Chapter 10: K-I-S-S-I-N-G

69.7K 3.1K 463
                                    

"Miss Davis!"

Napatayo ako sa lubhang gulat. Natutulog pala ako habang nagtuturo ang aming guro. Nagtawanan ang mga kaklase ko at nakita kong napabuntong-hininga si Jasmine na aking katabi.

"Miss Davis, don't ever sleep in my class!"

"Sorry, Ma'am! Hindi na po mauulit. Napuyat lang po kasi ako kagabi," dahilan ko.

Inusisa naman ako ng aming teacher. "Bakit? Ano'ng ginawa mo kagabi at napuyat ka?"

Nagsimulang humagikgik ang mga kaklase ko. Mukhang enjoy sila sa eksena namin ni Ma'am.

"It's... It's a private thing, Ma'am," pirmi kong sabi.

Narinig ko ang malalakas na 'Oooh' mula sa mga magagaling kong kamag-aral.

"Private?" Itinaas ng aming guro ang kaniyang salamin na para bang nagbibigay ng malisya sa sinabi ko.

I sighed and told her what she wanted to hear. "Ma'am, don't worry I'm still a virgin."

Nagulat si Ma'am sa pagiging straightforward ko. Nabitawan niya ang hawak niyang chalk at napagaralgal ng lalamunan. "L-Let's focus on our lessons during class, please."

Bumulong agad sa'kin si Jasmine pagkaupo ko. "Hoy, Rae! Bakit ka nga ba napuyat? Dahil na naman ba riyan sa pet mo?"

Nag-blush ako sa sinabi ni Jas. What she said was actually the truth. Pinuyat ako ng walanghiyang si Train kagabi.

"Oo, dahil nga sa alaga ko."

"Bakit, ano'ng ginawa nyo?" usisa niya.

"Uhm, bigla na lang akong ginigising no'ng hatinggabi na. Nagrereklamo kasi nagugutom na siya."

"Bakit, hindi mo ba napakain ng dinner?" May ngiwi sa dulo ng kaniyang tanong.

"Hay nako, Jas, ibang klase ang sikmura ng halimaw na 'yon."

"H-Halimaw?" Nanlaki ang mga mata niya.

Oops, medyo nadulas tuloy ako roon. "Este, hayop! Natatawag ko kasi siyang halimaw kapag wala ako sa mood!"

Naging ngiti ang kaniyang ngiwi at nagbahagi na rin si Jasmine ng kuwento. "I totally understand! Ako rin mismo, kung ano-ano ang naitatawag ko kay Rex kapag nasa mood!"

Ang pagkakaalala ko, sabi ko ay tuwing wala ako sa mood. Hinayaan ko na lang siyang magkuwento. "Talaga? Ano naman ang mga naitatawag mo sa kaniya?" Curious din ako kung ano ba ang mga tawagan ng magdyowa.

"Sometimes, I call him a vampire! Rawr!" Umakto pa si Jasmine na parang nangangalmot.

Teka, hindi naman nangangalmot ang vampires ah?

Itinuloy niya lang ang kaniyang pagbahagi ng mga karanasan. "Ikaw ba, Raven? How aggressive are you? Nakaranas ka na ba?"

Nanuyot ang lalamunan ko sa tanong niya. "N-Naranasan ang alin?"

"K-i-s-s-i-n-g!" She spelled it out.

Akala ko naman ay kung ano na. Marumi na yata ang utak ko kakabasa ng mga nobela. Magiging weird kung sasabihin ko ang totoo na may nahalikan na ako, dahil ang alam niya naman ay wala akong kasintahan. Kaya 'pag sinabi kong oo, tatanungin niya kung sino. Hindi ko naman puwedeng sabihin na 'yong pet ko.

"H-Hindi pa..." Hindi ako makatingin nang sagutin ko siya.

"What? Gosh Raven, you're so inexperienced! You haven't tried the wonders of kissing!"

Aba, kung alam niya lang. My tongue has done lots of wonders with Train.

"You're not curious?" Humahaba ang nguso ni Jasmine na para bang may hinahalikan sa hangin. "Don't worry, as your best friend, I'll help you with that!"

I just rolled my eyes and sighed.

***

Tumunog na ang bell na siyang hudyat ng lunch break. Naglabasan na ang mga estudyante. Palabas na sana ako kasama si Jasmine nang bigla akong tinawag ni Ma'am.

"Miss Davis, maiwan ka muna rito."

Patay, papagalitan yata ako. Agad akong yumuko at humingi ng tawad. "Ma'am, if it's about earlier, I'm very sorry po."

"Miss Davis, 'yong grades mo, parang spaghetti. Pababa nang pababa."

Ma'am, I'm sure may ibang puwedeng pagkumparahan ng grades.

Itinuloy niya ang pagsermon. "And I want to save your grades, that's why I'll be assigning a personal tutor for you."

"Tutor?" ulit ko.

"Napag-usapan na rin namin ito ng mommy mo," salaysay niya. "Pumayag siya. Kailangan mo lang namang isakripisyo ang ilang oras para maturuan ka ng special lessons pagkatapos ng regular class schedule mo."

Si Mama? Biglang pumasok sa utak ko 'yong laging sinasabi ni Train na mag-ingat ako sa stepmom ko na si Olivia.

"P-Pero Ma'am, 'wag na po! Babawi na lang ako sa grades ko!"

"This is for your own good, Miss Davis. I'll be assigning a senior to teach you." Hindi nagpaawat ang teacher ko. "And I think he's already here."

My jaw dropped on the floor. Hindi ko in-expect na siya pa ang makikita ko. Drey is by the door, walking towards our classroom.

"Ma'am? You called for me?" Lumapit siya sa'min at nagulat rin siya nang makita ako. Mukhang wala ring alam si Drey tungkol dito.

"Drey, you'll be the tutor of Miss Davis. And when I say tutor, magkakaroon kayo ng one-on-one lessons everyday after class."

"What?" sabay naming hiyaw. Nagkatinginan kaming dalawa at bakas ang inis sa'ming mukha.

Oh no! That means... more hours away from Train? And more hours together with his brother? Ma'am, I swear kayo ang kontrabida sa buhay ko. Napalapat na lamang ako ng palad sa noo habang umiiling.

Lagot ako sa alaga ko nito.

My Sweet Little MonsterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora