Chapter 13: M-I-S-S-I-N-G

54.4K 2.9K 680
                                    

"Grrr..."

"Drey!"

Bigla siyang lumundag papunta sa'kin. Napahiga ako sa sahig at nakapatong siya sa ibabaw ko.

"D-Drey, please... Sabi mo, wala kang balak na masama... 'di ba?"

"Grrr..."

Nanginginig ang mga labi ko habang nagsasalita. "H-Hindi ba may sarili kang master? S-Sa kaniya ka lang naman humihingi ng pagsuyo, 'di ba?"

Malalim ang kaniyang boses at mabagal ang pagbigkas ng mga salita. "Raven... I'm freaking hungry right now..."

Bigla niyang dinilaan ang pisngi ko. Wala akong magawa dahil pinako ni Drey ang mga kamay ko sa sahig. He also pinned my legs under his knees, toally trapping me under him.

"Drey... Please stop... Please..." I sobbed.

Mabigat ang kaniyang paghinga nang sagutin niya ako. "Don't worry... I'll just settle with licking your cheeks. I won't do anything beyond that..."

Namilog ang mga mata ko nang marinig iyon. He's in beast mode right now, but he's holding back his hunger by settling with my cheeks. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Drey na malakas ang self-control niya, nagawa niyang magtimpi sa kabila ng matinding gutom.

Pinabayaan ko na lang siyang dilaan ang pisngi ko, baka kung ano pa'ng gawin niya kapag tumanggi ako. I don't want to do anything reckless that could trigger him to go wild.

His tongue was smooth and caring. Dahan-dahan lang siya at hindi nagmamadali. Unti-unti niyang pinapawi ang gutom niya.

"I don't want to do anything bad to you," he whispered.

Tahimik lang akong tumango.

"Damn. Nagugutom pa rin ako..." he tsked. "Saka isa pa, hindi ka gano'n kasarap. My master tastes so much better."

Ako 'yong na-trigger sa sinabi niya. "Excuse me! Sorry naman kung hindi mo type ang flavor ko!"

Biglang bumukas ang mga ilaw at nakita na namin nang maayos ang paligid. The sudden brightness surprised my eyes, forcing me to shut them tight for a while. Pagdilat ko ay wala na si Drey.

Just like that and he vanished into thin air. Siguro ay pinuntahan niya agad ang kaniyang master.

I wonder who is Drey's Master, and what kind of person she is?

***

Narinig ko ang yabag ng mga paang nagmamadaling umakyat. Nakarating na ang mga guwardiya at staff.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong nila sa'kin. "Buti ay hindi kayo nabagsakan ng mga libro!"

"Rae!" Paglingon ko, tumatakbo si Jasmine at Rex papunta sa'kin. "Sorry, Rae! Akala ko, mga ten minutes lang ang itatagal ng operation!"

"Huh? Operation?" I blinked my eyes in confusion.

Si Rex ang sumagot at proud na proud pa siya. "Operation K-I-S-S-I-N-G starring Raven and Drey!"

Binatukan ko silang parehas. "Kayo pala ang may kasalanan, eh!"

"Nadiskubre ng dalawang ito ang control room ng silid-aklatan at pinagpipindot ang lahat ng makita nilang switch doon, kaya natagalan kami sa pag-aayos nito," paliwanag ng isang staff. "Kaya naman mapaparusahan sila sa ginawa nilang kalokohan."

"P-Pero bago niyo po kami parusahan..." Bumaling sa'kin si Rex. "Raven, tell us, successful ba kami sa operation?"

"Nag-kiss ba kayo ni Drey?" dagdag ni Jasmine.

Binatukan ko ulit silang dalawa. This time, harder. "Mga baliw! Walang nangyari kaya 'wag niyo nang uulitin 'yon!"

"Maaari ka nang umuwi, Miss Davis. Samantalang kayong dalawa, to my office please," mariing utos ng staff.

"A-At least kasama kita, applepen!" Hinawakan ni Jasmine ang mga kamay ng kaniyang kasintahan.

"'Wag kang mag-alala, pineapplepen." Niyakap naman siya nang mahigpit ni Rex. "Magkasama nating titiisin ang pagdurusa! In sickness and in health, for better or for worse—"

"Hoy! Hindi kayo kinakasal!" Binatukan ko sila for the third time. This time, pati ang staff ay nakibatok na rin.

The weird couple strikes again. Hay, makauwi na nga. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko... sigurado kasi akong gutom na gutom na si Train ngayon. Baka nagwawala na siya sa bahay.

***

Pagkauwi ay nagmadali agad ako papunta sa kuwarto. Handa na sana akong yakapin agad si Train pero laking gulat ko nang makitang wala siya rito. "Train! Train, nasa'n ka?"

Hinahanap ko siya sa buong bahay habang malakas na isinisigaw ang kaniyang pangalan. "Train!" Siguro ay dala na rin ng sobrang pag-aalala, pero bumuhos na ang mga luha ko.

"Raven!" Tumakbo palapit sa'kin ang tatay ko. "Umalis kanina si Train."

"S-Saan daw po siya pumunta?"

"Hindi niya sinabi pero may binabanggit siyang pangalan na paulit-ulit. 'Drey' ba iyon?"

Oh no, siguro ay naamoy niya na magkasama kami ni Drey.

"Kakaiba ang boses ni Train kanina, kaya hindi ko siya masyadong maintindihan habang nagsasalita." Isinaad ng tatay ko ang mga pangyayari habang wala ako. "Medyo may kakaiba nga sa hitsura niya kanina, eh. Nakakatakot ang mukha niya."

The next words that came out of my dad's mouth made me shiver.

"Para bang... Handa siyang manakit ng tao."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now