CHAPTER 9

715 14 0
                                    

DAMINA‘S POV

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa mukha ko. I stretched my arms. Nilingon ko ang kabilang banda ng kama. Bumangon ako agad nang mapagtanto kong wala na si Caliste. Nasaan na siya? Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wall clock. Alas 8 na ng umaga.

Tiningnan ko ang katawan ko. Nakahubad pa rin ako. Bumaba ako ng kama at pinulot ang brassiere at underwear ko na nagkalat sa sahig. Sinuot ko muna ang robe na isinuot ko kagabi at lumabas ng kuwarto.

Dumeretso ako sa kusina upang kumain dahil nagugutom na ako. Bubuksan ko na sana ang ref nang mapahinto ako sa nakita. May maliit na note na naka-attached sa ref. Kinuha ko ito at binasa.




---Off to work. Thank you last night. I'll be home early. Please prepare me some food. Thank you---



Napangiti ako nang bahagya dahil sa isinulat niya na mensahe. Kaya pala wala na siya paggising ko. Hindi man lang ako ginising.

Ipinasok ko ang note sa bulsa ng suot kong robe at kumuha ng pagkain sa ref na pwede kong kainin. Umupo ako at nagsimula ng kumain.

Ano naman kayang pagkain ang gusto niyang kainin? Hindi man lang niya inilagay sa note kung anong pagkain ang gusto niyang ipaluto. Buti sana kung pareho kami ng bituka na kakain ng kahit anong ulam.

Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at hinugasan ang pinggan na ginamit ko. Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako at umupo sa sala.

Anong gagawin ko ngayon? Tutunganga nalang ba ako buong araw? Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako pwedeng pauwiin sa bahay, gayong wala naman siya dito buong araw. Namimiss ko na si Ivy at si mama. Gusto ko silang tawagan pero wala naman silang phone. Bumuntong-hininga ako at pumasok sa kuwarto upang magbihis ng damit.

Lumabas ako ng kuwarto at inilibot ang paningin ko sa buong condo at nag-iisip kung ano nga ba ang gagawin ko. Pumunta ako malapit sa cr at kinuha roon ang walis. Maglilinis nalang ako. Pagkatapos kong walisan ang buong sala at kusina ay kinuha ko ang mop at upang mag-mop sa sahig. Hindi naman gaanong madumi ang sahig at hindi rin gaanong malinis.

Maya-maya ay biglang may nag-door bell. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang peephole. Binuksan ko ito kaagad. Isang babaeng naka-red sheath dress ang bumungad sa akin. Sobrang ganda at sexy niyang tingnan sa suot niya. Kitang-kita ang curves niya sa katawan.

“Who are you?” seryosong tanong niya sa akin.

Pinunasan ko ang tumulong pawis sa noo ko. “A-Ah...Ahm” Anong isasagot ko? Sasabihin ko bang personal stripper niya ako? Baka girlfriend niya ito o ano. Malintikan na.

Napatingin siya sa hawak kong mop.

“Nevermind. Nandito ba si Caliste?”

Umiling ako. “Nasa trabaho po” magalang kong sagot.

Kumunot ang noo niya. “Work? That's odd”

“Saan daw siya nagtatrabaho?”

“Hindi ko po alam, ma'am”

Tumango siya. “Okay”

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago tumalikod. Who's that lady? Tiningnan ko siyang naglakad sa hallway. Para siyang supermodel kung maglakad. Pati ang mga tao na nadaanan niya ay napapahinto at napapatingin sa kaniya.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum