Chapter 22: I Must Be Dreaming

47.8K 2.6K 495
                                    

Pagkarinig ko ng sinabi ni Drey, biglang nahulog ang puso ko. Namula ako nang husto at nawala ang pandinig ko.

"Hey, Raven? Okay ka lang?"

Wala akong marinig. Wala rin akong makita. My mind is blank.

"Raven?" He snapped his fingers in front of my face.

"D-Drey!" Nagising na rin ako. "Ano ulit 'yong sabi mo?"

"Iba-iba ang puwedeng tumubo sa katawan ng isang halimaw. At bawat isa sa mga iyon ay resulta ng matinding damdamin," paliwanag niya. "Hindi ba dapat ay matuwa ka pa? Sa totoo lang, naiinggit nga ako, eh. May kakayahan na siya ngayong lumipad. I'm proud of my little brother."

Nagulat siya nang makitang umiiyak ako.

"S-Si Train, umiibig?" hikbi ko. "K-Kanino?"

"Raven, malamang ika—" Naputol agad ang sasabihin ni Drey dahil bigla na akong nagsisisigaw roon.

My mood suddenly changed. "P-Paano kung hindi ako? A-Ano'ng dapat na maramdaman ko?"

"Uh, Raven..."

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Drey. "Hindi ako dapat mag-expect, masakit! Ayokong masaktan! Tama, hindi ko na lamang 'to iisipin." Pagkatapos no'n ay tinapik ko ang likod niya at naglakad paalis.

***

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na malayo na pala ang nilampas ko sa sinakyan kong jeep. "Manong, para!"

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Kinakabahan din ako dahil dumidilim na. Wala na ring dumadaang ibang sasakyan. Panay lakad ko sa kung saan-saan ngunit tila naligaw na yata ako.

Nakarinig ako ng ungol ng isang aso mula sa malayo. Nagsimula na akong matakot dahil kakabasa ko lamang ng horror kamakailan. Habang naglalakad ay nakarinig na naman ako ng isang malakas na ungol, mas malapit na ito ngayon. Siyet, ayoko na rito!

Kumaripas agad ako sa pagtakbo, sa sobrang pagmamadali ay bigla akong nadapa at napagulong sa lupa. Aray ko po. Ano ba ito, kakagaling ko lang sa disgrasya, ah? Hinimas ko ang aking tagiliran, ang sakit kasi ng pagkatama nito. May galos rin ang binti ko.

Umupo na lang ako sa gilid at niyakap ang mga tuhod ko. Umiiyak na ako. Hindi ko na alam kung nasa'n ako. Ang sakit ng katawan ko, at kumukulo na rin ang tiyan ko sa gutom.

"Train... T-Totoo bang nagmamahal ka na?" iyak ko. "D-Dahil sa 'yo, nangyari sa 'kin 'to. D-Dahil sa 'yo, nagkakaganito ako..."

Sa sobrang pagod na rin siguro ay napahiga na lamang ako sa malamig na sahig. Nakatulog ako habang umiiyak.

***

Nagising ako dahil sa kakaibang kaluskos na narinig ko. Pagmulat ko ng mata, nasa loob na ako ng kuwarto ko at nakahiga sa aking kama.

"P-Paano ako nakarating dito?" I whispered weakly. I was still in a daze.

Something caught my attention from the side of my face. I narrowed my eyes and saw a piece of black feather inches from me. I tried to reach for it but it started to fade away, leaving tiny particles of black dust swirling with the wind.

I gradually closed my eyes and fell asleep again. I must be dreaming.

My Sweet Little MonsterМесто, где живут истории. Откройте их для себя