Chapter 25

952 85 40
                                    

Chapter 25

Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking iyon dahil nagplano pa talaga siyang makipag-usap ng masinsinan sa amin sa loob ng restaurant. Nasa unahan namin yung sasakyan nila, alam kong hindi naman nila basta basta papaiyakin yung anak ko dahil sa sasakyan din nila pinasakay si Keon kaya kaming dalawa lang ni Austin dito ang magkasama.

Ikakabit ko sana yung earphone bluetooth sa tenga ko para hindi maging awkward sa pagitan naming dalawa ng bigla siyang magsalita na ikinalingon ko.

"What happened that night?" tanong niya at sumulyap saglit sa akin

"Nasabi ko na diba?" mataray na sabi ko pero gulat akong napatingin sa sa kaniya ng igilid niya yung sasakyan at huminto. "Nababaliw ka na ba? Paano na natin sila masusundan?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikina kibit-balikat lang niya

"To my recollection that mad man told us where we were going" sagot niya bago matiim na tumingin sa akin na sinalubong ko naman "I really don't believe-"

"Nakakailang sabi ka niyan, at ang sagot ko 'wala akong paki at hindi ko na problema iyon' bakit kaya hindi mo subukang tanungin si Daniel? Magpinsan kayo diba? O kaya doon sa nagsabi sayo na sayo si Keon-" sabi ko sa kaniya na ikinatigil ko dahil sa huling sinabi "wait sino bang nagsabi sayo na anak mo si Keon?" tanong ko sa kaniya na ikinaiwas niya ng tingin

"We asked your friends-"

"We?"

"Leo. He called and said he saw a little version of me. Of course I didn't believe, he sent me to the island so I could see dahil kasama niya yung bata. Nang malapit na ako tinawagan niya ako ay sinabing anak mo iyon" pagkukwento niya kaya napatango ako dahil naalala ko yung araw na nawala si Keon.

"When I saw Keon I could see my face on him. Pero naisip ko na baka dahil si Daniel yung ama kaya kamukha ko rin yung anak niya dahil medyo magkahawig din kami. But I was stubborn when Keon called Daniel tito-daddy and not daddy, which means he wasn't the father" naiiling at tumatawa-tawa niyang kwento pero halatang pilit "So now tell me na hindi ako yung ama ni Keon" dagdag niya na ikinaiwas ko ng tingin

"Bakit ba gusto mo pang malaman iyon" mahinang bulong ko habang nakaiwas ng tingin

"Because I need to know the truth"

"You don't-"

"Sasabihin mo o hindi tayo aalis dito hanggang hindi ka nagsasalita. Okay lang kahit hanggang bukas pa tayo makauwi dahil may pagkain naman ako sa likod ng sasakyan ko, hindi tayo magugutom"

"Are you scaring me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya na ikinatango niya "How dare you? Well it's okay, hanggang bukas tayo dito. Sinong tinatakot -"

"But how about Keon?" tanong niya kaya napakuyom yung kamao ko.

"Dinugo ako" pagsisimula ko "a
Ang sabi ng doctor himalang ligtas ang bata... dahil mahina ang kapit no'n. Tapos may nag imbita sa amin ni Daniel, hindi ko kilala pero ang sabi niya kamag-anak daw niya iyon. Sa kalagitnaan nung party medyo sumama yung pakiramdam ko pero ang sabi nung mga nandoon walang uuwi ng matino dahil kailangan daw uminom kahit isang shot lang bago umuwi.... Iniwan muna ako saglit ni Daniel doon para kausapin yung kamag-anak niya na huwag akong painumin dahil nga masama yung pakiramdam ko, pero parang inakit ako nung alak" nakangiting sabi ko pero sa loob nun sobrang nahihirapan akong ipagpatuloy

"Noong bumalik si Daniel naabutan daw niyang naubos ko na yung isang tequila, hindi ko na maalala yung mga nangyari pero ang huling pagkakatanda ko, dinala ako ni Daniel sa isang kwarto at naramdaman kong may isang lalaking lumapit sa akin pero hindi iyon si Daniel. Nagising na lang ako na katabi ko na si James at hubo't hubad pa kaming dalawa"

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon