Chapter 48: Honeymoon

51.5K 2.1K 384
                                    

✦✧✦

RAVEN


Hindi ko alam kung ano'ng nangyari kina Drey at Yuie, pero takang-taka kaming dalawa ni Train dahil wala silang ginawa kundi magpadala ng kung anu-anong mga regalo.

"Raven, may dumating na Shopee delivery, para raw sa'yo!" sigaw ng tatay ko.

Papunta na siya ng pintuan nang bigla akong nagmadali at kumaripas papunta sa pinto.

"D-Dad! Ako na!" Inunahan ko siya sa pinto at kinuha ko na agad 'yung box mula sa delivery man.

"Padala po galing kay Miss Yuie—" Pinapaliwanag pa lang ng kuya ay pinirmahan ko na agad 'yung package at nagpasalamat sa kanya.

Tinatanong ako ng tatay ko kung bakit ako nagmamadali pero hindi ko na siya sinagot. Pagpasok ko sa kwarto, ibinaba ko na ang kahon at binuksan ito.

"Don't tell me, galing ulit kay Yuie?" tanong ni Train habang tinutulungan akong buksan ang package.

Pagbukas ng kahon, sobrang censored ng mga nakita ko—tila gusto kong hugasan ng holy water ang mga mata ko.

"Itapon ko na ba kasama ng iba?" Train immediately picked up the box.

"Pakibura sa alaala ko, please." Nakisuyo ako sa kanya. My eyes have been scarred. Hindi ko man lang alam para saan ang mga iba doon.

Noong unang beses na nagpadala sila Yuie, na-curious pa kami ni Train kung ano ang mga iyon. Nag-search agad kami sa Google para alamin, pero nang bumungad sa'min ang mga resulta ay nag-delete agad ako ng history. Mahirap na, baka magka-virus pa ang computer ko.

"Raven, this one looks nice." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko si Train.

"What do you mean!? Feeling ko ay may minus points agad ako sa langit, makita lang ang mga 'to!" I said while rubbing my eyes.

"No, this one." May kinuha si Train mula sa ilalim ng kahon. Dalawang pirasong papel na may nakasulat na 'Romantic Resort Tickets for Two.'

Kinuha ko ang mga ito at nagdalawang-isip muna bago ko i-search sa Google ang pangalan ng lugar. Bumalandra ang mga imahe ng nature-friendly luxury resort. May mga spa, sauna, at organic pools na may mga bulaklak na lumulutang.

Napalunok ako at kinuha ko agad ang cellphone ko.

"Raven? Who are you calling?" asked Train.

Pagkasagot ng kabilang linya ay nagsalita agad ako. "Yuie, maraming salamat. Isa kang anghel mula sa langit."

Binaba ko na agad ang tawag at tumalon payakap kay Train. "Pangarap kong makaranas ng gano'n!" hiyaw ko habang ikinikiskis ang pisngi ko sa pisngi niya.

"Looks like someone's really happy." Ngumiti si Train at hinaplos ang buhok ko.

"Magbasta ka na, gamitin agad natin 'to habang bakasyon!"

***

Pinayagan kami ng tatay ko na magbakasyon ni Train kahit kaming dalawa lang. Nagpaalam na kami, ngunit napansin kong hindi makatingin si Olivia nang paalis na kami. Hindi talaga siya sang-ayon sa relasyon namin.

Naiintindihan ko siya dahil hindi naging maganda ang karanasan niya kay Diavlo. Ngunit gusto kong mapatunayan sa kanya na hindi lahat ng mga halimaw ay masama, tulad ni Train at Drey.

"Master, are you ready?" A handsome Train wearing a white casual polo with long sleeves that are folded up to his elbows offered his hand to me.

"Ready!"

Mahaba ang biyahe namin. Sumakay kami ng iba't ibang mga tren at bus.

Nakakatuwang panoorin si Train dahil para siyang bata. Ito ang unang beses kasi niyang makalayo mula sa siyudad.

"Raven! Ang bibilis ng mga puno! Kasing bilis ko!" Nakalapat sa bintana ng tren ang kanyang dalawang palad at pinagmamasdan niya ang mga nadadaanan naming tanawin.

"Hindi 'yung mga puno ang mabilis, Train." Natatawang paliwanag ko sa kanya, "'Yung sinasakyan nating tren ang mabilis."

"Wow! Sino kaya ang mauuna sa'min kapag nakipagkarera ako sa tren na 'to?" His eyes were sparkling.

"Hindi ko alam, pero mas gusto kong nandito ka sa tabi ko kaysa makipagkarera ka sa labas ng tren." Ipinulupot ko ang braso ko sa kanyang braso at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Master, I'm so happy." He looked at me with a pair of honest eyes and a sweet smile.

Kinurot ko ang ilong niya bilang paglalambing. "Wala pa nga tayo sa resort, eh!"

***

Nang makarating na kami sa resort, isang hilera ng mga tagapaglingkod ang sumalubong sa amin.

"Welcome to White Swift's Luxury Nature Resort!" bati nila.

Wow! Kaya pala ang ganda rito, parte pala ito ng WSC group of companies. Balita ko ay isang babaeng kaedaran ko lang ang naging tagapagmana nito.

Hinatid na nila kami sa kwarto. Isang glass sliding door ang aming pintuan, at kitang kita ang tanawin ng mga puno at bundok sa labas.

"Pano 'yan, Master? Kitang kita tayo," hirit ni Train sabay kindat.

"P-Pwede namang ibaba ang mga kurtina," I answered him with a blushing face.

Nilibot namin ang buong lugar at kumain ng masasarap na mga putahe. Sinubukan namin lahat ng mga amenities na naroon. Unang beses kong makaranas ng sauna, relaxing massage, at yoga.

Umayaw si Train sa massage dahil ako lang daw ang pwedeng humawak sa katawan niya. Hindi naman na ako nagreklamo roon, ako lang naman talaga ang pwede.

Sobrang saya, para kaming nasa honeymoon kahit hindi pa kami kasal.

"Master, may ipagtatapat pala ako sa'yo..." ani Train nang nagpapahinga kami sa kwarto.

"A-Ano 'yun?" Kinabahan ako bigla sa sasabihin niya.

Kumuha siya ng paper bag at may inilabas mula roon. "May isa pa akong nagustuhan na pinadala nila Yuie." Inangat niya ito at pinakita sa'kin. "At dinala ko siya rito."

I gulped when I saw what he brought. It's a sexy lingerie with matching fishnet stockings and see-through underwear. Maraming ribbon na alam mong madaling tanggalin. Kahit malaswa ang itsura nito, may pagkamarangya siyang tignan. It's erotic yet elegant at the same time.

"Ikaw ha, pumipilyo ka na naman." I crossed my arms over my chest. "So gusto mong suotin ko 'yan mamaya bago tayo matulog?"

"No." Train leaned closer towards me and whispered softly, "I want you to wear this when we go to the outdoor tub later."

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon