Part 24

174 4 0
                                    

"ETHAN..."

Humigpit ang hawak niya sa kanyang kopita. Nasa veranda siya ng hotel kung saan sila naka check in ni Kassandra.

Naramdaman niyang humakbang ito papalapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Kahit hindi siya lumingon alam niyang wala ito ni isang saplot sa katawan. Napatiimbagang siya. Gusto niya itongh itulak palayos a kanya pero anong silbi no'n? Mag-aaway lang sila. ipipilit lang ito ang gusto nito.

"Pagod ako," aniya.

"Hindi mo naman kailangang kumilos. Ako na ang bahala," anito sa nang-aakit na tinig. Kahit sinong lalaki ay maaakit kug nasa posisyon iya pero hindi siya. Wala siyang ibang anraradman para kay Kassandra kundi galit.

Pinalis niya ang kamay nito at humarap dito. Tinignan niya ito nang nanunuyang tingin.

"Alam kong kaya mong gawin yan. You're a whore after all."

Para itong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Akma siya nitongs asampalin pero pinigilan niya ang kamay nito.

"Oh, babe, don't," aniya na may babala sa kanyang tinig. "Hindi mo magugustuhan kapag binalik ko sa 'yo ang sampal mo."

Inihagis niya ang kamay nito.

"Magbihis ka na at aalis tayo," aniya. Pumasok siya muli sa loob ng suite nila.

"A-anong aalis? hanggang--"

"Kung gusto mong magpaiwan, magpaiwan ka. Babalik na ako sa mansion." Kinuha niya ang susi ng kotse niya at hinila ang lauggage niya. Wala siyang balak manatili sa suite na ito kasama si Kassandra. Hindi siya makahinga.

"B-but--"

"No buts, Kassandra," malamig na turan niya saka ito iniwan. Lumabas siya at bumaba siya sa parking ng hotel at nagbilang ng sampung minuto para hintayin ito. Wala pa namang sampung minuto ay natanawan niya na ito hila hila ang mga bagahe nito. Nag iwas siya ng tingin wala siyang balak tulungan ito kahit pa nakikita niyang hirap na hirap ito sa paghila ng bagahe nito.

Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na bitbitin niya ang buong wardrobe niya?

Three days lang naman sila naka-book sa hotel pero mukhang pang isang buwan ang dala-dala nito. Lumapit ito sa kanya sa driver seat at kinatok ang bintana. Bahagya niya lang iyong ibinaba.

"What?" bagot na tanong niya rito.

"Hindi ko kayang ilagay sa backseat ang mga luggage ko!" maktol nito.

Tinignan niya ito ng matalim. "Sinong nagsabi sa 'yong ilalagay mo sa backseat yang mga gamit mo? Bukas ang trunk do'n mo ilagay," inis na aniya.

"But it's LV!" pagmamarakulyo na naman nito.

"I don't fucking care kahit bagahe pa ng Santo Papa ang ilalagay mo, okay? Ilagay mo na 'yan sa trunk o iiwanan natin 'yan dito!"

"Damn you--"

Hindi na niya itinuloy ang pakikinig sa mga lintanya nito mabilis na niyang isinara ang bintana at nagpatugtog. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng kotse niya habang tina-tap ang mga daliri sa manibela.

Ilang sandali pa ay nakasakay na ito. Dinig niya ang mabibigat na paghinga nito sanhi ng hingal dahil sa ginawa. Malamang na hindi ito sanay na magsampa ng sarili nitong bagahe. Lumaki itong prinsesa, nasusunod at nakukuha ang lahat ng naisin. Mga pribilehiyong nais niya hubarin sa asawa. This is the priced of being his wife. Napangisi na lang siya at pinaandar na ang makina na hindi tumitingin sa gawi nito.

Nang tungo sila sa bahay na ibinili sa kanila ng mga magulang nila. May mga katulong na silang nadatnan doon. Iniwan niya sa mga ito ang bagahe. Nagtungo siya sa ikalawang palapag ng mansion at pumasok sa isa sa mga guestroom. Wala pa siyang ilang minutong naroroon bumalandra na pabukas ang pintuan at iniluwa si Kassandra. He only give her side glances then go back on undressing.

UntamedWhere stories live. Discover now