Chapter 18

1K 120 62
                                    

Chapter 18

"Tumakbo na kayo habang malayo pa ako!" sigaw ni Daniel habang nakikipag laro sa mga bata

"Ahhhh!!! Kio kay tita Nics tayo dali!" tili ni Luna habang tumatakbo kasama ni Keon

Keon is seven years old while Luna is ten years old. Eight years ago, pinakiusapan ko ang mga kaibigan ko na huwag sasabihin kay Austin ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil ayaw kong masira ang buhay niya. Ayaw ko rin ng magulong pamilya.

Daniel pretended to be my boyfriend because he was also broken in the days when I needed a person to lean on.

Alam kong mahirap magwork ang relasyon naming dalawa dahil may mahal kaming iba, pero nandito pa rin siya para sa amin dahil ayaw niyang lumaki ang anak ng mga kaibigan niya na malungkot at hinahanap ang kanilang mga tatay.

"Mommy!" Keon shouted while running towards me "Mommy si tito-daddy gusto kaming kainin ni ate Luna... sapakin mo nga s'ya mommy" sumbong ni Keon na sinang-ayunan naman ni Luna nang makalapit sila sa akin

"Yes tita Nics, he wants to eat us" naka-pout na sumbong ni Luna kaya tinawanan ko lang sila

Habang papunta sa gawi namin si Daniel, dali daling tumakbo si Luna kay Hazel na may nagtatakang tingin, habang nagpabuhat naman sa akin si Keon.

"Mommy! No! Don't! Tito-daddy stop please!" sigaw ni Keon nung binuhat s'ya ni Daniel at kunyaring ihahagis

"Tama na yan, natatakot yung bata oh" saway ko kay Daniel bago kunin si Keon na ngayo'y paiyak na

"Shhhh... Punch tito-daddy, para hindi ka na umiyak" pagpapatahan ko kay Keon habang nilalapit s'ya kay Daniel na ngayo'y patakbo na

"Damn you sweetheart! Tinuturuan mo ng masama yung bata" sigaw ni Daniel habang nakatayo malayo sa amin

"Umiyak ka nga baby, tinakbuhan ka ng may kasalanan sa'yo. Just cry baby para lumapit s'ya dito, Okay?" bulong ko sa anak ko na ngayon ay pinipikit na yung mata para maglabas ng luha "That's good, now call tito-daddy to punch him" utos ko sa kan'ya bago s'ya ibaba

"Tito-daddy!" sigaw ni Keon habang umiiyak, Daniel stared at me but I just mocked him "Tito-daddy can I punch you?" nakangiting tanong ng anak ko habang pinupunasan yung sariling luha

"Yeah sure" kinakabahang sagot ni Daniel bago tumingin sa akin

"Hala wala akong inutos sa bata" sagot ko sa masama n'yang tingin sa akin "diba baby hindi kita inutusan or what?" nakataas kilay na tanong ko kay Keon

"Mmmm" nakahawak sa baba n'yang sabi na nakatingin pa sa taas na akala mo'y nag-iisip!

"Baby!"

"Ahhh hindi po, inutusan n'ya po ako.. ay hindi po pala ako inutusan ni mommy" inosenteng sagot ni Keon bago suntukin yung bandang ilong ni Daniel

"Sweetheart you want a kiss?" bulong ni Daniel habang buhat si Keon pabalik kina Bea

"Yes please" sagot ko bago huminto at humarap sa kan'ya "Oh natigilan ka? Mang-aasar ka pa ah" natatawang dagdag ko ng matigilan s'ya "Hoy bakit nakatulala ka d'yan sinong tinitigan- Oh my god" natigil ako sa pagsasalita ng makita kung kanino s'ya nakatingin! Kay Amethyst!

"Can I kiss you?"tanong ni Daniel habang nakatingin kay Amethyst na may katawanan na lalake sa pagkakaalam ko hindi ito yung ex niya na tinutukoy ni Daniel

I squatted so that our lips were facing each other. I was devastated because Daniel and I had never kissed before! If he kisses me, only on the cheek.

Yumuko ng kaunti si Daniel para magpantay ang mga mukha namin. Kinakabahan ako dahil never pa kami naglips to lips ni Daniel. Tangins namang buhay ito mahahalikan ko pa yung ugok na 'to.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon