CHAPTER 14

594 14 0
                                    

DAMINA‘S POV




PUMUNTA ako sa balcony habang kausap ang kapatid ko sa phone. Umupo ako sa upuan na nandito at tumingin sa mga naglalakihang building.

“Painumin mo ng gamot si mama sa tamang oras, Ivy. Pakainin mo rin siya ng maayos. Tanungin mo siya kung anong gusto niyang kainin at sabihin mo kay tiya Eda para mabili niya dahil siya ang may hawak ng pera” bilin ko sa kapatid ko.

“Opo, ate. Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po si mama ng maayos”

Ngumiti ako. Sa murang edad ng kapatid ko ay maaasahan ko na siyang bantayan at alagaan si mama.

“Thank you, Ivy. Mag-aral ka rin ng mabuti”

“Opo, ate. Pangako po”

Tumayo ako nang tumunog ang door bell.

“Patayin ko na ito. Tatawagan kita mamaya. Mag-ingat kayo diyan. Mahal kita. Sabihin mo kay mama na mahal ko rin siya. Bye”

“Opo. Bye, ate”

Pinatay ko na ang tawag at lumapit sa pinto. Tiningnan ko ang peephole. Isang babaeng naka-white dress. Sobrang sopistikada at disente niyang tingnan. Hindi ito ang babaeng pumunta noon dito. Sino ang babaeng ito ngayon? Isa ba ito sa mga babae ni Caliste? Binuksan ko ang pinto kahit na nagdadalawang isip ako.

“Ano pong atin?” bungad ko.

Tinitigan niya ako nang matagal na tila kinikilatis ang buong pagkatao ko. Umiwas ako ng tingin.

“Can I get inside?” mahinang tanong niya.

Dali-dali akong tumabi sa gilid. Pumasok siya at naglakad na parang isang reyna. Umupo siya sa pang-isahang upuan. Kahit sa pag-upo ay makikita mo ang pagka-disente niya. Naglakad ako palapit at tumayo sa likod ng sofa. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong condo.

“His condo was quite spacious. He has a good taste”

Napayuko ako nang tiningnan niya ako.

“Isn‘t it a bit rude if you just stand there and didn't entertain your visitor?”

Napatingin ako sa kaniya.

“I‘m thirsty. I want to drink. Can you get me a 1 glass of water, please?”

Tumango ako at dali-daling pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Nang matapos na ako sa paglagay ng tubig sa baso ay bumalik ako sa sala at inilagay ang baso ng tubig sa harap niya.

“Thank you” aniya.

Kinuha niya ang tubig at uminom.

“Have a seat”

Sinunod ko ang sinabi niya.

“I knew that the owner of this condo wasn't here because he was working with his dad in the company”

How did she know?

“I am here to have a simple visit on his condo but seems like someone catch my attention”

“I wanna ask you, who are you?”

“I-Im Damina, madam” nauutal kong sagot.

Her presence is very intimidating.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now