Chapter 3

1.2K 152 63
                                    

Chapter 3

"Kayo na munang bahala kay Marga, kakausapin ko pa yung daddy nya" paalam sa amin ni tita Riza

"Sure po, no problem" sagot ni Hazel

"Sige tita, ingat po kayo" sagot naman ni Daniel

"Salamat" dinig kong bulong nya habang nakangiti bago lumabas ng kwarto

Nagbalat muna ako ng orange na binili namin kanina, medyo naiilang kami dahil narinig namin yung hindi dapat marinig. Pisteng PJ kasi napaka chismoso.

Naka upo si Margaret sa kama nya, habang naka upo naman sila Daniel,Bea at Hazel sa sofa. Nasa tabi ni Margaret si PJ.

"Don ka muna sa sofa, ako yung nagbalat ng orange eh" nakanguso kong sabi kay PJ

"Pabebe ka girl, yuck !" parang nandidiring sabi ni PJ kaya natawa ng bahagya si Margaret

"Oh kainin mo muna to, hindi yan maasim tinikman ko na" sabi ko bago iabot yung orange

"Wala naman akong sinabing maasim ah" pilit na tawa ni Margaret

"Inunahan lang kita noh" mataray kunyaring sabi ko

Habang kumakain si Margaret, alam kong napansin nyang tahimik kami pero hindi nalang sya kumibo.

"Why did you do that" basag ni Daniel sa katahimikan

Hindi sumagot si Margaret at nagkuwaring walang narinig habang kumakain

"Answer me" seryosong sabi ni Daniel

"Kuya kalma, mamaya na natin yan pag usapan. Akala ko pa naman kaya kayo nandito para kumustahin ako" naka pout na sabi ni Margaret

"Oh sige na nga-" napahinto sya sa pagsasalita ng may maalala "Wait" sabi nya kaya taka kaming tumingin sa kanya. "Bakit kayo nagtatanong eh alam ko namang narinig nyo yung usapan namin kanina" naka cross arm na sabi nya habang nakatingin sa amin

"Hoy anong tingin mo sa'min chismisa sa kanto!?" sigaw ni PJ

"Siguro?" patanong na sagoy nya "Kasi habang nag uusap kami ni dad naririnig ko yung bulungan niyo sa labas. Para ngang hindi bulungan kasi rinig na rinig hanggang dito sa loob " dagdag nya habang nakaturo sa pinto

"Si PJ yung pasimuno" sagot agad ni Hazel

"Anong ako? si Bea kaya yun" turo ni PJ kay Bea

"Nanisi pa nga" naiiling na komento ko

"Wala ba 'tong kinalaman kay Clark?" tanong ni Daniel

"Of course wala noh, wala na kong pakialam sa kanya, nakakadiri bakit ko ba pinatulan yun" maarteng sagot ni Margaret

"Sus parang nung nakaraang araw umamin kang mahal mo na sya ah" nag-aasar na sabi ni PJ

"Eww, kadiri ka girl wag mo nang ipaalala" nandidiring sabi ni Margaret kaya natawa kami

Nananahimik ako nang biglang banggitin ni PJ yung pangalan ko.

"May nakitang pogi si Venice kanina habang nabili kami" sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako.

Nakakairita!

Nang-aasar na lumingon sa akin si Margaret!

"Ganto kasi yan Garet dahil si Venice yung wala pang pinapakilala sa'tin, ako nalang yung magpapakilala sa inyo kung sino yung crush ni Venice" sabi ni PJ kay Margaret, nagbubulungan pa sila kung sino ba talaga yung mag kukwento kay Margaret na parang hindi ko naman naririnig.

"Desisyon ka?" mataray na sabi ko sa kanya

"Wag ka ng maarte 'te, gwapo naman" natatawang sabi sakin ni Hazel

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon