Chapter 45

499 55 0
                                    

Chapter 45

"Hello, I guess?" nakangiting bati ni Miel sa akin "Can I talk to you?" dagdag niya

"Here? Sige"

"Yung tayong dalawa lang sana" sabi niya bago lumingon kay Austin"You may leave"

"Huh? why?" tangkang tanong ni Austin

"Mauna na kayo sa sasakyan, susunod na lang ako" inabot ko sa kaniya yung hawak kong plastic bag na may lamang key chain.

"Doon tayo banda"

Pagkaalis nila Austin ay niyaya ako ni
Miel pumunta sa may bench para doon makipag-usap. Tahimik lang kaming dalawang naglalakad hanggang sa makarating kami doon.

"Uhmm paano ko ba sisimulan?" natatawang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Sa malayo siya nakatingin at hindi sa akin.

"Magkaibigan na talaga kami ni Ino dati pa before you fell in love with each other. He's my first love. But, when he told me na gusto ka niya, sinabi ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang talaga yung tingin niya sa akin." tumingin siya sa akin pagkatapos niyang sabihin yon

"I also asked myself kung ano ba yung meron ka na wala ako. Mas matagal kaming nagkasama pero ikaw yung pinili niya. Umamin ako sa kaniya but he rejected me and told me na hanggang kaibigan lang talaga." napangiti siya nang mapait

"But why did you two kissed?" tanong ko sa kaniya

"Ahh, that?" natawa pa siya dahil sa tanong ko "He didn't kissed me. I did. Alam kong mali yung ginawa ko. I tried to talk to you pero pinigilan ako ni Austin. Hindi mo nga sa kaniya kayang maniwala kaya paano mo pa ako paniniwalaan?"

"Ngayon mo lang ako kinausap kasi akala mo maniniwala na ako sayo ngayon?" tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya

"I don't know. Sa tuwing nakikita kong lumuluha si Austin naguguilty ako sa ginawa ko. Sa tuwing tinatanong ko siya, sinasabi niyang okay lang siya kahit hindi naman talaga. Ilang beses kong sinubukang puntahan ka para kausapin pero hindi kita makita. Tinatanong ko pa si Daniel at Margaret pero ayaw nilang magsalita dahil akala nila ay manggugulo na naman ako."

"Kung wala siya sa office niya nasa bar naman siya." tukoy niya kay Austin "Hanggang sa mapansin kong unti unti na siyang nagbabago. Doon ko nalaman na nag-usap na pala kayong dalawa. Masaya akong makitang masaya na uli kayo. I'm sorry sa nagawa ko." tumingin siya sa akin doon ko nakita yung luha sa mga mata niya.

"Alam kong hindi sapat yung paghingi ko ng tawad sayo—"

"I forgave you before you asked for forgiveness" sabi ko sa kaniya dahil iyon naman talaga yung totoo

"Now it's awkward" natatawang sabi niya habang nakatingin sa baba at pinaglalaruan yung damo.

"I strongly agree." sabay kaming natawa pagkatapos nun

"Kilala mo si Amethyst, right?" tumango ako sa tanong niya "Alam mo ba everytime na nakikita ko siya palagi niya akong tinatarayan" dagdag niya na nasundan ng malakas na tawa.

"Why? May ginawa ka ba sa kaniya?" tanong ko, umiiling-iling siya bago sumagot.

"Wala, ah! Grabe ka naman sa 'kin! Hindi ko nga alam don kung bakit ang sama ng ugali niya sa 'kin, eh" sabi niya "Alam mo yung ang bait bait niya sa iba pero sa tuwing nakikita niya ako biglang sumasama yung timpla. Like duh? wala naman akong inaagaw sa kaniya" kwento niya at pumipitik pa

"Baka dahil kay Daniel?" tangkang tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya nang malakas.

"I don't think so. Never kong nilandi si Daniel. Ano yon pagkatapos kay Austin sa pinsan naman?" biro niya na ikinatawa ko

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon