Chapter 7

984 140 23
                                    

Chapter 7

Naglilinis ako ng bahay dahil pinapapunta dito ni mama si Austin. Simula nung malaman n'yang si Austin yung unang halik ko, linggo linggo nalang n'yang pinapapunta dito yun. Masyado s'yang desisyon eh.

Medyo okay na kami ni Austin, nawala na yung ilang sa amin dahil palagi na din naman kami nagkikita.

"Oh Ino pasok ka dali, pinagluto ka uli ni Venice" bungad ni mama kay Austin "Alam mo ba kinukulit ako n'yan kanina, sabi n'ya magluto naman daw kami para may mapakain sa'yo, naku sigurado ba kayong walang namamagitan sa inyo" nagulat ako sa sinabi ni mama, wala naman akong sinabing ipagluto si Austin s'ya nga yung nangulit sakin kanina. Binabaliktad ako ng sarili kong ina.

"Hoy mama, wala naman akong sinabing ganyan, sabi ko nga tinapay at juice nalang pwede na kay Austin eh" reklamo ko pero tinarayan n'ya lang ako

"We're just friends lang po tita" magalang na sagot ni Austin

Friends, huh?

"Tumigil ka d'yan Venice asikasuhin mo na ang bisita mo, ako na yung maglilinis d'yan" sabi sakin ni mama kaya napapadyak nalang ako sa inis "Ay d'yan nagsimula yung nanay at tatay ko sa friends friends na yan, tignan mo ako ngayon buhay na buhay" natatawang sabi ni mama kay Austin kaya napairap nalang ako sa hangin

Sinamahan ko sa kusina si Austin, busog na ako pero sabi ni mama sabayan ko daw kumain si Austin kaysa naman daw titigan ko lang habang kumakain yung tao !!! Minsan napapaisip ako eh, nanay ko ba talaga yun? Dejok mahal ko talaga si mama kahit tinutulak ako sa iba.

"Oh eto, may kamay ka naman ikaw na maglagay ng pagkain d'yan sa plato mo" walang emosyong sabi ko habang nilalapag ko yung plato at tinidok sa harapan n'ya

Hindi ko alam kung bakit ang pangit nanaman ng ugali ko ngayon lalo na nung sinabi n'yang magkaibigan lang daw kami. Pota magkaibigan eh hindi pa nga kami nag-uusap tungkol d'yan

"Ang init naman ng ulo mo, pati nanay mo inaaway mo" natatawang sabi n'ya pero inismiran ko lang s'ya

"Wala ka nang paki dun, tara kumain na tayo" badtrip na sabi ko kaya nagsimula na s'yang kumuha ng palabok

"Bakit ba badtrip ka ngayon? Nung huli naman nating kita okay naman tayo ah" curious na tanong n'ya habang kumakain kami

Dahil sa just friends na sinabi mo kaya ako na badtrip

"Ano na bang meron sa atin?" biglaang tanong ko kaya napangisi ako nung nabulunan s'ya "oh tubig ano ba yan, dahan dahan lang kasi sa subo" singhal ko sa kanya

"Meron sa atin?" tanong n'ya sa akin pabalik habang umiinom ng tubig, tumango ako sa kanya

"Oo, kasi sabi mo kay mama magkaibigan tayo" nakita ko yung pag ngisi n'ya dahil sa sinabi ko

"Don't tell me, mas gusto mo yung higit pa dun?" nakangisi n'yang sabi, nang-aasar kaya sinamaan ko s'ya ng tingin

"Hindi ah" agad na sagot ko "I mean, hindi pa kasi tayo nakakapag usap tungkol dun" sabi ko sa kanya "Pero kung gusto mo akong maging kaibigan, ayos lang para naman madagdagan yung kaibigan ko" nakangiti kong saad

Tumango lang s'ya at hindi na umimik. Maghuhugas na sana ako ng plato kaso sabi n'ya s'ya nalang daw dahil nakikain lang naman s'ya. Pumunta muna ako sa sala, magcecellphone sana ako kaso bigla akong kinausap ni mama

"I like him for you" kinikilig na bulong ni mama na kung umasta akala mo'y teenager

"Ewan ko sa'yo ma, magkaibigan lang kami" sabi ko kay mama habang pinapalitan ng punda yung unan sa sofa.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon