Chapter 5

1K 142 40
                                    

Chapter 5

Nakabilog na kami habang naka indian sit. Inaantay pa namin si Bea, dahil kumuha pa s'ya ng sili. Kakain daw ng siling labuyo kapag hindi ginawa yung inuutos, o kaya pag hindi sumagot ng maayos.

"Let's start" sabi ni Bea pagkaupo, nilagay nya sa gitna namin yung siling labuyo na nakalagay pa sa platito.

"So ganto yung gagawin, bagsakan tayo ng kamay then kung sino yung naiiba 'yon yung unang magpapaikot ng bottle. Kapag ako yung natapatan, isa sa inyo yung magtatanong ng truth or dare sa akin. Tapos yung tinanong yung susunod na magpapaikot ng bottle, ganun lang rin yung gagawin hanggang sa matapos. Kapag hindi ginawa ng ayos yung pinapagawa, kakain ka ng sili. Walang iinom ng tubig hanggang hindi natatapos yung laro. Game na." paliwanag ni Bea

"Game" sagot namin bago pagpatong- patungin yung isang kamay namin. Nasa ibabaw ng kamay ko yung kamay ni Hazel pero inilipat nya sa baba yung sa kanya dahil si Austin pala yung nasa ibabaw nya!!

Nakailang ulit kami dahil pare-pareho kami palagi. Hanggang sa mag-bulungan na sila ng kung ano (unfair). In the end, si Margaret yung naiiba kaya s'ya yung unang magpapaikot ng bote.

"Grabe yang tingin mo te, parang ako yung target mo" natatakot kunyaring bigkas ni PJ pero inikutan lang s'ya ng mata ni Margaret.

Bago ipaikot ni Margaret, nagdadasal ako na sana hindi sa akin huminto dahil hindi pa ako ready. Pabagal ng pabagal na yung ikot ng bote kaya lalo akong kinabahan nung muntik ng tumigil sa akin. Buti nalang umikot pa ng onti kaya kay Hazel napahinto. Thanks !!

"Truth or Dare" tanong ni Margaret kay Hazel

"Dare" sagot ni Hazel, pota bakit hindi s'ya kinakabahan?

"Okay" sabi ni Margaret bago mag-isip "mhmmm, tawagan mo si Liam tapos sabihin mo 'i love you babe' " hindi siguradong sabi ni Margaret

"Basic." sabi ni Hazel bago magpipindot sa cellphone nya "teka nag riring pa, oh yan naka speaker pa...." nakangiting dagdag nya

"Oh Hazel, napatawag ka" sagot ni Liam sa kabilang linya

"Wala naman, may sasabihin lang sana ako" sagot ni Hazel habang nakatingin sa amin

Ang tapang mo Hazel !!

"Oh anong sasabihin mo? Akala ko pa naman nagtatampo ka dahil hindi mo na naman sinasagot yung mga tawag ko sa'yo" sabi ni Liam kaya nag 'pst' ako sa kanya bilang tanong.

Tinakpan muna ni Hazel yung cellphone bago magsalita "Mamaya na kayo magtanong, istorbo"

"Nandito kasi ako ngayon kina Bea, medyo busy kami kaya hindi ko napansin na tumatawag ka pala. Sorry na" naka pout na sabi ni Hazel na akala mo'y nakikita s'ya ni Liam.

"Ano pala yung sasabihin mo" tanong ni Liam

Pota muntik pang makalimutan yung dare, harot pa kasi yung inuuna!!

"I love you babe" sabi ni Hazel habang nakangiti ng malawak

"I love you too" dinig naming tugon ni Liam !! "Yan lang ba yung sasabihin mo?" tanong ni Liam

"Oo, miss na kasi kita" malandi, maharot, maarte, pabebe na sabi ni Hazel

"Kakakita lang natin kahapon ah, miss mo agad ako" natatawang sagot ni Liam

"Eh ano naman! Bakit hindi mo ba ako miss?" naka pout nanamang sagot ni Hazel

"Syempre miss din kita" natatawang sagot ni Liam

"Pota tama na yan, respeto sa single" singit ko dahil ilang minuto na silang nag-uusap

"Ay babe ba-bye na ha? Naglalaro pa kasi kami nila PJ" paalam ni Hazel kay Liam bago i-ended call.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon