Chapter 8

936 134 25
                                    

Chapter 8

"You're already together na?" biglang tanong ni Bea pagkatapos kong sabihin sa kanila yung sinabi sa akin ni Austin na gusto daw akong makita nung mommy n'ya

Ilang araw ko din pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa mga 'to dahil alam kong aasarin nanaman nila ako

"Not yet... I mean hindi, we're just a friends" sagot ko sa kanila pero ang tumatak talaga sa utak nila ay yung 'not yet' na sinabi ko

"Hindi pa? So may balak ka?" pang-aasar ni Hazel habang ka chat si Liam

"Pwede ba? Tigil-tigilan n'yo ako" singhal ko sa kanila bago ibalik yung atensyon sa libro

"Okay" mapang-asar pa din na sagot nila

"Mabait ba o masungit?" tanong ko kay Bea at Daniel pero nginisian lang nila ako at nagkibit-balikat "Hoy ayusin n'yo kasi yung sagot, hindi ako nakikipag biruan" naiinis na sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako

"Sa'min naman mabait, pero pagdating sa iba? Ayaw ko nalang mag talk" seryosong sagot ni Bea, hindi ko alam kung seryoso ba talaga s'ya o nagseseryoso lang para pakabahin ako... Well, oo gumagana

"Bahala na nga" sabi ko sa kanila habang nagbabasa

"Sorry guys I'm late, grabe ang hirap naman kasi nung essay na 1000 words" naka pout na sabi ni Margaret habang inaayos yung gamit n'ya

Nagpagawa kasi ng essay yung teacher namin sa English, after n'yang mag chika nang 30 mins, bigla nalang s'yang nagpagawa ng essay. Chika chika tapos kapag mauubusan na nang time bibiglain kami sa gagawing activities.

"Okay lang yan, baka naman kasi masyado mong ginalingan, ako kahit wrong grammar okay na basta 1000 words" natatawang sabi ni PJ kaya napailing nalang ako sa kanya

"Ano palang topic n'yo kanina habang wala ako?" tanong n'ya habang nagpapaayos ng buhok kay Bea "Grabe talaga tong si Bea hindi mo makikitaan ng kapangitan, laging nakaayos" natatawang sabi ni Margaret kaya inasar s'ya ni PJ

"Sadyang pangit ka lang talaga te.... oy biro lang" bawi ni PJ sa asar n'ya dahil binato s'ya ng suklay ni Margaret

"Wala naman kaming topic" sagot ko sa tanong ni Margaret "Di ba?" pinanlakihan ko sila ng mata dahil natatawa sila

"Oo wala daw talaga" natatawang sabi ni Daniel, napansin ko din na palagi nang wala dito si Daniel, nakakasama pa naman namin s'ya pero hindi na gaya nung dati. Nung una iniisip ko na baka may date lang sila ni Trisha o baka nagkikita sila pero hindi eh, nakikita namin dito si Trisha kasama yung kaibigan n'ya.

Amethyst, huh?

"Epal ka?" nakataas kilay na singhal ko kay Daniel, pero nagkibit-balikat lang s'ya!!! Gago ampota, buti nalang may itsura s'ya

"Tama na guys" saway ni Hazel kaya napalingon kami sa kanya "May date pala kami ni Liam sa Sunday" kinikilig na kwento ni Hazel

"Sana all" sabay naming sabi ni Margaret

"Nakiki sana all ka ateng? Diba nga imi-meet mo na yung mother-in-law mo?" asar ni PJ kaya nagtatakang tumingin si Margaret sa akin sinamaan ko si PJ ng tingin

"Sabi sakin ni Austin gusto daw akong makita nang mommy n'ya, nag agree naman ako kasi nakakahiya naman kung irefuse ko" sabi ko kay Margaret kaya tumango-tango s'ya habang may nang-aasar na ngiti

"Baka manghihingi na nang apo" sabat naman ni Bea habang naka peace sign

Simpleng damit lang yung napili kong suotin, peach color na dress na tinernuhan ko ng white heels na 2 inches medyo nakintab pa dahil sa kulay. Pinlantsa pa ni mama yung buhok ko tapos nilagyan n'ya nang dalawang black plain clip yung gilid ng buhok ko. Balak pa sana ni mama lagyan ng make-up yung mukha ko pero tumanggi ako, sinabi kong ako nalang yung maglalagay. Naglagay lang ako ng powder tapos light red na lipstick, nag eyebrow na rin ako dahil kinukulit ako ni mama.

Love Is Insane [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon