CHAPTER 10

675 15 0
                                    

DAMINA‘S POV


“Aw!”


I slowly stretched my arms. Aw. Ang sakit ng buong katawan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tiyak na mananakit ang katawan ko kapag mananatili kaming nakahiga sa ganoon na posisyon. Umupo ako at dahan-dahan na inikot ang isang balikat ko. Hinawakan ko ang aking batok at inikot nang bahagya ang aking ulo.

“I‘m sorry. I'm sorry yesterday night. Nakatulog pala ako sa ganoong posisyon”

Napahinto ako at napatingin sa kaniya nang marinig ko ang boses niya. He's exercising. He's doing push-ups using his one hand. Napatingin ako sa oras. 7:30 am na.

“Wala ka bang trabaho?”

Nilingon niya ako saglit “Meron pero hindi ako papasok dahil may lakad tayo”

“Ha? Anong lakad? Saan?”

“Basta. Maghanda ka na. Sa labas nalang tayo mag-agahan”

Tumango ako at pumasok sa kuwarto upang maligo.




++++++++



“Table for two, ma'am, sir?”

“Yes please” sagot ni Caliste.

“This way po”

Sinundan namin ang waitress na iginiya kami papunta sa mesa.

Nang makarating kami sa mesa ay ikinuha ako ni Caliste ng upuan.

Nginitian ko siya at umupo. “Thank you.”

Ngumiti siya at umupo sa kabilang upuan. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa mesa.

“Excuse me, ma'am, sir. May I get your order? Here's the menu”

Nilingon namin ang waitress. Kinuha namin ang dalawang menu na inabot niya. Tiningnan ko ang mga pagkain na nasa menu. May larawan at presyo  rin na nakalagay sa bawat pangalan ng pagkain. Ang mahal ng mga pagkain nila. Kahit isang baso ng tubig ay sobrang mahal. Anong uri ng restaurant ba ito? Inilipat ko ang pahina. Kobe strip steak. It looks delicious. Tiningnan ko ang presyo. Halos mawalan ako ng gana nang makita ko kung magkano ang halaga ng steak na ito. 20, 353. 80 Php. Seryoso?

“Grand velas tacos for me, Miss”

Napasulyap ako kay Caliste. Inilipat ko ang pahina at hinanap ang in-order niya. Nanlaki ang mata ko sa presyo. 25, 000 dollars? Magkano ang presyo nito kung eko-convert natin sa Philippine peso?

“Are you done?”

Tiningnan ko siya at nginitian nang bahagya. “Hindi pa. Wait lang ha”

Kinuha ko ang phone at pasimpleng ikino-convert ang 25,000 dollars to Philippine peso. 1, 258, 575? Anong uri ng restaurant ito? At anong uri ng bituka mayroon si Caliste? Isang million para sa isang agahan lang? Dahan-dahan kong isinirado ang menu at inilagay sa mesa.

“Nakapili ka na? What's your order?”

Sumandal ako sa upuan at tiningnan siya. “Busog pa ako”

Nilingon niya ang waitress. “Make it two, Miss”

“Okay, Sir”

Inilibot ko ang aking paningin sa buong restaurant. Hindi na makapagtataka kung sobrang mahal ng mga pagkain nila. Ang desinyo palang ng restaurant na ito ay sobrang mamahalin na.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now