Part 6

176 14 2
                                    

Honoracio's POV

Napakunot ang kanyang noo nang makitang kaakbay ni Ethan si Charito palabas ng sa building ng College of education. Napabilis ang mga hakabang niya papasalubong sa dalawa.

"Charito," tawag niya sa babae na napaangat ang mukha. Mabilis na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya.

"Honoracio," ngumiti ito at bumitiw sa pagkakaakbay ni Ethan para lumapit sa kanya. Nagsalubong naman nag mga kilay niya at natuon ang mga mata sa kababata.

"Anong ibig sabihin nito? Bakit mo akbay-akabay si Charito?" Hindi niya napigil ang pagalit na tanong sa kaibigan. Sinulyapan niya si Charito. Bumadha ang pagtataka at gulat sa mukha nito. Hindi niya ito pinansin at muling bumaling kay Ethan. Ang akala niya ay umalis na ito kanina para pumunta sa bar. Bakit ngayon nakita niya itong kasama si Charito. Kailan pa naging malapit ang dalawa. Nang-aakusang tinitigan niya ang kababata.

Natatawang itinaas naman ni Ethan ang dalawang kamay. "Don't worry, I was just assisting her. Calm down, bro," iiling-iling na anito.

Sasagot pa sana siya nang kumapit sa braso niya si Charito. Bumaling siya rito. Nakita niya naman ang pag-aalala rito.

"Totoo ang sinasabi niya. Nakita niya akong pinag-iinitan ng mga classmate ko at tinulungan niya lang ako," anito.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi nito.

"Pinag-initan ka?" tanong niya. Tuluyan nang nabaling ang atensiyon niya sa dalaga.

Marahan itong tumango. "Salamat kay Ethan, pinigilan niya sina Angelique sa pananakit sa akin."

"Sinasaktan ka nila?" Humarap siya rito. Muli na naman siyang nakaramdama ng galit ngunit para na sa mga tanong nanakit kay Charito.

"Nakita ko siyang pinagutulungan kanina," ani Ethan. Maging ang boses nito ay seryoso na. Napansin niya ring nagngalit ang bagang nito. "You should report them," anito kay Charito.

Umiling si Charito at ngumiti kay Ethan. "Hindi na. Hindi naman na siguro sila uulit dahil sa ginawa mo kanina."

"Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Charito para putulin ang pakikipagtitigan nito kay Ethan. Nakaramdam siya ng bahagyang selos dahil sa nakikitang pagkagiliw ni Charito kay Ethan. May ningning sa mga mata ni Charito sa bawat sulyap nito sa lalaki. Ayaw man niyang bigayn iyon ng kahulugan ngunit hindi siya bulag.

"Mmm," anito.

Kinuha niya ang mga gamit nito. "Tayo nang umuwi nasa parking na si Mang Gener," aniya na ang tinutukoy ay ang driver nila. "Mauuna na kami," malamig na paalam niya sa kaibigan. Tinaasan naman siya ng kilay ni Ethan. Lihim na napakuyom na lang siya ng kamao.

Tumango si Ethan at namulsa. Inakay naman siya si Charito. Hawak niya ito sa siko at halos kaladkarin na palayo roon. Lumingon pa si Charito kay Ethan at ngumiti.

"Sasamahan kita bukas sa Dean para ireklamo ang mga nanakit sa 'yo."

"Hindi na. Ayoko ng gulo," sagot ni Charito. Inalalayan niya itong pumasok sa passenger seat dahil doon nito gustong maupo kahit pa sinabi niya nang tumabi na lang ito sa kanya sa backseat. Nahihiya raw ito kay Mang Gener.

"Hindi gulo ang ang pagre-report sa mga iyon. Kung hindi malalaman ng council at hindi sila mabibigyan ng aksyon uulit at uulit sila, hindi man sa 'yo, malamang na sa iba."

Bumuntong hininga na lang si Charito. "Ikaw ang bahala."

UntamedWhere stories live. Discover now