1.2

73 21 0
                                    

Cristine Mae's Pov

"Good morning Tintin!"

Napatingin ako sa pintuan ng kusina. I smile at Rain na kakagising lang. Halata naman sa mukha eh.

"Good morning din Rain.  Breakfast is ready."

Ibinalik ko ang aking attention sa pagluluto ng bacon. I saw her goes to the fridge to get something to drink, maybe.

"Wow ang aga naman"

Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi saka isinalin ko na ang bacon sa isang plate at nilagay sa mesa. Kumuha naman ng gatas si Rain mula sa ref at pumunta sa mesa. Pinaglaagyan nya ng milk ang baso namin bago umupo para magsimula ng kumain.

After naming kumain nag shower ako pagkatapos pumunta sa Business nya. Fashion designer din si Rain at may sarili syang shop. 'Diba sinabi ko na yun kahapon? Mga bandang 7:30 na ng makarating kami doon.

"Good morning ma'am!"

Bati sa kanya ng gaurd ng makarating na kami sa labas ng shop niya. Napangiti naman ako sa kanya ng tinapunan niya ako ng tingin.

"Good morning din mang Ben!"

Bati ni Rain sa kanya. Inilahad niya sa gaurd ang susi para mabuksan ang  shop nya na kinuha naman niya. Ng mabuksan na niya ay pumasok na kami sa loob at dumiretso sa office niya.

"Coffee?"

Tanong ko ng maka-upo na siya sa swivel chair sa office niya. Napaangat naman siya ng tingin sa akin matapos niyang mailapag ang bag niya sa kanyang mesa.

"Yeah sure!"

Napatango naman ako sa kanya at pumunta sa isang sulok ng kanyang office kung saan nakalagay ang mga ibang gamit niya. Tulad ng mga kape at despenser. Kinuha ko ang isang tasa na nakalagay sa tray at tinimplahan ko na sya ng kape. Saktong nakatapos naman ako ng dumating ang ibang staffs niya.

"Here's your coffee Ma'am! Do you need anything else?"

Pabirong tanong ko dahilan na tinawanan niya ako ng mahina. Napatingin siya sa akin sa paraang hindi ko maipaliwanag.

"Alam mo ikaw? Napakaresponsable ka eh. Lahat nalang ikacareer mo."

Napangiti na lamang ako sa kanya ng tumiksim siya sa kanyang kape. Pagtapos nun ay tumingin siya saglit sa akin bago hinalukat ang mga files na nakalagay sa desk niya. Napatingin naman sa akin ang ibang mga staff na dumadaan papunta sa assigned area nila. Nagtataka siguro kung bakit may bata sa office ng boss nila.

"Wala ngayon ang secretary ko kaya ikaw muna ang papalit sa kanya."

Sabi nya habang hindi naaalis ang mga mata niya sa kanyang binabasa.

"Seriously?" Tanong ko. Mukhang di ko yata kayang gawin yun. Kaya kong magsulat pero yung pagiging secretary hindi ko alam kung paano gagampanan yun.

"I'm dead serious!"

Sabi nya na hindi ako nilingon. Napasimangot na lamang ako sa kanyang sinabi. I guess I have to learn how to do it then.

Their Diary's Pages ([Completed]Under Major Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant