Chapter 17: Lovers' Quarrel

60.2K 2.7K 386
                                    

"Raven, bakit tinawag na fishball kung hindi naman ito bilog?" tanong sa'kin ni Jasmine habang kumakain kaming apat nina Rex at Drey sa canteen ng iba't ibang mga streetfood. Nakaugalian na naming magsabay-sabay tuwing break time.

Sumingit na naman si Rex. "Bilog 'yan, babe. Depende kung paano mo titingnan." Inihiwalay niya ang mga fishball mula sa stick at ipinakita sa girlfriend niya na bilog sila kung titingnan mula sa ibabaw. "O, 'di ba?"

"Galing mo talaga, babe!" kilig na hirit ni Jasmine.

Magaling na ba 'yon? Napasalumbaba na lang ako roon sa lamesa habang umiiling. Napatingin ako kay Drey at ngumiti siya sa 'kin.

"Hey, Raven." Tinawag ako ni Drey. "Gusto mo siyang makilala di ba? 'Yong master ko?"

Nagliwanag agad ang mga mata ko. "Yes! Yes! I want to meet her!"

"Okay." He smiled. "Puwede ka ba mamaya?"

"Sige! Pero magpapaalam muna ako kay Train."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Bakit magpapaalam ka pa kay Train? Parang ang lumalabas tuloy, siya ang master mo." Isinara niya ang kaniyang binabasang libro at humarap nang maayos sa'kin. "Kung gusto mo, isama mo na lang siya."

"Isama si Train?" Namula ang mukha ko nang maisip ang hitsura naming dalawa sa labas. Kung tutuusin, hindi ko pa naipapasyal si Train sa ibang lugar. Lagi lamang siyang nasa bahay.

"Mamayang 7:00 pm sa Amusement park. Ayos lang ba?" ani Drey.

"A-Amusement park? Hindi ba magpapakilala lang naman kami sa isa't isa? Bakit kailangang sa amusement park pa?" nalilitong tanong ko.

Drey sighed. "Hindi kasi 'yon mahilig lumabas ng bahay. At papayag lang 'yon lumabas kapag dadalhin mo siya sa amusement park."

"Talaga? Para naman siyang bata," natatawa kong sabi. She seems interesting.

"Oo, sinabi mo pa. Para talaga siyang bata," saad ni Drey. "But sometimes, she can be such an adult." Namula bigla ang kaniyang mukha nang sabihin iyon, at nagtaka ako sa kung ano ang ibig sabihin niya roon.

***

Pagkauwi sa bahay, ibinalita ko agad kay Train ang plano at niyayaya siyang samahan ako sa amusement park.

"Sumama ka na, please!"

"Ayoko," maiksing sagot ni Train.

"Bakit ayaw mo?"

"Ayokong makita ang pagmumukha ng kuya ko," singhal niya.

"H-Hindi mo ba 'ko sasamahan?" I pouted my lips.

Bigla tumingin nang masama sa'kin si Train. "Hindi ba't ikaw ang may gustong makasama siya?"

What? Nagseselos na naman ba 'tong si Train?

"Pa'no mo naman 'yon nasabi?" irita kong tanong. I don't like it when Train doesn't trust me.

"Raven, araw-araw na lang na umuuwi ka galing sa school, meron kang amoy ni Drey." Mas lalong naging masama ang tingin niya. "You must be enjoying it, being with him."

Tumalikod siya at naglakad palayo sa'kin. Itinikom ko ang aking mga kamao at marahas na nagsalita. "Wala akong magagawa kung ayaw mo'ng sumama. Wala ka namang pakialam kung may mangyaring masama sa'kin, eh!"

Nagdabog ako palabas. Hay, hindi niya man lang ako pinigilan.

***

Sa amusement park, nakaupo lang ako sa isang bench at hinihintay si Drey. Hindi ko maiwasang malungkot tuwing naaalala ang nangyari kanina. Nag-away pa kami ni Train. Tila maiiyak yata ako.

Tiningnan ko ang relos, forty minutes na, wala pa rin sila. Biglang may tumawag sa cellphone ko. "Hello?"

"Raven! Sorry, pero mukhang magiging late ako!" sabi ng boses ni Drey. "Pasensya na talaga. Kung hindi ka na makapaghintay, ayos lang sa'kin kung mauna ka na."


"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Nawawala siya eh!" Halata sa boses niya ang takot at matinding pag-aalala.

"Siya? You mean..."

Isinalaysay ni Drey ang nangyari. "'Yong master ko, nawawala! Kanina lang ay kasama ko siya, pero bigla na lang siyang naglaho!"

"Hala, kailangan mo nga siyang hanapin! Sige, go lang! Naiintindihan ko."

"Salamat talaga, Raven. Hindi ko puwedeng pabayaan ang master ko. Sige, paalam."

Bigla akong natahimik. 'Hindi ko puwedeng pabayaan ang master ko," 'yon ang sabi ni Drey. Buti pa siya, nag-aalala nang lubos sa amo niya. Si Train, hindi man lang ako sinamahan. Tumulo na ang mga luha ko. Ibinaba ko na ang phone at ibinalik sa bulsa.

"Miss, mag-isa ka lang ba?"

Huh? Sino 'yon? Paglingon ko, may tatlong lalaki sa harapan ko. Oh no, sila 'yong tatlong bugok na nakabangga ko noon! Nag-panic agad ako dahil sa maaari nilang gawin.

"Train!" Sumigaw ako nang malakas. Pero sino ba'ng niloloko ko? Wala naman siya rito. "Tulong! Saklolo!"

Bago pa 'ko nakasigaw ulit, bigla may tumakip ng bibig ko at hindi ako nakahinga. Maya-maya ay nawalan na 'ko ng malay.

"T-Train..." I whispered his name before closing my eyes.

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now