Chapter 33

647 78 14
                                    

Chapter 33

Nasa tabi ni Daniel yung laptop habang nakaharap sa amin. Sapat na para makita ng lahat. Naramdaman kong pinisil ni Hazel yung kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nginitian niya ako bago bumulong sa hangin ng 'Calm down, love you'. Napangiti ako bago mag-iwas ng tingin at humarap sa laptop.

Kinakalikot na ni Daniel yung laptop at pumunta sa files. Sa sobrang kaba ko, nahihirapan na akong huminga. Nararamdaman ko din ang pagpapawis ng noo at palad ko dahil sa sobrang kaba.

"Sweetie, we're here for you"

Ang video'ng kuha ay medyo madilim pero sapat na para makita yung mukha ng bawat tao dito dahil sa sinag ng ilaw. Paniguradong in-edit ito dahil bigla biglang napuputol. Ang focus lang nito ay sa akin. Nag iiba iba ang pwesto ng camera dahil iba ibang camera ang pinagsama sama dito.

Hindi masyadong makita yung dalawang taong nag-uusap dahil sa layo ng camera pero dahil may bilog, madali iyong mapapansin. Ito ay ako at si Daniel. Naalala ko ang ganap na ito dahil ito yung oras na nag-uusap kami ni Daniel at nagpaalam saglit na may kakausapin daw.

Nakailang tungga na ako bago bumalik si Daniel. May sinabi pa siya pero tinawanan ko lang na nakaturo pa sa kaniya habang ang isang kamay ay nakahawak pa sa tiyan ko na parang tawang-tawa talaga. Ang sumunod na video ay iba na ang camera dahil medyo malapit na ito sa amin at ang lugar na ito ay sa may bandang pintuan na.

Pinasok ako doon ni Daniel habang buhat at ilang minuto rin ay lumabas na ito habang may kausap sa telepono. Napatingin muna siya saglit sa pintong pinag-iwanan niya sa akin bago tuluyang umalis.

Walang nagbalak na gumawa ng ingay dahil lahat kami ay tutok na tutok sa screen ng laptop... lalo na ako. Ilang minuto ang nakakalipas matapos umalis ni Daniel ay may isang lalaki ang pumasok. Hindi masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa camera.

Pumasok ito sa loob ng pintong pinag-iwanan sa akin ni Daniel. Ang sumunod ay nag-black yung screen at paniguradong ibang camera na ito dahil ang kuha nito ay nasa taas, nakaharap sa baba at makikita ang buong kwarto kung saan ako nakahiga.

Para akong natulos sa kinauupuan ko matapos maaninag yung mukha ng lalaking iyon. Kahit sila Hazel ay alam kong nagulat din dahil sa naging reaksyon nila. Napansin ko pa ang pagsulyap nila sa akin dahil nakita ko iyon sa gilid ng mata ko pero hindi ko pinansin dahil tutok ang mga mata ko sa screen ng laptop ni Daniel.

Pagkasara nito ng pinto, halatang lasing din ito kagaya ko dahil sa klase ng lakad nito. Lumapit siya sa kama na kinahihigaan ko pagkatapos ay humiga sa tabi ko. Pagkatapos ay doon na kami gumawa ng milagro.

Pagkatapos ng ganap na iyon, nag-usap pa kami bago makatulog. Habang natutulog kami, may isang lalaki uli ang pumasok. Lasing din ito at naiiling pa habang nakatingin sa katawan ko. Hindi niya siguro napansin yung katabi kong lalaki dahil sa matinding kalasingan. Binuhat niya ako at nilabas sa kwartong iyon.

Hindi na nagbago yung pwesto ng camera dahil nakatutok lang iyon sa lalaking nagising na at mabilis na nagbihis bago lumabas sa kwartong pinangyarihan ng milagro. Pagkatapos ay tumigil na ang video.

"Omg" sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko pagkatapos magising sa katotohanan

"Venice" tawag sa akin ni Daniel ng tumayo ako at naglakad palayo

"Venice!" dinig kong tawag nila kaya lumingon ako sa kanila ng may pilit na ngiti bago magsalita

"I need space. Kailangan ko munang mag-isip-isip"

"Naiintindihan namin, pero huwag mong kakalimutang nandito lang kami kapag kailangan mo ng masasandalan" sabi ni PJ kaya ngumiti ako sa kanila bago mag paalam. Narinig ko pang pinigilan nila si Daniel, dahil siguro sa pagsunod sa akin.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon