CHAPTER 21

550 13 0
                                    

DAMINA‘S POV

MABILIS kong ibinomba ang airpump sa balloon. Tiningnan ko ang mga balloon na tapos ko ng bombahan na nagkalat sa sahig. Konting balloon nalang ang papalobohin ko at matatapos na ako.

“Damina honey!”

Nilingon ko ang kinaroroonan ni tita Mae nang marinig kong tinawag niya ako.

“Bakit po, Tita?”

“Puwede bang puntahan mo ako saglit dito sa kusina? May ipapatikim lang ako sa'yo.”

“Opo. Wait lang po. Tatapusin ko lang itong isa.” sagot ko.

Nang matapos ko ng bombahan ang balloon ay binuhol ko ito sa dulo. Tumayo ako at pumasok sa kusina.

Nilingon ako ni tita at nginitian. “Here. Taste this chicken corn soup. Favorite soup ito ni Ali.” nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang kutsara na may lamang sopas.

Inabot ko ang kutsara at tinikman ang sopas.

“How was it? Does it taste good or not?”

Tiningnan ko si tita at nginitian. Ibinalik ko sa kaniya ang kutsara.

“Okay lang po ang lasa. Sobrang sarap po, Tita.”

“Alright. Thank you, Dear.” sambit niya at hinarap ang kaniyang niluto.

“Sa sala lang po ako. Tatapusin ko lang ang design.” paalam ko.

“Sure. Take your time.”

Lumabas ako at nilapitan ang mga balloon. Kinuha ko ang ilan at idinikit sa dingding na kung saan ang gitna ay may malaking letter balloons na Happy 29th Birthday C.A.V.

Nakangiti kong pinagmasdan ang design sa dingding na katatapos ko lang gawin. Birthday ni Cali ngayon. And he didn't know that we planned to surprise him. These past few days ay sobrang busy niya sa trabaho at mukhang nakalimutan niya na birthday niya ngayon.

Naglakad ako palapit sa pinto nang may mag-door bell. Tiningnan ko ang peephole. Nakangiting mukha ni Anne at Yonna ang nakita ko sa peephole. Ngumiti ako at binuksan ang pinto. Silang dalawa, pati na rin ang mga kaibigan ni Cali ang kakunstaba namin ni Tita Mae rito sa planong surpresahin si Cali.

Humalik sila sa pisngi ko.

“Where‘s the boys?” tanong ko at isinirado ang pinto.

“Susunod nalang daw sila. May bibilhin pa.” sagot ni Anne.

“Anong maitutulong namin, Damina?” tanong ni Yonna.

Naglakad ako sa gitna at nameywang. Tiningnan ko ang buong paligid.

“Anong kulang? May kulang pa ba? Or baka may dapat papalitan?” tanong ko.

“Hmm. May balloon ka pa riyan? Iyong balloon na lilipad.” tanong ni Anne.

“Mayroon pa. Nasa box. Iyang nasa mesa. Maliligo lang ako guys. Hapon na rin. Maya-maya siguro ay uuwi na si Cali.” saad ko.

“Good ahead, Damina. We got this.” nakangiting sabi ni Yonna at kinindatan ako.

Ngumiti ako at pumasok sa kuwarto namin ni Cali. Last year ay pinalipat niya ako rito sa kuwarto niya. Pumasok ako sa banyo at naligo. Nang matapos na akong maligo ay lumabas ako. I blower my hair first. This is intimate birthday celebration kaya mga kaibigan at close friends lang ni Cali ang pupunta ngayon.

Mukhang dumating na ang iba dahil medyo maingay na sa labas. Kinuha ko ang hinanda kong white dress na fitted sa akin at above the knee ang  haba. Isinuot ko ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nag-makeup ako ng light. Kinuha ko ang 2 inches heels at isinuot. I'm contented with my looks right now.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now