Chapter 22

975 104 41
                                    

Chapter 22

Naabutan namin si Daniel na naghihintay habang nasa labas ng sasakyan n'ya. Napansin ko yung mapang-asar n'yang ngiti matapos makita na nasa likod ko si Keon at Austin na nag-uusap tungkol sa ginawa kanina ni Austin.

Hindi ko alam kung anong dahilan ni Austin para suntukin nito si James, but I'm sure James did something wrong to him.

"Sweetheart!" mahinang sigaw ni Daniel pero sapat na para marinig ni Austin, alam kong hinuhuli lang niya kung may feelings pa ba sa akin si Austin dahil halata naman sa ginagawa nito na pinagseselos niya ito kahit hindi naman tumatalab. "Kio let's go!" sigaw na naman n'ya kay Keon na palapit sa kan'ya kasama si Austin na hawak-hawak nito

"But tito-daddy mas gusto kong kasama si tito Austin!" reklamo ni Keon habang nakaturo kay Austin na nakatingin ng seryoso sa pinsan n'ya

"Diba may surprise pa nga tayo?" dinig kong bulong ni Daniel kaya napangiti ako dahil paano pa yun magiging surprise eh nasabi na nga sa akin nang anak ko

"But I already told that to mom" nakangusong sabi ni Keon kay Daniel bago bumaling kay Austin at hinawakan yung kamay nito "Tito pabuhat po, please? please? please? ple-"

"Kio" pinanlakihan ko si Keon ng mata para tumigil kaya lumapit s'ya sa akin na bagsak ang balikat at nakanguso kaya naiinis ako

"Mommy nagsasawa na ako sa Keon, Baby, Kio, Sweetie, pwede bang isip ka naman ng new name ko?" sabi nito sa akin bago bumaling kay Austin "Saka magpapabuhat lang naman po ako bawal ba yun?" tanong nito kay Austin na nagkibit-balikat lang

"Baby you have a second name, is it okay with you?" nakangiting tanong ni Daniel kaya sinamaan ko s'ya ng tingin pero umiwas lang siya at hinihintay yung sagot ni Keon

"Yes tito-daddy! that's a Fox! Foxy!" masayang sigaw ni Keon kaya pwersahan ko s'yang pinasok sa sasakyan ni Daniel at pasimpleng kinurot sa tagiliran si Daniel ng madaanan ko s'ya

"Baliw" pero bumungisngis lang s'ya at nginuso si Austin na may hindi maipintang mukha.

Binuhat ni Daniel si Keon at isinakay sa sasakyan.

"Hey bro! Sa'yo na muna yung sweetheart ko, hatid mo nalang s'ya sa bahay ko itetext ko sa'yo yung address kasi dadaanan ko pa sila Hazel sa bahay nila. Ayaw kasi ni Venice sa mabagal eh, masyado kasi s'yang bossy. Saka sawa na rin ako sa mukha n'ya, kaya sa'yo na muna- thanks to me later bro- bye- enjoy!" mabilis na sabi ni Daniel bago pumasok sa kotse at pinaharurot yon

Peste! Peste ka Daniel!

Ilang beses ko na s'yang tinatawagan pero hindi n'ya sinasagot hanggang sa hindi ko na siya ma-contact.

"Peste paano na ako makakauwi nito?" bulong ko habang binabalik sa bag yung cellphone

Patawid na sana ako sa pedestrian nang may tumabi sa akin at inakbayan ako.

"Nakatadhana talagang makasama kita ngayong araw my love" nakangising sabi nito, kaya pilit kong tinatanggal yung pagkakaakbay niya "Wag kang makulit Venice, parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa ko sa'yo dati" dagdag nito bago ako pilitang hinila palakad sa pedestrian pero hindi pa kami nakakatawid nang may humintong sasakyan sa harapan namin

"Tigilan mo ako pwebe ba, bakit naman ako mag-eenjoy sa'yo eh wala nga akong maalala bukod sa magkatabi tayong nakahubad" seryosong sabi ko dito pero akmang hihilahin niya ako uli ng may magsalita sa likod namin

"This is the second warning, Mr. Aguilar" seryosong sabi ni Austin kay James na nakakuyom ang kamao "Do it again and I'll fire you" dagdag nito bago sumakay sa sasakyan n'ya

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon