Chapter 28

833 80 46
                                    

Chapter 28

"Tara sali tayo, gwapo naman ako" anyaya ni James matapos marinig yung sinabi ni Hazel sa mic na may palaro daw, halos kalahati sa mga nandito ay mga may tama na dahil karamihan sa brand ng wine na mga nandito ay malalakas yung alcohol

"Ayoko" sagot ko dito pero hinila pa rin niya ako papunta sa unahan kaya napabuga nalang ako ng hangin

Nang mapansin ako ni Hazel na nasa unahan nagsalita uli siya sa mic at nagtanong kung may hahabol pa ba "Ilang couple ba ngayon yung nandito, One... Two... Three... Four... Five..." bilang niya at ano pa bang nakakagulat kami yung hinuli niya at kumindat pa talaga sa akin

"Azel sasali kami!" sigaw ni Margaret at pagewang-gewang pa silang naglakad dito ni Cyrus na hindi maipinta yung mukha habang nakatingin kay Margaret

"Oh Six couples lang?" malungkot kunyaring boses ni Hazel bago nag-ikot ng tingin "How about you guys? Come here, minsan lang ito" sabi niya habang nakaturo doon sa dalawang magkausap, umayaw sila pero mapilit si Hazel kaya nandito na sila ngayon sa unahan kasama namin "Geez! Austin, you're here pala? Come here, isama mo yung maganda mong kasama" sabi niya kaya napailing na lang ako dahil alam kong sinadya niya talaga iyon at diniinan pa talaga yung salitang 'maganda'

Panay ang dikit ko kay James dahil napakalikot ni Margaret, hindi pwede sa kaniya ang malasing dahil hindi maipinta ang mukha ni Cyrus habang inaalalayan siya. Buntis pa naman siya pero puro alak ang laman ng tiyan niya.

Napangiti ako kay James ng hawakan niya ang bewang ko at nagpalit kami ng pwesto dahil napansin niyang ayaw kong katabi si Margaret. Natawa ako nung makita ni Cyrus na lalaki na ang katabi ni Margaret kaya hinila niya si Marga at nagpalit sila ng pwesto. Nakita ko pa yung pagsama ng tingin ni Cyrus kay James pero umiling lang si James.

"Magpalit na nga uli tayo ng pwesto, ang sama ng tingin sa akin ni Cy" bulong ni James pero siniko ko lang siya at hindi pinansin.

Maya maya pa ay bumalik na si Hazel na may dalang mga lobo may magkaibang kulay, pink at blue. Yung iba ay nakalobo na pero yung iba ay hindi pa.

"So hahatiin ko kayo sa apat na grupo, nakikita niyo ang hawak ko ditong dalawang balloon na wala pang hangin. Kailangan niyong magpaunahang mapalobo ito" sabi ni Hazel kaya napataas yung kilay ko "Pero kailangan niyo munang makaputok ng lobo na may hangin bago kayo magpaunahang mapalobo ito. Opsss... lahat kayo kailangan makaputok ng lobo, may walong upuan dito... boys umupo na kayo doon" dagdag niya kaya walang nagawa yung mga lalaki kundi ang umupo doon, hindi pa sana uupo si Cyrus pero sinabihan ko siyang ako na ang bahala kay Margaret na kung ano-ano yung pinagsasabi

"Alam niyo naman siguro yung larong putukan ng lobo diba? Ay teka wala pa palang group" sabi ni Hazel kaya napailing nalang ako, ginawa niyang magkagrupo kami ni Margaret at balak pang ipatabi sa akin si Miel pero pinanlakihan ko siya ng mata at sinamaan ng tingin. "Yan okay na, so yung mga boys hindi na sila kasama, mga girls na lang yung may mga grupo, ang silbi niyo kayo lang yung uupuan nila, got it?" halos wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Hazel dahil halata namang ngayon lang niya naisip yung ipapagawa at parang hindi pa niya alam kung paano ba magpaliwanag

Sinabi rin ni Hazel na kailangan naming magpiring at pumunta sa mga lalaki para malaman namin yung uupuan namin mamaya. Habang nakatayo ako ngayon sa harap ng napili ko, pinagdadasal ko na sana hindi si Austin yung natapatan ko.

"Woahhh! Okay tanggalin niyo na girls yung panyo sa mata niyo, please please, bilisan niyo" dinig kong sabi ni Hazel kaya parang nagkarera ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko habang tinatanggal yung panyo "Ang tagal naman" reklamo ni Hazel sa mic kaya napailing lang ako

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon