Chapter 13

857 122 24
                                    

Chapter 13

"Habang hindi pa lumalabas yung birthday boy, ilagay n'yo muna sa lamesang ito yung mga regalo niyo" biglang sabi sa mic nung isang kaibigan ni Austin, iilan lang kami dito, hindi nakapunta si Margaret dahil may emergency daw s'ya. Si Hazel naman hindi rin nakadalo dahil may sakit yung mama n'ya walang mag-aalaga sa kapatid n'ya kasi nasa baguio naman yung papa n'ya dahil sa trabaho nito.

"Hindi ka kakain habang wala kang nilalapag sa lamesang ito" nakangisi n'yang dagdag habang nakaturo sa lamesang sinasabi n'ya kaya umangal yung isang lalake

"Fuck you Shan" sigaw nung kaibigan pang isa ni Austin doon sa nagsasalita sa mic

"William my friend, wala ka lang kasing dalang regalo" sabi noong Shan kay William kaya nagtawanan kami. Sanay na rin siguro sina tito Paul at tita Rea sa kanila kaya nakikitawa na rin ang mga ito

Si Bea, PJ at si Daniel lang yung kilala kong bisita ni Austin. May lima pa itong bisita na puro lalake pero hindi ko na kilala.

"Pogi talaga ng bebe mo, Venice" bulong ni PJ kaya pinandilatan ko s'ya, tawa tawa lang s'yang kinausap si Bea sa tabi n'ya

"Oh umayos na kayo mga bro, nandito na ang birthday boy" saway ni Shan sa mga kaibigan n'ya nung makitang nasa labas na nang pinto si Austin.

"Good Evening everyone" napaglarong bungad ni Austin habang palapit sa amin

"Ang tagal mo naman mag-ayos pre, tinalo mo pa yung babae" natatawang sabi nung William bago batiin si Austin "Happy Birthday Austino"

Umupo s'ya sa gitna na parang hari, may limang upuan sa kaliwa n'ya at may lima rin sa kanan n'ya. Nasa kaliwa n'ya yung isa n'yang kaibigan, at yung mama naman n'ya yung nasa tabi n'ya sa kanan. Ako yung nasa dulo habang pinaggigitnaan ako ni Daniel at PJ na katabi naman ni Bea.

"Happy Birthday day Ino, Happy Birthday Ino, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy -" naputol yung pagkanta namin dahil biglang nagsalita yung kaibigan n'ya.

"Pre what's wrong with you, kanina ka pa palingon-lingon" sabi nung kaibigan n'ya kaya naman sinamaan s'ya nito ng tingin habang tinaas yung gitnang daliri nito.

"I think hinahanap ng baby ko si Venice" dinig kong sabi ni tita Rea kaya napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring kinakausap si Daniel na ngayo'y may mapang-asar na tingin.

"Hoy kausapin mo ako dali" naiilang na sabi ko kay Daniel pero nginisian n'ya lang ako. "Sabing kausapin mo ako eh" nakangusong dagdag ko

"Oh Venice, come here..." tawag sa akin ni tita Rea, sinamaan ko muna ng tingin si Daniel at PJ dahil sa tingin nila, habang nanghihingi naman ako ng tulong kay Bea kahit alam kong walang magagawa 'yon.

"Go Venice" sabay na sabi ni Bea at PJ habang palapit ako kay tita Rea kaya lalo akong kinabahan

"Hi tita, Good Evening po" nakangiti kong sabi kay tita Rea noong makalapit ako sa kan'ya. Nakita ko pang nakatitig sa akin si Austin pero hindi ko muna s'ya pinansin.

"Jake palit kayo ng upuan ni Venice, please" sabi ni tita Rea doon sa kaibigan ni Austin na nakaupo sa tapat n'ya. Agad akong nagsalita noong malaman ko kung anong balak ni tita.

"Ahmmm tita" tawag ko dito kaya nakangiti s'yang bumaling ng tingin sa akin "Im okay naman po sa pwesto ko sa dulo" sabi ko dito kaya napasimangot ito. Gusto kong kutusan yung sarili ko dahil bigla akong nahiya lalo na't nasa akin yung atensyon ng mga kaibigan ni Austin.

"Jake alis" gulat akong napatingin kay Austin dahil sa sinabi n'ya, may mapang-asar na tingin naman 'yong kaibigan n'ya dahil sa sinabi n'ya

"Ang sakit mo naman magsalita, don't worry aalis na ako" nakangusong sabi ni Jake kaya nilapitan ko s'ya

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon