CHAPTER 37

466 12 0
                                    

DAMINA'S POV


“Mama, nagkita po ba kayo ni Papa?” nakangiting tanong ng anak ko.

Hinila ko siya at niyakap. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang araw na iyon. At pagkauwi ko rito sa bahay ay ito kaagad ang itinanong niya. Ito ang palagi niyang itinanong hanggang ngayon.

“Paulit-ulit ka naman, anak, eh. Wala nga.” pagsisinungaling ko.

Kahit gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng katotohanan pero hindi puwede. Bata pa siya at alam kong hindi niya maiintindihan ang lahat ng nangyari. Sapat na ang malaman niya ang pangalan ng kaniyang ama, makita ang mukha, at malaman ang ibang mga positibong pangyayari noon. I don't want him to know that he's father is already married and soon...his father will build a family together with his wife.

“Eh pumunta ka ng Maynila, Mama. Baka nakita mo.”

Humiga ako sa sofa at pinahiga siya sa ibabaw ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Malaki ang Maynila, Anak. Kapag lumaki ka na ay makikita mo ang Papa mo.”

Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib ko at itinukod niya ang kaniyang baba roon. Tiningnan niya ako. “Gaano kalaki po? Iyong abot ko na ang niyog?”

Napatawa ako sa tanong niya. “Oo.”

Ngumuso siya. “Ang taas naman ng niyog, Mama. Wala pang nakaabot doon.”

“Kiss mo nga si Mama, Anak.”

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa baba.

“Ah! Kapag malaki na ako kagaya ni Daddy ay makakapunta na ako ng Maynila tapos hahanapin ko si Papa at charaaaaan! Magkikita na kami!” masayang sabi niya.

Minsan iniisip ko na mali ang ginawa kong pagsabi sa kaniya tungkol sa kaniyang ama. His eagerness to meet his father hurt me to death. Iyon bang gusto niyang makita ang kaniyang ama pero wala kang magawa? Iyon bang ang kasiyahan niya ay makita man lang ang kaniyang ama pero hindi mo man lang maibigay? As a mother, sobrang sakit sa parte ko na hindi ko man lang maibigay ang kaniyang ninanais.

“Yibo! Laro tayo!” rinig naming sigaw sa labas.

Agad siyang tumayo galing sa pagkakahiga sa ibabaw ko at lumapit sa bintana upang tingnan ang labas. “Anong lalaruin natin?” tanong niya.

“Habol-habulan.”

“Sige. Teka lang. Magpapaalam muna ako kay mama.”

Tumakbo siya pabalik sa akin.

“Mama, laro ako habol-habulan.” paalam niya.

“Mainit na ang labas, Anak. Mamayang hapon nalang.”

“Hindi naman po kami sa init maglalaro, Mama, eh. Doon po sa manggahan nila ni Aldong.” tukoy niya sa kaniyang kalaro.

Tumango ako. Malapit lang naman iyon dito sa bahay namin. Hinalikan niya ako sa pisngi at dali-daling lumabas.

Tumayo ako at pumasok sa kuwarto namin. Lumapit ako sa drawer at binuksan ang pinakahuling kahon. Kinalkal ko ang mga gamit at nang makita ko na ang hinahanap ko ay kinuha ko ito. Umupo ako sa sahig at tinitigan ang singsing. This is the ring he gave me when he proposed a marriage 7 years ago.

Akala ko pagkatapos niyang mag-proposed sa akin ng kasal noon ay panghabang-buhay na kaming magkasama. Pero may mga bagay pala na hindi nakatadhana. Gustuhin mo man na iyon ang mangyayari pero kapag hindi talaga para sa iyo iyon ay hahanapan ka ng butas upang hindi mangyari at mapupunta sa iyo.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now