Chapter 16: Back in Bed

66.6K 2.8K 293
                                    

Nakahiga na ako sa'king kama at nasa tabi ko ang isang maamong Train na mahimbing nang nakaidlip. Samantalang ako, hindi pa makatulog. Masiyadong marami ang dumadaloy sa isipan ko.

Naalala ko 'yong nangyari kanina. Muntikan na naman ako kay Train.

Paano kung dumating 'yong oras na hindi ko na siya mapipigilan? Tuluyan ko na nga bang ibibigay ang sarili ko sa kaniya?

Napatingin ako sa katabi kong natutulog. Ngumiti ako at isinuklay ang kaniyang malambot na buhok. Sobrang guwapo niya talaga. Ang cute-cute pa. Sana ay ganiyan na lang palagi si Train.

I leaned to give him a peck on the cheek. "Sleep well, my little monster."

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Nakita ko ang step mom ko na si Olivia sa may kusina. Gising pa siya at tila may inaasikaso. Ano kaya'ng meron? Late na, ah.

Hindi ko na lang pinansin at pumunta ako sa telepono. I dialed the number and waited for someone to answer.

"Hello?" answered the person on the other line.

"Drey, si Raven 'to."

"Raven? O, bakit gising ka pa?"

"Drey, makinig ka. Sorry talaga sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadyang sampalin ka. Nagulat lang ako sa ginawa niyo kay Train. Pero ngayon ay naiintindihan ko nang kinailangan niyo 'yong gawin para matigilan ang pagwawala niya."

"Don't mind it." I heard him smile. "Okay ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sa'yo?"

"Ayos na ako. Nakakalma na rin si Train. Salamat sa pag-aalala."

"Listen, Raven. Hindi man halata, pero ang totoo niyan ay mahalaga sa'kin ang kapatid ko. I wanted him to have a master, but he'll never realize that he needs one if I kept being by his side." I could sense the sincerity in Drey's voice. "Iniwan ko siya noon dahil alam kong kailangan niyang makahanap ng amo na makapagbibigay sa kaniya ng lakas at aruga na hindi ko maibibigay bilang kuya."

"Salamat, Drey. Don't worry, I'll take care of your little brother," aking sinabi habang lihim na nakangiti. Natutuwa akong malaman na mahal na mahal naman pala ni Drey ang kaniyang kapatid.

"Salamat din, Raven." I heard him sigh in relief.

"Uh, Drey? Can I ask you a question?" Mukhang ito na ang tamang pagkakataon para tanungin siya. "'Yong babae kanina sa mansiyon niyo, siya ba ang master mo?"

"Yes, she's my master."

Nahihiya akong magtanong kay Drey tungkol sa kaniya, pero marami talaga akong gustong malaman tungkol sa master niya. Gusto ko siyang makilala at makausap. Tutal, siya lang naman ang makaka-relate sa'kin, 'di ba?

"Do you want to see her?" hula ni Drey. Nabasa niya ang saktong iniisip ko.

"Yes!" Napatakip ako bigla ng bibig dahil sa sobrang hiya. Masiyado yatang halata ang pagkasabik ko.

Natawa nang mahina si Drey. "Sure, I'll ask her."

"Raven?" another voice said. Paglingon ko sa likod, nakita kong nakatayo si Train at humihikab. "R-Raven? Why are you not in the bed?" he said while rubbing his eyes. Hala, sobrang cute niya po.

I automatically blushed at the sight of his innocent face. "I-I'll go back na. Sige, bye." Pagkababa ko ng phone ay hinarap ko si Train.

"Umalis lang ako nang ilang sandali, na-miss mo na agad ako," nakangising hirit ko sa kaniya.

He wrapped his arms around me and smiled. "You're such a tease. You know that?"

He gave me a kiss on the forehead. Oh god, I can live like this forever.

"Train..." Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinalikan ko siya. And he kissed me back in return. Damn, I always lose my control when I'm with him. Si Train yata ang sisira sa katinuan ko.

"Ra–ven," he said in between our kisses.

"Mmm?"

"Do you... realize... what time is it now?" he quietly mumbled.

I answered him, still in between kisses. "Y-Yeah... It's late... already."

I felt his lips give a smirk. "Nope. It's actually a good time."

Huh? Pagkasabi niya no'n ay bigla niya 'kong kinarga. "T-Train!"

He winked and said, "Just be a good girl. Okay, Raven?"

Oh my god. Did he just wink at me? Shit! Binabaliw na talaga niya 'ko!

He then carried me back to our room–este, my room pala.

"Train?" ninenerbiyos kong tanong.

Hiniga niya ako sa kama and he settled on top of me. I'm having an internal nosebleed. His body is over mine and I can feel his weight!

"You're such a kid," he chuckled.

"H-Huh?"

"Goodnight, my sweet master."

He gave me another peck on the forehead after saying that. Umalis na siya sa ibabaw ko at biglang naglaho na parang bula. Hindi ako informed na literal na good night na pala iyon.

Hinintay ko naman nang ilang sandali si Train, ngunit hindi na siya bumalik. Siguro, sa bubong na 'yon natulog. Paminsan ay hindi ko maintindihan ang mga halimaw. Minsan, para silang aso na clingy. Minsan, parang pusa na may sariling buhay.

Napasinghal ako nang malalim. Bakit, ano ba ang inaasahan kong mangyari? I found myself blushing suddenly.

"Ugh! Makatulog na nga lang!" I grumbled at myself and dumped my head on the pillow.

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now