Chapter 31: Can I Take a Peek

46.1K 2.3K 241
                                    

Maybe... I can take a peek? Bumangon ako sa kama at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo.

I was only halfway to the bathroom nang biglang nagsalita si Train. "Where do you think you're going, miss?" I can hear him smirk while saying those words. "Remember that I have a great sense of smell and hearing."

"Uhmm.. Pipila lang ako sa banyo, hehehe."

Binuksan na ni Train 'yong pintuan ng banyo at lumabas. "Alright, then. I'm done. You can use the bathroom." He smiled.

"What? Ang bilis naman!" ingit ko.

"Hmm? I thought you were waiting. Bakit parang na-disappoint ka na tapos na 'ko?" Itinaas niya ang kaniyang kilay at ngumiti nang pilyo.

I blushed and stuttered. "H-Hindi, ah! Ahahaha! S-Sige, thank you! Pasok na me!" Tinulak ko siya at pumasok na sa banyo. Nilibot ko agad ang mga mata ko kung meron bang mga naiwang bakas.

"Don't worry, everything's clean there."

"What? I-I'm not looking for aanything!"

Yikes. Paano niya nalaman? Masyado ba akong obvious?

Umupo na lang ako sa toilet at nagbuntong hininga. Tonight was fun, pero... what will I do tomorrow? Now that my mom is gone?

***

Kinabukasan, gumising ako nang maaga para ipagluto ng breakfast si Papa.

"Oh, Raven? Ang aga mo namang magising," aniya.

"Siyempre, Dad! Ako bahala sa mga breakfast natin simula ngayon!"

My dad gave me a little bittersweet smile. "Alam mo, Raven anak, hindimo kailangang gawin ang mga ito. Medyo nabigla lang ako kagabi, pero hindi langito ang unang beses na nangyari ito."

"P-Po?"

Naghain na ako sa lamesa. I cooked some Spanish omelettes.

"Oh, mukhang may bisita tayo ah."

Namula ang mga pisngi ko. Dalawang pinggan lang ang hinain ko, pero napansin yata ng tatay ko na may naiwan pang omelette sa kawali.

"You don't need to hide from me, Train. You're always welcome here," banggit ng tatay ko.

Lumabas si Train na nagtatago sa may hagdanan at sinamahan kami sa lamesa. "Pasensya na po, medyo wrong timing po yata ang pagbalik ko."

"Ano ka ba, parang manugang na rin kita! Welcome back home, Train!" magiliw na bati ni Papa.

Nasamid ako habang umiinom ng kape nang marinig ko 'yong sinabi ng tatay ko. Ano raw, manugang?

"Haha hindi ko po alam kung ano 'yon, pero..." sagot ni Train. "Looks like Raven likes the thought." His statement ended with a smirk, and eyes that are smiling at me.

This... This player!

"Hahaha!" tawa ng tatay ko. "It's good actually na you guys are on friendly terms again. Nagkakaroon ng buhay rito sa bahay. Nakakabawas sa lungkot."

"Pero paano niyo po nalaman na para kay Train po 'yong tinabi kong pagkain?" I asked.

"Ano ka ba, anak kita. I know everything about you."

Ehem. You wouldn't wanna know everything, Dad. Especially the things that happened last night.

"Papa, ano po pala ang ibig niyong sabihin kanina? Na hindi ito ang unang beses na nangyari ito?"

"Hmm, Olivia is like that. She always comes and go. You might not be aware of it because you too are not that close yet," kaniyang salaysay. "Pero minsan, sa gitna ng gabi, magigising na lang ako na wala siya sa kama."

"T-Talaga po? Bakit ngayon niyo lang po ito sinabi sa akin, Papa?"

"I guess, I just love her too much. And also, ayoko ring madamay ka sa problema namin. Hahaha!" Tumawa si Papa pero naramdaman kong may lungkot sa likod ng mga ngiting iyon.

"Papa, paano po ba kayo nagkakilala ni Mama? Ang alam ko lang po ay last year lang kayo nag-meet. Tama po ba?"

"That's actually a pretty bizarre story. I found Olivia... in the middle of the woods."

Nakakagulat ang sinabi ni Papa, pero mas lalong nakakagulat ang kasunod niyang sinabi.

"And she was heavily bruised and beaten up. She has bite marks and scratches all over her body."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now