Chapter 12: Uneasy Emergency

56.7K 2.7K 281
                                    

"So as you can see, you can derive the formula from this equation..."

I yawned as I tapped my pencil on the long wooden table.

"Rave, could you please cover your mouth when you yawn?" my tutor told me. I wasn't prepared for what he just called me. Rave? Wala pang tumatawag sa'kin no'n, ha.

"Can you please cover your mouth when you speak?" Humirit ako pabalik na may nakataas na kilay.

I heard him sigh under his breath. "Hindi ko rin naman ginustong maging tutor mo."

"Eh 'di itigil na natin to," I suggested.

"Sa tingin mo ba Raven, sino'ng mapapahamak sa'tin kapag nangyari 'yon?" he argued. "Ako? O ikaw? I forgot, favorite ka pala ni Ma'am. So that means, ako ang lagot." He smirked at his own sarcasm.

I gritted my teeth. May point siya roon, ako lang naman ang malalagot sa'ming dalawa. Tumingin ako sa relos ko, alas-singko na. Baka nagugutom na si Train. "Could you please hurry up?" I demanded.

"Hurry up? Well, I'm sorry pero may two hours na period na ibinigay sa'tin si Ma'am. Kailangan nating sundin 'yon or else... sino ulit ang mananagot?" nakangisi niyang paalala.

"Si Raven! Si Raven Claire Davis! Ang estudyanteng napakabait!" sarkastikong sagot ko, at natawa lang siya.

Habang nasa silid-aklatan, tumunog ang cell phone ko at aking binasa kung kanino galing ang text.

"Rae! Nasa library ka 'di ba? Puwede mo bang hanapin ang librong may pamagat na Those Bittersweet Days?" mensahe sa'kin ni Jasmine.

Nilapat ko ang mga palad ko sa lamesa at tumayo mula sa 'king upuan.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Drey.

"May hahanaping libro."

Pagkaalis ko roon, isang minuto pa lang ang lumilipas nang lumapit ulit ako kay Drey.

"O bakit ka bumalik?" nagtataka niyang tanong.

"Eh..." I was twiddling my fingers out of embarrassment. "Hindi ko mahanap 'yong libro."

Napasinghal siya dahil alam niya nang nagpapatulong ako sa kaniya. "Fine, tell me the title and follow me."

"Yehey! Thanks, Kuya Drey!" Natutuwang naki-kuya naman ako.

Sinundan ko siya at umakyat kami papunta sa pinakamataas na palapag. Grabe, kaming dalawa lang ang narito sa buong floor. At hindi lang iyon, napansin kong papunta na kami sa pinakadulo at pinakasulok ng shelves!

"Bakit mo 'ko dinala rito?" I accused him.

Kumuha siya ng libro mula roon at ipinalo ito nang mahina sa ulo ko. "Ito na po 'yung libro niyo."

Tiningnan ko, Those Bittersweet Days nga ang nakalagay. Ito namang si Jasmine, magpapakuha lang ng libro ay 'yong nasa pinakaliblib na lugar pa!

"He-he! Salamat, Sir!" magkadikit ang palad na nagpasalamat ako kay Drey.

"Ahh!" Biglang nagsigawan ang mga tao sa baba at namatay ang lahat ng mga ilaw sa buong silid-aklatan.

"A-Ano'ng nangyari?" gulat na tanong ko.

"May brownout yata. Umalis na tayo rito," suhestiyon ni Drey.

Nakakadalawang hakbang pa lamang kami nang biglang nakasagi kami ng malaking bookshelf. Sobrang dilim kasi kaya hindi namin makita ang daan. Kung mamalasin ka nga naman—nasagi ng nahulog na bookshelf na iyon ang mga katabi nito, hanggang sa naging domino effect na.

Before we knew it, we're both trapped in this floor. Naharangan na ang lahat ng daanan.

"P-Paano tayo makakaalis dito?" kabadong tanong ko kay Drey.

"May cellphone ka 'di ba?" paalala niya. Oo nga, puwede kaming makahingi ng tulong.

Kinapa ko naman ang bulsa ko. "Siyet! Naiwan ko sa table natin sa baba!"

"How can you be so careless?" he grumbled.

"M-Malay ko bang magba-brownout?"

"Kahit na ba! Kapag iniwan mo lang ang cellphone mo ro'n at walang nagbabantay, malamang mananakaw 'yon!"

"Nasa library tayo! Walang magnanakaw rito!"

"Hindi mo 'yon alam! Wala ngang may alam na magba-brownout ngayon, eh!" Ito namang si Drey, lumalabas ang pagiging Kuya.

I took a deep breath and tried to calm down. "'Wag na nga tayong mag-away! Stranded na nga tayo, eh."

Kung bakit ba naman kasi nasa pinakasuluk-sulukan pa 'yong librong ipinapahanap ni Jasmine! At bakit alam niya ang librong iyon na nasa ganitong kalayo na puwesto? May mga shenanigans ba silang pinaggagawa ni Rex sa liblib na lugar na 'to?

Umupo ako sa natumbang shelf at gano'n din ang ginawa ni Drey. Oh no, I'm stuck with a monster and I don't know for how long. Take note, light's off pa!

"Bakit ka hindi mapakali? Sa mga ganitong situwasyon, dapat hindi ka nagpa-panic. Maaayos rin nila 'to."

"Alam ko naman 'yon, eh. Kaso... may isa pa 'kong inaalala," I told him.

"Si Train." Si Drey na ang nagtuloy ng sasabihin ko dahil mukhang nakuha niya agad ang iniisip ko.

I nodded and showed him my worried face. "Medyo matagal na kasi akong wala sa bahay. Baka nagugutom na siya." Napatingin naman ako kay Drey. "Ikaw, hindi ka ba nagugutom?"

"Medyo mas matagal ang resistensya ko kaysa kay Train. Mas kontrolado ko ang sarili ko."

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Mas malakas din siya kay Train, lahat ng iyon ay dahil mas nauna siyang nakahanap ng master.

***

Dalawang oras na kaming stuck dito. Kung kanina ay medyo kalmado pa 'ko, ngayon ay sobrang hindi na mapakali ng pakiramdam ko.

"N-Nagwawala na siguro si T-Train ngayon," sambit ko.

Hindi sumasagot si Drey.

"Drey? Okay ka lang?" Pinagpawisan na ako nang malamig sa sobrang takot.

"Grrr..."

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang pag-ungol niya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. I'm starting to feel uneasy about this.

It was dark everywhere, but I managed to see a pair of angry golden eyes. May mapupulang linya na pumapalibot sa mga mata ni Drey at nakalabas na ang lahat ng kaniyang mga pangil. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya.

"Grrr..."

Drey has turned into a beast.









***************************
DO NOT REPRODUCE THIS STORY.
Please report to @windiespatrol any illegal uploads, distributions, selling, and posting of this story. Do not support piracy.

This story should only be available on irshwndy's wattpad account.

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon