Chapter 3: What Are You?

86.4K 4K 1.2K
                                    

My face was blank. I just stared at him for about a minute. Did he really lick my face? Jeez! Hindi ako lollipop!

"B-Bakit mo ginawa 'yon?"

"Because you taste sweet," aniyang nakangiti. Aba, marunong pala 'tong mag-English.

"Ako, matamis? Saan banda?" I irked.

"Everywhere." Pagkasagot niya ay nagulat talaga ako dahil hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinilaan din ang mga ito. "You're yummy, Raven."

Namula ang mga pisngi ko at binawi ko agad ang mga kamay ko. "W-What are you doing?"

Nabigla yata siya no'ng binawi ko agad ang mga kamay ko. Yumuko siya, sabay sabing, "S-Sorry..."

Wah! The very famous puppy eyes technique! He's doing it to me! Isa siyang expert sa puppy eyes—I could tell!

"Ay, h-hindi naman ako galit," mahinhin kong sabi. "Saan ka ba nakatira?" tanong ko sa kaniya.

Yumuko lang si Train at hindi sumagot. Nakita kong dahan-dahang nalungkot ang mga mata niya. Siguro kung saan man 'yon, hindi na niya gustong balikan. Kaya naman hindi ko na itinuloy ang pagtanong tungkol doon.

May biglang kumatok mula sa labas ng kuwarto kaya pumunta agad ako sa pinto at binuksan ito. "Mama! Nakauwi na po pala kayo."

"Sorry late ako, anak. Pero may pasalubong ako sa 'yong—" Nahulog ni Mama ang dala niyang kahon ng Krispy Kreme. Napatulala siya nang makita niya si Train. "Holy shit! Sino 'yang kasama mo?"

I swear, ngayon ko lang narinig magmura ang nanay ko. Tumakbo siya papunta kay Train at tiningnan siya mula ulo hanggang paa habang iniikutan ang kaniyang katawan.

"Sino ka? At bakit ka nasa kuwarto ng anak ko?" Inulanan ni Mama ng mga tanong si Train. "Ilang taon ka na? Saan ka nagtapos? Engineer ka ba? Doktor?"

Hindi sumagot si Train at nakita ko sa mata niyang natakot na siya kaya naman hinarangan ko si Mama at nagpaliwanag.

"Mama, k-kaibigan ko lang po siya. Nakiligo lang po siya sandali." My throat bobbed when I mentioned my white lies.

Tumingin sa 'kin si Mama tapos tumingin ulit kay Train. Bakit kaya ayaw sumagot ni Train? Alam kong matipid siyang magsalita, pero bakit hindi siya sumasagot?

"M-Mama, bukas po ay pag-usapan natin ito. Baka pagod at inaantok na po kayo."

Napabuntong-hininga na lamang si Mama at sumang-ayon din. "Tama ka. Baka masiyado lang akong stressed." Umalis na siya at pinulot ang nahulog niyang kahon ng Krispy Kreme.

Pagkaalis niya ay hinarap ko agad si Train. "Bakit hindi ka nagsalita kanina?"

"K-Kasi..." He looked down on the floor. "Hindi ko nagustuhan ang amoy niya, eh." Itinuloy niya ang kaniyang paliwanag nang makitang naguguluhan ako. "I love your smell, Raven. That's why I trust you. Pero 'yong pumasok kanina... I don't think I can trust her."

"Mama ko 'yon, Train." I tried to explain to him in a sincere way. "If you want to be my friend, then you have to trust her."

Ang totoo niyan, hindi ko siya tunay na ina, kaya mas lalong nakapagtataka na may napansing kakaiba si Train. Ang pangalan ng aking stepmom ngayon ay Olivia. Matagal na kasing hiwalay si Papa at ang tunay kong ina.

Hindi pa masiyadong matagal noong unang ipinakilala sa 'kin ni Papa si Olivia. Hanggang ngayon ay sinasanay ko pa rin ang sarili kong tawagin siyang Mama dahil nakikita kong masaya at natutuwa si Papa tuwing naririnig iyon.

***

I was lying on my bed and trying to sleep when I heard a weird noise. May maingay na asong umuungol.

"Ano ba 'yan! Hindi ako makatulog!" Bumangon ako mula sa kama at binuksan ang bintana ng kuwarto. Weird, wala namang aso sa malapit.

Nang marinig ulit ang mga ungol, doon ko natukoy na nanggagaling ito sa bubong. Tawagin niyo na 'kong pasaway o ano, pero kahit lagpas alas-onse na ng gabi ay lumabas ako roon sa bintana at umakyat sa bubong. I have to stop this noise! Or else, hindi ako makakatulog.

Pagkasampa ko sa bubong, sinubukan kong tumayo nang dahan-dahan. Whoa, nakakatakot! I have to carefully maintain my balance. Naglakad na ako paakyat at nagulat sa natuklasan ko—si Train. Nakaupo na naman siya ng usual niyang squat sa bubongan at nakatingin sa buwan.

"Kuya..." narinig kong bulong niya habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

Habang pinagmamasdan siya ay naramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko at nawala ang aking balanse.

"T-Train!" Dumulas ang paa ko at dumausdos ako pababa sa bubong. Sinubukan kong kumapit pero masiyadong mabilis ang mga pangyayari.

I'm falling! Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinanda ko ang sarili ko sa mararamdamang matinding sakit.

Huh? Bakit wala akong naramdamang sakit? Dinilat ko ang mga mata ko at unti-unting napagtanto kung nasaan ako. I'm not in heaven, I'm at a better place—in Train's arms.

"Train? Are you an angel?" bulong ko habang dahan-dahang bumabalik ang linaw ng aking paningin. Narito kami sa likod-bahay kung saan ako muntikan nang bumagsak.

"What do you think you're doing?!" May galit sa tono ng boses niya. His golden eyes were fuming in a mix of anger and concern.

"S-Sinagip mo ba ako?" Napatingin ako sa bubong ng bahay namin. Pa'no niya 'ko nasalo? Ang taas ng bubong namin at napakabilis ng pagkakahulog ko. "What are you, Train?" Hindi ko mapigilang mapatulala sa kaniya.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang may itinatanong pa ako.

"Paano ka agad nakalipat dito mula sa bubong?"

Tinapat niya ang kaniyang bibig sa leeg ko at inamoy ito. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga.

"P-Paano mo... nagawa..." I couldn't continue what I was saying. I'm slowly losing my train of thought.

"Raven..." Ibinubulong niya ang pangalan ko habang iginagala ang kaniyang paghinga sa gilid ng leeg ko. Sinusuklay niya rin ang buhok ko gamit ang mga mahahabang daliri niya.

"Train..."

Parehas kaming nakapikit at ninanamnam ang presensya ng isa't isa. I can't describe what I'm feeling. We're both just quietly whispering each other's name while silently soaking in the warmth from our closeness. Para akong nalulusaw sa mga hawak niya. My blood is accelerating ten times faster, and my heart is beating rapidly.

Nilipat ni Train ang tuon niya sa'king buhok. Kaniyang nilanghap ang bango nito habang marahang pinanghahaplos ang kaniyang matangos na ilong sa pagitan ng mga malalambot na hibla ng aking buhok.

"You smell so nice..." he uttered in a low, seductive voice.

"W-Whatever..." I shuddered.

Naramdaman ko siyang ngumiti. "Hey... It hurts," he smirked.

Saka ko lang napansin, nakabaon na pala ang mga kuko ko sa balikat niya. Doon ko siguro ibinuhos ang lahat ng mga sensasyong nararamdaman ko. Nakakahiya!

Tinanggal ko agad ang aking kamay mula sa kaniyang balikat at lumayo ako nang ilang mga metro sa kaniya. Nginitian niya lang ang reaksyon ko.

"Are we just going to stay outside?" Ikiniling niya ang kaniyang ulo paturo sa direksiyon ng bahay. Tinulungan niya akong makatayo at nagpasya na kaming bumalik sa loob.

Habang naglalakad siya ay pinagmasdan ko ang kaniyang malapad na likuran. Makaka-survive pa ba ako, na may bisita sa aming isang mapanuksong lalaki? Na walang ginawa kung hindi pakiligin ako to the highest fucking level?



***************************
DO NOT REPRODUCE THIS STORY.
Please report to @windiespatrol any illegal uploads, distributions, selling, and posting of this story. Do not support piracy.

This story should only be available on irshwndy's wattpad account.

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now