1

17.5K 773 227
                                    

[Chain]

My body feels numb...

I can feel the scratches, the blood flowing on my forehead, I guess, even some broken bones. But... I can't feel anything— I don't feel anything.

Unti-unti kong minulat ang walang buhay kong mga mata. Sumalubong kaagad sa akin ang liwanag ng bilog na bilog na araw na palubog. Nakahiga ako sa isang sira-sirang semento, napalilibutan ng debris ang paligid.

What... what happened-

Kusang namilog at napuno ng emosyon ang mga mata ko nang mabilis na nagsibalikan sa isipan ko ang mga nangyari, kung ano ang dahilan kung bakit at kung paano kami nandito-

"Kitten!"

Kahit hindi ko maramdaman ang katawan ko, wala sa sarili akong napabangon. I'm breathing heavily, fear was plastered on my face.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid para makita ang isang pamilyar na lugar. We've been here before... the town that the Sloth destroyed. Bumalik kami rito. 

Sobrang sakit ng ulo ko habang inaalala ang mga nangyari. Fuck... fuck... fuck!

"Brat, kung mulat ka na at gising na ang diwa mo, gisingin mo na ang iba." 

Nakuha ang atensyon ko nang may magsalita. Ang naunang nagkaroon ng malay sa amin na nakatayo at nakaharap sa palubog na araw. Naghahalo-halo ang kulay asul, kahel, at lila rito... padilim na.

"J-Joker..." Mahinang sambit ko. It looks like she don't have any bad injury.

"Can you stand up? Walk at least?" May tonong tanong niya.

Pinilit kong iangat ang sarili ko. I can feel that my bones will snap any second now, so I used the little strength I have left to use my gift. Using my blood, I made my bones stick together for a little more time.

"I-I think I can..."

"Good, because I'm sure that woman can't."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis nalipat ang tingin ko kung saan siya nakatingin at sumalubong sa akin si Drine. Lumabas ang buto niya sa tuhod at walang tigil ang paglabas ng dugo sa braso niya. Wala siyang malay.

"D-Drine!"

Next to her is Kris who I think suffer the least damage and the barney who's covered with just bruises. Wala akong nakikitang problema sa mga paa nila maliban sa tabinging kamay ni Kris at mga gasgas lang ni Acel. Mukha ring nagkakaroon na sila ng malay.

"H-Hey, idiots! Wake up!" Paggising ko sa kanila.

Nang makita kong nagkakaroon na siya ng konting malay, hinanap kaagad ng mga mata ko ang iba pa naming kasama.

Hindi kalayuan sa amin ay si Nyx na meron ng malay at marahang buhat-buhat si Hemera na hanggang ngayon, hindi pa rin gising.

And lastly, I looked for the last one.

"R-Red..."

I saw Red coughing blood close to Nyx. Napakurap-kurap ako habang pinapanood siya. Maliban sa pagdura niya ng dugo at iilang sugat, alam kong meron pa siyang internal injuries katulad ko.

"Hurry up, brats." Ma-awtoridad na sambit ni Joker sa amin. Nakaharap siya sa tulay... ang daanan kung saan kami nanggaling. "The wolves are coming."

Even though we are on an open area, I'm still getting suffocated because of the tension and the atmosphere.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang marahang nilalagay si Drine sa likod ni barney. I want to be angry, gusto kong sumagot at magmatigas.

Ayokong umalis dito... ng hindi siya kasama.

Against the God: End of the Gifteds (HIATUS)Where stories live. Discover now