Chapter 24

924 88 51
                                    

Chapter 24

Habang nagmamaneho si Austin kanina ko pa napapansin na palingon-lingon siya sa gawi ko pero hindi ko siya nilingon dahil tadtad ako ng tanong sa isip ko.

"We're here" dinig kong sabi niya nang tumigil yung sasakyan at lumingon kay Keon na nakaupo sa backseat na natutulog "Hintayin na lang natin siyang magising" sabi niya sa akin pero bumuntong hininga lang ako at lumabas para buksan yung pinto sa backseat

"Kio. Keon" gising ko kay Keon na unti-unting nagmumulat ng mata "Nandito na tayo" nakangiti kong sabi sa kaniya kaya pagod siyang ngumiti

"Pero mommy, I'm sleepy" nakangusong sabi nito kaya mahina ko siyang kinurot "Ouch!"

"Mamaya ka na matulog" sabi ko sa kan'ya bago isara yung pinto at binuksan yung isang pinto ko na kaninang nilabasan at kinuha doon yung hand bag.

Limang minuto rin akong naghintay kay Keon bago siya tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Austin para tuluyan niyang mapapayag si Keon...

"Mommy cotton candy, please" malawak na ngiting sabi ni Keon habang nakaturo doon sa may cotton candy at tumakbo palapit doon "I like violet, mom" sabi niya ng makalapit ako sa kaniya

Magsasalita na sana ako sa tindero kaso bigla akong may narinig na tikhim sa gilid ko kaya napatingin ako doon at parang naramdaman kong nag-init yung pisngi ko ng ma-marealize na may pila pala.

Walang salita kong hinila si Keon papunta sa pila at sumunod lang si Austin na kausap nito sa kung anong klaseng laruan.

Habang naghihintay kami dahil mahaba yung pila bigla akong tinawag ng kalikasan.

"Austin" tawag ko kay Austin na agad namang lumingon kaya nanlalaking mata akong napaatras dahil ilang pulgada lang yung layo ng mga mukha namin sa isa't isa, narinig ko yung mahina niyang pagtawa jaya napaiwas ako ng tingin at nagsalita uli "Ahmm pwedeng pabantay muna kay Kio? Magre-restroom lang ako" tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng pera pambayad sa cotton candy ni Keon.

"No problem" sagot nito kaya napangiti ako at nag-abot sa kaniya ng pera kaya naguguluhan siyang tumingin sa akin "Anong gagawin ko diyan?" tangkang tanong niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay at nagsalita

"Malamang ipangbabayad alangan namang ibulsa mo eh akin yan" pilosopong sagot ko

"I feel insulted" hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatingin ng madilim sa akin "I have money and I don't need your money to pay for what you want"

"Ang drama mo, hindi ko naman sayo binibigay yung pera ko. Bibili kasi si Keon kaya ito yung perang ibabayad ko sana kaso nga naiihi na ako!" naiinis kong sabi sa kaniya bago pilitang ilagay sa palad niya yung pera

"I already told you that I have money and I will pay for what you and Keon want" madiin at seryoso niyang sabi na ikinatikom ng bibig ko

Kalma puso, huwag kang epal. Kalmahan mo lang iyang tibok mo.

"Bahala ka nga diyan" singhal ko sa kaniya at humarap kay Keon para magpaalam na agad namang tumango

Madali ko lang nahanap yung restroom dahil parang pamilyar na sa akin yung lugar na ito kaso hindi ko naman masyadong maalala kung ito ba talaga iyon.

Palabas na sana ako pero napahinto ako dahil biglang may nagbukas ng pinto at nagkalalkal sa bawat pinto at ng makitang wala doon yun hinahanap niya napalingon siya sa akin na ikinatigil ko sa paghinga. James.

"What are you doing here?" mahinang bulong ko pero bago siya sumagot sinara niya muna yung pinaka pinto ng restroom na pinaglabasan ng mga nandito kanina.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon