Part 21

144 3 0
                                    

Charito's POV

"PAHINGA na po kayo," niya sa lola niya at inagaw rito ag pagpupunas ng plato. Ginabi na siya kaya hindi niya na tulungan ang lola niya sa pag-aasikaso sa hapunan. Wala pa rin si Honoracio, na ikinapagpasalamat niya. Idinahilan niya na lang na may mga project pa siyang tinapos sa school.

Patapos na siya sa kanyang ginagawa ng dumating sa kusina si Mr. De'Marco.

"Bring me coffee in my office," utos ni Mr. De'Marco nang makita siya nitong naglilinis sa island counter.

Nagulat man siya sa biglang pagsulpot ng amo ay mabilis siyang tumalima. Ipinagtimpla niya ito ng kape bago unakyat patungo sa third floor kung nasaan ang library na nagsisilbing opisina nito.

Katulad nang madalas niyang madatnan ito y busy sa kung anog papel na pinag-aaralan nito. Pumasok sioya at nilapag niya ang kape sa lamesa nito. Lalabas na sana siya nang pigilan siya ng amo.

"Kamusta ang pag-aaral mo, Charito?" tanong nito na ikinagulat niya. Ngayon lang kasi ito nagtanong nang tungkol sa pag-aaral niya. Gayun pa man ay sinagot niya ang tanong nito.

"M-maayos naman po..." sagot niya na hindi magawang salubungin ang mga mata nito. Nakaramdam kasi siya ng pagkailang. Katulong lang naman siya sa bahay na ito para pag-ukuln ng pansin ng kanyang amo.

At isa pa kinakabahan rin siya na baka maabutan na naman siya ni Mrs. De'Marco at kung ano na naman ang isipin sa kanya. ayaw niya ng gulo lalo na at malamang na madamay ang lola niya.

"Nabalitan ko na bumaba raw ang mga grades mo," anito. Ipinatong nito ang siko sa lamesa at pinagsalikop ang kamay parang siang prinsipal na handang mangaral sa isang estudiyante.

hindi niya alam kung pano sasagutin ang tanong nito dahil totoong bumababa ang kanyang mga grado sdahil napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral dahil sa problema niya kay Ethan. 

"Tumawag sa aki ang school director niyo, sinabi iya na baka hindi ka na mabigyan ng scholarship sa susunod na semestre."

Nanigas siya sa sinabi nito. para siyang itinulos na kandila dahil sa nrinig. Hindi niya alam na nakausap na nito ang school director nila. ang mga De'Marco ang dahilan kung bakit siya ng nagkaroon g full scholarship kaya hindi na kakapagtaka na ito ang unang makaalam ng bagay na iyon.

"Anong nangyayari sa iyo, hija? may problema ka ba? May boyfriend ka na ba, Charito?"

Napaangat siya ng tingin kay Mr. De'Marco nahimigan niya aksi ang galit sa tono nito sa huling tanong sa kanya. Gusto niyang sumagot ng wala pero hindi magawang bumuka ng bibig niya paano kung alam na pala nito ang tungkol kay Ethan at sa kanya?

Napahigpit ang yakap niya sa tray na pinaglagyan niya ng kape nito. Hindi siya maaaring mawala sa scholar dahil hindi naman iya kayang bayaran ng buo ang tuition niya. At baka maisipan pa ng lola niya na ibalik siya sa nanay niy kapag nagsumbong si Mr. De'Marco na kaya siya bumagsak at nawalan ng scholarship ay dahil may nobyo na siya. Mariin siyang napapikit.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakakap[ag focus sa pag-aaral mo?" muling tanong nito ng walang nakuhang sagot mula sa kanya. Pero para lang siyang tuod, malamig na pinagpapawisan at hindi malaman kung paano sasagutin ang tanong ng kaharap. "Charito!" napapitlag siya ng tumaas ang boses nito.

"S-sir--"

"Nais mo bang makapagtapos ng pag-aaral?" muling tanong ni Mr. De'Marco hindi alintana ang takot na bumadha sa kanya. Tumayo ito mula sa kiauupuan at unti-unting lumapit sa kanya. Nakagat niya na lang ang kayang labi nang maramdaman na nasa likuran niya ang amo. "Magagawa kong mapakiusapan ang school director niyo na huwag kag tanggalan ng scholarship, Charito," mahinang bulong nito sa kanyang tainga na ikinalaki ng kanyang mga mata.

UntamedWhere stories live. Discover now