CHAPTER 32

415 9 0
                                    

DAMINA'S POV

TAHIMIK kaming lahat na nakaupo sa maliit naming sala.

Magkatabi kami ni mama at ang katabi ni mama sa kabilang banda ay si Ivy. Sa isang gilid ko ay katabi ko si Cali. Sa kabilang upuan nakaupo si mommy Mae at si daddy Rene. Nasa kabilang gilid ni momny Mae si Yonna at Anne. Nakatayo sa likod ni Yonna si Rachaelus at sa likod naman ni Anne ay si Damien. Nakalagay ang dalawang kamay ni Damien sa magkabilang balikat ni Anne. Si Rocher ay nakaupo sa pang-isahang upuan habang si Garry ay nakaupo sa armrest na inuupuan ni Rocher.

Napatingin ako kay mama nang hawakan niya ang kamay ko. Nginitian ko siya at hinawakan pabalik ang kaniyang kamay.

Narinig kong tumikhim si Daddy Rene. “So, simulan na natin. Ako si Rene Valencia, Ma'am, ama ni Caliste. Ito naman,” inakbayan niya si Mommy Mae. “ay asawa ko, si Mae Liza Valencia, ina ni Caliste.” pakilala ni daddy Rene.

“At sila naman ang mga kaibigan ko, Mama.” saad ni Cali habang nakaturo sa mga kaibigan niya. “Si Garry at Rocher itong nakaupo sa pang-isahang upuan.” tinuro niya ang kinaroroonan nila Garry at Rocher. “Ang dalawang lalaking iyan na nakatayo ay si Rachaelus ang nasa kanan at si Damien ang nasa kaliwa.  Ang dalawang babaeng ito ay si Anne at Yonna. Kasintahan sila ni Rachaelus at Damien, na naging kaibigan din namin ni Damina.” pakilala ni Cali.

Tumango-tango si mama.

“My son already proposed a marriage to your daughter. At napag-usapan namin kahapon na sa katapusan ngayong buwan ay gaganapin ang engagement party. We decided to invite some media reporters, to announce to the world that the only heir in the family is getting married.” pahayag ni Daddy Rene.

“Hin...di...ba't...ma...gan...da...kung...ma...pa...na...ti...ling...pri...ba...do...ang...re...las...yon...at...ka...sal...ng...mga...anak...na...tin?” tanong ni mama.

“Puwede rin. Concern lang naman ako, Ma'am. Hindi naman sa nagmamayabang pero maraming naghahabol sa anak ko. Kung malaman ng buong mundo na ikakasal na si Caliste at may babaeng iniibig na, edi there are more chance na wala ng manggugulo sa kanila.” sagot ni Daddy Rene.

Various negative reactions coming from Cali's friends after they heard the statements of Daddy Rene that says ‘maraming naghahabol sa anak ko'.

“Kung...ga...no'n...na...ma...ra...ming...nag...ha...ha...bol...dito...sa...anak...mo...baka...kamo...more...chance...na...ma...ra...ming...ga...ga...wa...ng...pa...raan...upang...ma...si...ra...ang...re...las...yon...ng...mga...anak...natin? Whether...or...not...kung...to...toong...ma...hal...ng...anak...mo...ang...anak...ko...ka...hit...ma...ra...mi...pang...ma...ga...gan...da...ma...ya...man...at...sexy...na...uma...ali...gid...dito...sa...anak...niyo...ay...hindi...niya...pa...pan...si...nin...” seryosong saad ni mama.

Napatingin ako kay Mommy Mae nang bigla siyang pumalakpak. “May punto ka, Mare. Dahil ang totoong lalaki?”

“Isa lang ang babae!” sabay na sambit ni Mommy Mae, Yonna, at Anne.

“Fine! No media!” pagsuko ni Daddy Rene.

“That part is settled already. So, when will be the wedding?” tanong ni Daddy Rene.

Nagkatinginan kami ni Cali. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko. “Kung ako ang papipiliin, gusto ko bukas na bukas din.” bulong niya.

“Ang bilis naman.” tugon ko.

“Gusto ko ng maitali sa iyo, babe, para wala na tayong kawala sa isa't-isa.” bulong niya.

“Kahit maitali pa tayo, kapag hindi tayo para sa isa't-isa ay maghihiwalay pa rin tayo.” makatotohanan kong sabi.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon