11

10.7K 538 90
                                    

[3RD POV]

Malaking guild pero walang kalaman-laman, kung may papasok man ay mabilis ding lalabas. It's that time of the week again.

Paying rents.

Padabog na nagbukas ang pinto, at pumasok sa loob ang babaeng hindi nawawala ang pagkakunot ng noo. Magkasalubong ang kilay at matalim ang tingin. She's wearing her yellow uniform that is unbutton in the first 2 buttons. 

Sumasabay sa paggalaw ng katawan niya ang mahaba at asul niyang buhok na nakatali sa isang ponytail. Iritado siya pumwesto sa harap ng mission board.

"Fuck, I'm 30k short." She said under her breath. Seryoso niyang tinignan ang mga misyon na pwede niyang makuha. Sa parehong pagkakataon, may lumabas sa isa sa mga silid na lalaki.

Isang lalaki na feel at home sa guild, at hindi na kailangang magbayad ng renta dahil dito na siya tumitira sa guild.

"A-Aqua!" 

Rivan flinched as soon as he saw the girl inside the guild. Inakala niyang siya lang mag-isa rito dahil busy ang mga estudyante sa pagkuha ng pangrenta sa dorm. Magkasalubong na kilay ni Aqua nang humarap sa kaniya.

"Wow. It must good to be in your position, huh." Sarkastikong sambit ng babae. "Kinarir mo ang pag-stay rito ah, gusto mong singilin na kita?"

Hindi maipinta ang mukha ni Rivan at pilit na tumawa. "Haha... ikaw talaga, ang hilig mong magbiro." 

Kahit kinakabahan, pilit na lumapit si Rivan sa pwesto ni Aqua. "M-Magkano ba kulang mo? Tulungan kita-"

Rivan blenched when Aqua raised her hand, about to hit him. Thankfully, he was saved by the phone ringing. They were both taken aback and stopped. Nothing new, they sometimes take missions through phone calls.

"Saved by the bell." May tonong pagbabantang sambit ni Aqua bago umalis sa pwesto niya para puntahan ang telepono.

"Hello, Deity Guild-"

Aqua stopped when she heard a familiar voice in the line. Nakuha niya rin ang atensyon ni Rivan na nakita ang biglaang pagbago ng ekspresyon ng kasama.

"Oh, I see." Maikling sagot ni Aqua.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa guild habang pinapakinggan ni Aqua ang mga sinasabi ng taong nasa kabilang linya. After a couple of seconds, she clicked her tongue and has a surprised and angry look.

Just watching her, Rivan felt the chills.

Hindi makapaniwala si Aqua sa mga naririnig. At ang unang pumasok sa isip niya ay...

'Why now? When they're not here...'

"Understood." Seryoso at malamig ang boses ni Aqua. "I'll see you there." Sunod na sambit niya bago ibaba ang telepono.

Rivan looked dumbfounded. Walang ekspresyon siyang dinaanan ng kasama habang natulala siya sa pwesto niya.

"A-Anong meron-"

"Gather everyone, Rivan. All of the guild's masters, or anyone who's in charge." Walang kabuhay-buhay ang mga mata ni Aqua. "We don't have to worry about the rent for now..."

"Things are going to get messy."

₪₪₪₪₪₪₪₪

In a middle of a busy city, a group of people are at the top of one of the buildings, looking down. 

Against the God: End of the Gifteds (HIATUS)Where stories live. Discover now