10.4

4 0 0
                                    

Warning: Errors ahead. Read for your own risk.

Rain's Pov

"Yeon Soo."

I bang at my brother room's door. Anong oras na ba at hindi pa nagigising ang isang 'to? Wala ba siyang trabaho ngayon. Hindi naman niya day off at wala namang holiday ngayon ah.

"Yeon Soo gumising ka na jan kung ayaw mong lagyan ko ng bomba yang kwarto mo."

Sigaw ko sa kanya. It's the 27th day of April 2014. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa siya gumigising ng ganitong oras. Pag sa bahay niya 'to responsable naman siya na gumising ng maaga. Bakit ganito ang ugali niya rito?

"Mamaya na. Inaantok pa ako eh."

I scoffs on his sleepy voice. Nagpapatawa ba siya? Ilang taon na nga ulit siya para sumagot siya ng ganyan?

"Yeon Soo wag mong ubusin yung pasensya ko."

I warned. Sa totoo lang wala na talaga akong pakialam kung gumising man siya ng maaga o hindi. Pero siguro dahil nasanay na rin akong ganito dati kaya dala-dala ko na.

"Noona maganda pa yung panaginip ko. Wag kang epal."

Aba naman...

"Ya. Choi Yeon Soo bumangon ka na jan dahil yung pinapanaginip mo nandito na."

Sigaw ko sa kanya habang napatingin kay Han Sui. Tinuro naman niya ang sarili niya na nagtatanong. I just smirk on her. Hayzz... Yung dalawang 'to. Kasalan ko ba kung hindi ko sila binantayan ng mabuti? I'm kidding. I like them both being together. Wala na yatang tatapat pa sa ugali ni Yeon Soo maliban sa mahal kong si Han Sui. Mukhang wala naman talagang balak pumasok yung arogante kong kapatid na yun.

Napaatras ako sa harapan ng pinto ng bumukas ito. Napatingin ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko siyang batukan sa pagmumukha niya. Kapatid ko ba talaga 'tong kaharap ko? Para kasing natutulog lang siya sa tabi ng kalye sa mukha niya. Pwede na rin gawing pugad ng mga ibon ang kanyang magulo na buhok.

He look at Han Sui with his still sleepy eyes and smiled na kung akala mo kagagaling lang sa inuman.

"Hello Love. Good morning."

He said as he lean his back on the doorway with his arms crossed. And he didn't even bother to where his t-shirt. Mabuti naman at hindi niya naisipang lumabas na naka boxers lang.

"Wala ka bang trabaho na kung makangiti ka jan parang wala ng bukas?"

I spat on him but he didn't even look at me. Nakapako talaga kay Han Sui ang mga titig niya.

"Ito namang si Noona ang aga-aga may misa."

Reklamo niya sa akin habang hindi parin inaalis ang tingin kay Han Sui. Ang sarap niyang kutungan eh. Pasalamat siya at naiintindihan kong inlove siya.

"Aba Yeon Soo ayusin mo nga yang sarili mo."

I said shaking my head in him. Han Sui just smiled on what I have said dahil hindi niya parin ako nililingon. Ang sarap talaga niyang ihampas sa semento.

Their Diary's Pages ([Completed]Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon