Chapter 29

856 78 41
                                    

Chapter 29

Tuwang tuwa si Keon habang nakikipaglaro kay James. Nagtext si Daniel na umalis daw siya at hindi na nakapagpaalam dahil sa biglaang lakad niya, kaya pala hindi ko na siya nakita kanina simula nung iniwan niya kaming dalawa ni James.

Umuwing lasing dito si Hazel, buti na lang tulog na si Luna dahil paniguradong mag-aalala iyon sa mommy niya. Si PJ naman umuwi na rin dahil may trabaho pa siya bukas, samantalang si Bea hindi ko na nakita pa simula nung mag-usap sila ni Jared. Hindi ko na sila kailangan sawayin dahil mga matatanda na sila alam na nila yung tama at mali.

"Venice bakit ganoon? Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita kong paiba-iba yung babaeng kasama ni Liam. Hindi ko alam kung paano sa kaniya sasabihin na anak ko si Luna at siya ang ama. Nasasaktan ako sa tuwing tinatanggi ko yung sarili kong anak. Gustong gusto ko na sa kaniyang sabihin na may anak na kaming dalawa pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka hindi niya matanggap yung anak ko. Natatakot akong makitang nasasaktan yung anak ko" sabi ni Hazel habang umiiyak

Sa bawat salitang binibitawan niya, nasasaktan din ako dahil alam ko yung pakiramdam niyon. Magkapareho kami, pero magkaiba. Magkapareho kaming may anak pero walang ama, at magkaiba kami ng problema. Ang problema niya ay kung paanong sasabihin kay Liam ang tungkol sa anak nilang dalawa dahil sa tuwing tinatanong ni Liam yung tungkol kay Luna kay Hazel puro kasinungalingan ang sinasagot niya dito. Nasasaktan at nahihirapan siyang aminin ang totoo lahat kay Liam.

Pero ako, wala akong kasiguraduhan kung sino ba talaga ang ama ng anak ko. Wala akong kasiguraduhan kung matatanggap ba siya ng lalaking nakabuntis sa akin nung gabing iyon. Natatakot din akong malaman kung sino yung lalaking iyon dahil naduduwag akong malaman yung dahilan kung bakit dumating kami sa puntong ganoon. Baka mamaya yung lalaking iyon may asawa o pamilya na, may kasintahan o fiancée na, ano ba namang laban namin ni Keon doon dahil hindi ko naman kayang manira ng relasyon kahit pa alam ko sa sarili kong may karapatan pa rin kami ni Keon.

Hindi ko na sinagot si Hazel at inantay ko na lang siyang makatulog sa sofa. Kinuha ko yung kumot sa kama at kinumot iyon sa kaniya. Napatitig ako kay Luna na nakahiga sa kama habang natutulog. Hindi ko kailangang sagutin o kausapin si Hazel tungkol doon lalo na sa tuwing magtatanong siya sa kung ano ang dapat niyang gawin, dahil hindi ko rin alam.

Nalapitan ko sila James at Keon sa gilid habang nakaharap sa laptop. Natutulog na si Keon habang nakaunan yung ulo niya sa binti ni James.

"Sa tingin mo ba matatanggap ng lalaking nakabuntis sa akin si Keon?" mahinang tanong ko kay James habang nakatitig sa anak ko "Kasi paano kung may pamilya na pala ang lalaking iyon? Paano kung umasa si Keon at masira namin ang pamilyang iyon? Ayaw kong makasira ng pamilya at ayaw ko rin na may mga masasakit na salita ang sinasabi sa akin. Well, okay lang kung ako lang yung madadamay kaso damay na din si Keon. Masyado pa siyang bata para ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag" mapait akong napangiti bago tumingin sa kaniya

"Paano kung may pamilya na iyong taong iyon pero umaasa na si Keon? Paano ako magpapaliwanag? Saan ako magsisimula? Natatakot ako. Kinakain ako ng takot" sabi ko sa kaniya, hinawakan niya ang pisngi ko para pahirin yung mga luhang nahulog mula sa mata ko bago siya magsalita

"Think positive, don't think negative" nakangiting sabi nito bago bumaba ang tingin kay Keon na mahimbing na natutulog "Huwag mong isipin ang mga bagay na alam mong makakasakit sayo dahil iyon yung nagiging dahilan kaya ka pinanghihinaan ng loob"

Pagkatapos rin ng pag-uusap namin ni James umuwi na siya dahil hindi naman pwedeng dito siya matulog dahil may naghihintay sa kaniyang umuwi ng bahay. Inayos ni James yung higa ng mga bata sa kama, masyadong malapad ang kama kaya kasya na kaming apat dito. Binuhat din niya pahiga ng kama si Hazel dahil daw nakabaluktot ito at baka mangalay sa sofa pagkagising.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon