Chapter 21: Wings and Meanings

52.8K 3.4K 740
                                    

I woke up to find Train sleeping next to me. Shucks, what a beautiful sight to start the morning. I brushed his already messed up hair and kissed his nose, then I got up from the bed.

"Okay, stretching muna," sambit ko sa'king sarili at nagsimula nang mag-ehersisyo ng katawan sa tabi ng kama. Narinig ko ang mahabang paghikab ni Train. "O, gising ka na ba?" I greeted him with a smile.

"I'm hungry..." he yawned.

Ano ba 'tong halimaw na 'to. Umagang-umaga, nanghihingi na agad ng pagkain. "Bumaba ka sa kusina. Maraming pagkain do'n sa ref."

He smirked at me with sleepy eyes. "Iba 'yong hinahanap kong pagkain."

"Train!"

"Biro lang. Sige bababa na po," mahina niyang tawa.

Namumula ako nang husto. Bumangon na si Train at inilapit nang husto ang kaniyang mga labi sa'kin. Nang isang sentimetro na lamang ang distansya namin, ngumiti lamang siya at lumayo na muli. Dinaanan niya lang ako bago lumabas ng kuwarto.

I was left there with an open mouth and a pair of dry lips that were left hanging. Binitin niya ako! Pinaglalaruan ba nito ang feelings ko?

Bumaba na rin ako kasi oras na rin para sa almusal. Naroon ang dad at step mom ko sa lamesita.

"Raven, gising ka na pala," bati ng tatay ko. "Mag-almusal ka na muna."

"Sige po."

Kumakain ako habang sinisilip si Train. Katapat ko siya at ang lakas niyang kumain. Oo, sa sobrang dalas nang bumisita ni Train ay parang halos naampon na rin namin siya. Dahil ilang buwan na rin siyang nakilala at nakakasama ng mga magulang ko ay palagay na ang loob nila sa kaniya.

"Grabe, mukhang gutom na gutom si Train ah!" pahayag ng tatay ko. "Para tayong may alagang tuta!"

Correction, halimaw po ang alaga natin sa bahay.

"Sige po, Mama, Papa. Maghahanda na po ako para sa school." Tumayo na ko pero hindi pa rin umaalis. Nakatingin ako kay Train.

Abala lamang siya sa pagkain at hindi ako pinansin.

"Goodbye!" Padabog akong umalis.

***

Habang naglalakad papunta sa eskuwelahan ay nagrereklamo ako sa sarili ko. "Nakakainis siya! Parang kagabi lang ang sweet-sweet niya!"

"Uy, okay ka lang?" Biglang lumitaw si Train sa gilid ko.

"Ah! 'Wag mo nga akong gulatin!" Napahawak ako sa'king dibdib.

"Bakit parang ang bigat yata ng mga yabag mo?" tawa ni Train.

"Naiinis kasi ako!"

"Saan?"

"Sa'yo!"

Napatigil siya bigla at tumigil din ako. Akala ko pa naman ay huminto siya para humingi ng sorry, pero bigla siyang tumawa nang malakas.

"Ang sama mo!" Itinulak ko ang dibdib niya at naglakad paalis.

Kumapit siya sa braso ko at napigilan agad ako. "Binibiro lang kita, okay? Sorry na." Bigla niya 'kong ibinuhat at inangkas sa likuran niya.

"I-Ibaba mo 'ko!"

"Mas makakarating ka nang mabilis sa school nito."

"Ayaw! N-Nakakatakot kaya! Ang bilis mo masiyadong tumakbo!" Pinapalo ko ang kaniyang likuran para ibaba ako.

"Do you want me to fly instead?" he suggested with a wink.

"B-Baka may makakita sa'yo! Maaga ngayon hindi tulad kagabi," nag-aalalang wika ko. "Saka isa pa..."

"Saka isa pa?" ulit niya.

"Hindi naman importante sa'kin kung maaga akong makarating sa school, eh." Tinignan ko siya nang diretso sa mga mata. "Sa totoo lang, mas gusto ko'ng nasa bahay—kasama mo."

Niyakap ko siya habang nakaangkas sa kaniyang likuran.

"Raven..."

"I spend more hours at school, and that makes me miss you so much."

That morning, we took the long road going to school. Nakailang liko rin kami sa mga kanto dahil ayaw pa naming mawalay sa isa't isa.

***

Panay doodle ko sa likuran ng aking notebook habang nagkaklas. Gumuhit ako ng iba't ibang klase ng mga pakpak. Sa totoo lang, simula nang malaman kong may mga pakpak si Train, magdamag na akong binagabag ng kuryusidad tungkol dito. Ano kaya'ng hitsura nila? Malaki ba sila at katulad ng pakpak ng mga anghel na nakikita ko sa telebisyon? Kulay puti kaya sila, o kulay itim? I want to see them so badly.

Paghudyat ng una naming break, kinita na namin ni Jasmine sina Rex at Drey. Habang busy ang dalawang magdyowa na maglambingan, hinatak ko si Drey sa isang sulok para kausapin.

"May problema ba?" tanong niya.

"Wings," diretsahang banggit ko. "May wings ka rin ba?"

"Alin, 'yong sa napkin? Wala akong dalang gano'n, hindi ako nireregla. Baka si Jasmine—"

"Pakpak, Drey!" singhal ko. "Pakpak para lumipad!"

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "D-Don't tell me mayroon nang pakpak si Train?"

"Ikaw ba, wala?" I questioned.

"Wala pa ako no'n," he answered. "You see, Raven, special characteristics of a monster can be triggered by certain conditions."

Hinanda ko na ang sarili ko sa English ni Drey.

"When a monster feels lonely, he grows a tail. The longer the tail, the lonelier he is."

"Tail? Buntot?" I blurted. "Pati buntot, meron kayo?"

"Only if it gets triggered by a huge amount of loneliness. Marami pang iba, we can also grow horns when we're extremely mad."

"Eh kapag wings?" I bit my lip nervously. Katulad kaya ng lungkot o galit ang nararamdaman ni Train ngayon?

"Growing wings means that..." Drey's eyes met my gaze and he smiled. "The monster is starting to fall in love."

My Sweet Little Monsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें