CHAPTER 12

650 13 0
                                    

DAMINA‘S POV


HUMIKAB ako at lumabas ng tent. Napakunot ang noo ko nang makitang walang kahit isang tao. Nasaan sila?

“You‘re awake”

Nilingon ko si Caliste nang marinig ko ang boses niya.

“Nasaan silang lahat?” nagtataka kong tanong.

“Umuna na sila”

Lumakad siya palapit sa akin.

“Umuna? Saan?”

“Kainin mo muna ito at susunod tayo”

Nagkibit-balikat ako at kinuha ang inabot niyang pagkain. Umupo ako sa maliit na bato at nagsimula ng kumain. Tiningnan ko siya na ngayo'y nakatingin sa dagat

“Kain tayo, Cali”

Nilingon niya ako at nginitian. “I‘m done. Thank you”

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.


++++++++

“Nandoon sila!”

Napatingin ako sa itinuro niya. Nakasakay sila ng kayak boat.

“Nag-kayaking pala sila pero saan nila kinuha ang bangka?” tanong ko.

Nilingon ko si Caliste nang mapansin kong wala na siya sa tabi ko.

“There‘s a kayak boat here, Damina!”

Napatingin ako sa kinaroroonan niya. Nakahawak siya sa isang bangka.

“Help me please. This boat is heavy!”

Nilapitan ko siya. “Gagamitin natin ito?”

“Yeah”

“Baka pagalitan tayo”

Pumunta siya sa kabilang dulo ng bangka. “Hindi. Baka kasali ito sa pagbili ni Rocher ng beach na ito. Halika na. Kargahin natin”

Tumango ako at hinawakan ang kabilang dulo ng bangka. Kinarga namin ito papunta sa tubig- dagat. Inayos niya muna ang bangka at pagkatapos ay inaalalayan ako sa pagsakay. Sumakay na rin siya at umupo sa likuran. Kinuha niya ang paddle at nagsagwan.

Tumingin ako sa tubig.

“Cali! Ang daming isda!” bulalas ko.

Huminto siya sa pagsagwan. “Where?”

“Look down”

“Woah! Ang dami nila. Ang laki pa”

Nilingon ko siya “Kunin natin?”

Tiningnan niya ako. “Paano? Wala tayong kagamitan”

“Oo nga, ‘no?”

“Enerio! Bilisan niyo ang pagsagwan papunta rito! May kuweba rito! Pasukin natin ng sabay!”

Napatingin kami sa kinaroroonan nila. Nakahinto sila habang nakatingin sa isang higanteng bato.

Nagsimula na ulit magsagwan si Caliste. Nang makarating kami sa kinaroroonan nila ay sumunod kami sa kanila na pumasok sa loob ng kuweba. Napanganga ako dahil sa mangha. Ang ganda ng loob. Ang tubig ay kulay berde pero sobrang linaw. Makikita pa rin ang mga bato at buhangin sa ilalim. Napatingin ako sa mga paniki na nagsisiliparan.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now