject niya kaya naman nagpasya na lang siyang umuwi sa condo niya. Naglalakad siya sa hall way nang matigilan siya sa paglalakad. May pamilyar na bultong nakaupo sa sahig sa tapat ng condo niya. Kusang humakbang ang mga paa niya papalapit dito.

Yumuko siya para magpantay sila. Hinaplos niya ang pisngi ni Charito at napakunot ang noo niya nang mapaso siya sa paghawak dito. Kinapa niya ang leeg at noo nito. Mataas ang lagnat nito.

Minabuti niyang gisingin ito pero umungol lamang ito. Ang ginawa niya ay kinarga na lamang ito papasok sa kanyang condo at inihiga sa kama niya.

Mabilis na kumuhasiya ng isa pang kumot at itinakip sa dalaga.

"Ethan..." umiiyak na anito.

Parang may kumirot sa kanyang puso ng makita ag isang butil na luha na pumatak sa mata nito.

"I'm here, cherrie..." Inabot niya ang kamay nito at ginagap.

"Please... wag mo kong iwan... natatakot ako..." humihikbing anito sa kanya na nakaoagpakunot ng kanyang noo.

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nakatulog na uli ang babae.

"Sa'n ka natatakot, cherrie..." mahinang bulong niya rito kahit alam niyang nakatulog na ito.

Matagal niyang pinagmasdan si Charito. Nangangalumata ito at maputla.

Minabuti niyang iwan muna ito para makapag pahinga nagtungo siya sa kusina para ipagluto ito ng makakain at mabilhan na tin ito ng gamot. Wala kasing stock na gamot sa cobdo niya.

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon