Chapter 34: Prisoner

39.5K 2.2K 893
                                    

"ALAB-LAWIN. Kapisanan laban sa mga halimaw."

Nabitawan ko 'yong panyo pagkabasa ko nito. Nagtaasan ang mga balahibo ko at tila huminto sandali ang pagtibok ng puso ko. Bakit may ganitong panyong itinatago si Mama?

Naalala ko bigla si Train. Umalis siya para hanapin si Mama. Nag-alala ako bigla at tumakbo papunta sa kwarto ko.

"Train! Train! Narito ka ba? Sagutin mo 'ko please, Train!" halos maiyak ako kakasigaw.

Hinanap ko kung may naiwan ba siyang bakas sa kwarto ko, pero wala. Mukhang hindi pa siya nakakabalik simula nung umalis siya kaninang umaga.

Dali-dali akong pumunta sa telepono at tinawagan si Drey.

"Hello, Raven? Bakit ka napatawag?"

"Drey! S-Si Train! Si Train! 'Yong Mama ko! M-May panyo!" dire-diretso kong sabi.

"Huminahon ka muna, Raven. Kumalma ka muna at huwag kang mag-panic."

Sinunod ko 'yong sabi ni Drey. Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. "Umalis si Train kanina para hanapin ang Mama ko. Tapos kanina, naisipan kong halughugin ang kwarto ng magulang ko. At may nakita akong panyo! May nakasulat na Alab-Lawin! Alam mo ba 'yon, Drey?"

"Hmm. Hintayin mo kami. Pupunta kami riyan ni Yuie."

Ibinaba na niya ang telepono. Bumaba ako saglit para kumuha ng tubig dahil nanunuyot na 'yong lalamunan ko sa sobrang kaba.

"Train... sana okay ka lang, please."

Pagkalipas ng tatlumpung minuto, dumating na sa wakas sina Drey at Yuie. Kasama nila 'yong tatlong bodyguards ni Yuie na sina Emman, Charlson, at Jackson.

Narito kami ngayon sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ang sarili ko. Samantalang si Drey, hawak-hawak at ine-examine 'yong panyong nakita ko.

"Ano sa tingin mo, Drey?" tanong ni Yuie.

"Maaaring ito nga 'yong nababalitaan nating grupo." Tumingin sa akin si Drey at nagpatuloy, "May mga kumakalat kasing balita na may mga nanghuhuli ng mga halimaw."

"Ano? P-Paano 'yan? Nahuli kaya nila si Train?" sigaw ko.

Natatakot na talaga ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Train.

"Nag-aalala rin ako para sa kapatid ko, kaya tutulungan ka naming hanapin siya," mahinahong sinabi ni Drey.

"Tutulong rin itong tatlong alipores ko, kahit wala silang masiyadong silbi," hirit ni Yuie.

"M-Ma'am Yuie, sigurado po ba kayo?" natatakot na sigaw ni Jackson.

"Mga normal na tao lang kami, w-wala kaming laban sa mga halimaw!" sunod naman ni Emman.

Binatukan silang parehas ni Charlson, at sabay sabi na "Mga gunggong! Nanghuhuli nga raw sila ng halimaw eh! Ibig sabihin, mga tao lang rin sila."

"P-Pero kung nakakahuli sila ng mga halimaw kahit tao lang sila, ibig sabihin... gano'n sila kalakas?" tanong ni Emman na medyo may sense.

"Sasama rin ako sa paghahanap!" sigaw ko sabay tayo. "Hindi ko hahayaang may masamang mangyari kay Train!"

"May alam ka bang impormasyon kung saan sila maaaring mahanap?" tanong ni Drey.

"Hindi ko alam, pero... nabanggit ng tatay ko na natagpuan niya ang stepmom ko sa gitna ng gubat. Baka may chance na naroon rin si Train."

"Sakto, 'yon rin ang balitang nakakarating sa amin. Sa bandang gubat raw nahuhuli ang mga naliligaw na halimaw," dagdag ni Yuie.

My Sweet Little MonsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin