Prologue

2.4K 173 81
                                    

Prologue

"Sino nanaman kaya ito" bulong ko bago buksan yung pinto

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang na labas. Anong ginagawa niya dito? Gusto kong kutusan yung sarili ko dahil nakalimutan kong alam pala niyang posibleng naririto ako ngayon.

Pero hindi naman siguro ako ang hinahanap niya, baka si Bea o kaya si Daniel. Baka masyado lang talaga akong pilingera.

"Daniel may naghahanap sa'yo!" sigaw ko at akmang tatalikod na nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya.

"Hindi si Daniel ang kailangan ko, please let me explain" nagmamakaawang sabi niya pero nanatiling blanko yung emosyon ko

"Walang kang dapat na ipaliwanag, wala akong oras para makinig sa mga sasabihin mo ngayon" walang emosyong sagot ko "Makakaalis ka na may ginagawa pa kami, masyado ka nang nakakaistorbo" dagdag ko pero hindi siya nagpaawat

"Pero paano na yung nangyari sa atin nung gabing yon? Paano na yung apat na taon nating relasyon? Itatapon mo na lang basta-basta nang dahil lang sa nakita mo!?" nagulat ako sa pagsigaw niya pero hindi ko pinahalata

"Hindi, pero kung iyon ang makabubuti para sa ating. dalawa. Gagawin ko" iyan sana ang gusto kong sabihin pero walang lumabas na salita sa bibig ko

"Kinausap kasi ni Leo si Miel na aalis na silang dalawa dahil nga pupuntahan pa kita. Nagalit si Miel dahil pwede naman daw na ikaw nalang yung pumunta dahil nga busy kami—"

"busy sa paghaharutan" putol ko sa sasabihin n'ya

"Pwede ba makinig ka muna!? Busy kami dahil may mga dapat kaming ireview, nagwalk-out si Miel kaya sinundan ko siya dahil iyon ang gusto ni Leo na gawin ko! Damn it! Habang kinakausap ko siya nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan !"

"At nagustuhan mo naman kasi nasarapan ka, tama ba?" sabi ko kaya natigilan siya "Magkaiba kayo ng course kaya bakit kayo sabay nag review, huh? Tayo nga parehong medical students pero ni isang beses hindi naman ako sayo nagpaturo dahil alam kong hirap ka na kasi nga di ba palagi mong sinasabing marami kang dapat aralin, which is totoo naman kasi alam ko yun-"

"Hindi ko nagustuhan Venice! Bakit ba ang hirap mong umintindi!" nagulat ako sa sigaw at sa sinabi niya

"Ang hirap umintindi? Austin hindi ako mahirap umintindi! Sadyang hindi ko lang talaga matanggap na hindi mo siya pinigilan habang hinahalikan ka niya! Pwede mo siyang itulak na nagpapahiwatig na hindi mo iyon gusto! Pero hindi! Hindi mo yun ginawa! Siguro nga kung hindi mo pa ako nakita? Siguro tumugon ka na sa halik niya! Normal lang namang tumulak ng tao kapag hindi mo nagustuhan yung ginagawa sa'yo, hindi ba? Pwede mo siyang itulak o pigilan! Pwede mo siyang sigawan at pagalitan! Pero ano!? Bakit!? Bakit tinulak mo lang siya nung nakita mo akong parang tanga na nakatingin sa inyong dalawa!?" sigaw ko sa kaniya kahit hinang hina na ako. Gusto ko na magpahinga.

"Alam mo!? Nagsisisi na akong pinayagan kitang magpaliwanag. Pwede kang magpaliwanag na walang salitang makakasakit sa damdamin ko! pero lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para iwan ka talaga ng tuluyan!"

"Venice huwag mo namang gawin sa'kin ito, pwede pa naman nating maayos ito" akmang hahawakan niya yung kamay ko ng ilayo ko ito

"Taon-taon! Buwan-buwan! palagi ko sayong sinasabing nagseselos ako kay Miel, pero hindi mo manlang magawang iwasan!Hindi sa pinagdadamot kita, pero sadyang nagseselos lang talaga ako sa inyong dalawa" nanghihinang sabi ko at pinigilan siyang lumapit sa akin "Tama na please? Please tama na, itigil na natin ito. Natatakot na akong masaktan Ino!" sabi ko habang pinapakalma yung sarili

"Simula ngayon magsimula ka nang wala ako, at mamumuhay ako nang wala ka sa tabi ko. Kalimutan na natin yung nangyari sa atin nung gabing iyon, dahil isang pagkakamali yung nangyaring iyon" sabi ko bago siya talikuran

"Ayaw kitang bitawan pero sige itigil na natin ito. Pero sa araw na magtagpo tayo uli at hindi kita nakitang may kasamang iba, bubuoin ko uli yung relasyon nating dalawa. Mamahalin at hihintayin kita hanggang dulo" bumagsak yung luha ko dahil sa sinabi niya.

Hindi na ako naniniwalang babalik pa siya, dahil alam kong mas magiging masaya siya sa piling ng iba.

I smiled looking at him "Kung tayo ang para sa isa't-isa, tayo ang para sa isa't-isa" sabi ko bago tumalikod at nanghihinang pumunta sa mga kaibigan ko.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon