Chapter 1

2.2K 165 149
                                    

Chapter 1

"Hoy Daniel mamaya ka talaga sa akin kapag natanggal ko ito!" sigaw ni Hazel

"Sino ba kasing nagtali nito" naiiritang bulong ni Bea

Napailing nalang ako sa dalawa kong kaibigang lalake na nagbubulungan habang nakatingin sa dalawang babae na pilit tinatanggal yung bag nilang nakatali sa taas ng puno, alam ko namang sila lang yung may gawa nun. Fourth year high school na kami pero parang pang elementary parin yung ugaling meron kami. Oo kami, kasi minsan kagaya rin naman nila ako.

Padabog na umupo sa tabi ko si Margaret, habang nakatingin sa boyfriend niyang kaharutan na naman yung girl best friend nito. Napansin ko yung pag taray nung babae kay Margaret kaya lalo itong nainis.

"Magsama sila ng aso niya!!" nanggigigil na bulong nito habang nakatingin sa dalawa

Okay para hindi kayo malito ipapakilala ko sila sa inyo isa-isa. Pero bago yan, I want to introduce myself first.

I'm Venice Ortega, 3rd year high school. I love music but I can't sing. I love my mother so much, lahat ng gusto ko binibigay niya wala e only child, about kay papa? tanungin niyo si author. May lima akong kaibigan, tatlong babae at dalawang lalaki.

Hazel Mae Gozon, siya yung may malakas na boses sa 'ming anim. Yung tipong konting galaw mo lang na hindi niya nagustuhan sisigawan ka agad niyan. Siya rin yung babaeng never magpalit ng crush, actually grade 3 siya nung magsimulang magka crush, simula nung magustuhan niya yung lalaking yun, hanggang ngayon hindi na niya pinakawalan. Crush lang niya pero kung umakto parang nobya. Alam naman nung crush niya yung feelings ni Hazel sa kaniya, kaya yung gaga lalong kumapal yung mukha.

Beatriz Vasquez, si Bea naman yung may pinakamagandang aura sa amin, yung kahit nasa bahay lang maayos yung mukha at kasuotan. May maganda rin siyang boses, mabunganga rin siya gaya ni Hazel, pero walang makakatalo sa lakas ng boses ni Hazel. Siya yung pinaka matalino sa aming lahat, muntik na nga syang malipat sa first section pero umayaw siya, dahil desisyon kami.

Margaret Hernandez, si Garet lang yung may jowa sa amin, oh di ba sana all? Pero hindi siya gaya ng iba, mas may oras sya sa amin kaysa sa boyfriend niya. Ayaw niya sa seryosong relasyon, kaso nahulog siya kaya yun hindi magawang iwan yung nobyo.

Daniel Vasquez, ito naman yung kuya namin. Siya yung nagawa ng way kung sakali mang may hindi pagkakaintindihan ang bawat isa. Siguro kung wala siya, hindi na kami ngayon magkakasama.

PJ Lee, sya yung funny sa grupo namin. Like every time na boring nagawa siya ng reasons para mawala yun. Para syang clown, napakatotoo niya sa sarili niya at sa amin. Yung tipong may ayaw siya or may say sya sa amin, inaamin nya talaga sa paraang hindi kami masasaktan.

"Ouch! Nagsorry na kaya ako." bulyaw ni PJ.

Biglang sulpot nung apat dito, malamang natanggal na nila yung bag. Jusko ka Venice pupunta ba sila dito kung nandun pa yung bag nila?

Tinataas taasan ng kilay ni Bea yung dalawa na hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Tahimik na ngayon si Hazel, siguro nasigawan na niya yung dalawa kanina. Lagi nalang ganito yung eksena tuwing may gagawing kalokohan yung dalawang bading.

"What's up Garet!" bati ni PJ kay Margaret na kanina pa nakatingin sa malayo.

"Akala ko ba kasi trip trip lang uli, gaya nung mga nauna mong naging boyfriend pero bakit parang-" pagbubukas ng topic ni Hazel.

Nag-uusap-usap kami habang nakatingin sa boyfriend ni Margaret. Aksidenteng napatingin sa gawi namin yung boyfriend niya, nakita ko yung pagtaray nilang lahat. Blanko lang yung emosyong makikita kay Daniel, pero sa amin? Wag niyo na alamin.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon