Chapter 36

732 79 38
                                    

Chapter 36

Monday. A week has passed since Daniel confessed. Back to normal. Walang ilang o ano kaming nararamdaman dahil tama siya, matagal na iyon pero matagal lang niya bago naamin. Nandito ako sa loob ng canteen nila at kasama siyang kumain.

"Being a business man and doctor is really hard" sabi niya kaya umangat ang tingin ko sa kaniya at sinundan ang tingin niya sa kung saan nakatutok "Well, hindi ko naman siya masisisi dahil gusto niyang maging doctor habang taga pagmana siya" dagdag niya kaya nagbaba agad ako ng tingin ng lumingon siya sa akin

"Hindi na natin problema yun" mahinang bulong ko habang nasa pagkain ang tingin

"Wala naman akong sinasabing problema natin yun, sinasabi ko lang naman na mahirap yung ginagawa niya" sabi niya pagkatapos niyang matawa ng mahina

"Shut up!" sabi ko sa kaniya habang naiinis pero nawala agad iyon nang may nakita ako, aasarin ko sana siya nang may maalala

"Anong tingin yan? Sinong tinitignan mo?" tangkang tanong niya nang mapansin na nakatingin ako sa may likod niya

"Mmm... nothing" sagot ko pero hindi siya kumbisado kaya sinundan niya kung saan ako nakatingin

"Wait... I'll talk to her" sabi niya at minadaling tapusin yung pagkain "If it is okay?" dagdag niya kaya natatawa akong napailing

"Of course. Gusto kong maging masaya ka na" nakangiting sabi ko at inabutan siya ng mineral bottle

"Thank you!"

"Go on" natatawang tulak ko sa kaniya bago magpatuloy sa pagkain

Kalahati palang ang nakakain ko nang may maramdaman akong umupo sa harap ko.

"Can I sit here?" tanong ni Austin kaya pasimpleng umikot yung mata ko

"Nakatayo ka ba? Nakaupo ka na di ba?" sarkastikong tanong ko habang nakatingin pa rin sa plato. Bakit ba ang kulit nito. Alam naman niyang may anak na ako.

"What are you doing here? Ngayon lang kita nakita pumunta dito" pagbubukas niya ng topic kaya pasimpleng tumaas yung kilay ko bago mag-angat ng tingin sa kaniya

Well madalas naman ako dito lalo na kapag maagang pumasok si Daniel, dinadalhan ko siya ng pagkain. "Kasi ito siguro yung unang araw na naabutan mo ako na nandito?" patanong na sagot ko dahil wala naman akong idea

"Mmm-hmm... Maybe. Bihira lang kasi ako kumain dito sa canteen" sagot niya bago sumubo. Adobo! My favorite! "Gusto mo?" tanong niya bago ilapit ng kaunti sa akin yung plato na may lamang adobo

"Oo sana... kaso busog na ako" pag-amin ko bago isubo yung huling kanin na nasa kutsara

"Akala ko hindi mo tatanggihan dahil alam kong paborito mo ito" natatawang sabi niya

"Hindi ko naman talaga yan tatangihan kung hindi lang ako busog"

"Ang onti lang ng kinain mo, busog ka na agad?"

"Excuse me?" hindi ko mapigilang magtaray. Kanina ko pa naman siya tinatarayan.

"Kanina pa ako nakatingin sayo mula sa malayo"

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. It means kanina pa niya alam na nandito ako?

"Ang creepy mo" sabi ko kaya natawa siya at nagpatuloy na sa pagkain

Hindi ko pa nilalagay sa tote bag na dala ko yung pinagkainan namin ni Daniel dahil kumakain pa si Austin. I wonder why he is comfortable with me even though something has happened in the past.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon