CHAPTER 16

584 16 0
                                    

DAMINA‘S POV

NAGISING ako nang maramdaman kong may humalik sa labi ko. Nakatulog pala ako sa kakaiyak dito sa sofa.

“Cali?”

Ngumiti siya. “Yes, babe. Are you okay? Your eyes are swollen. Did you cried?”

Umayos ako ng upo. Tiningnan ko siya at nginitian nang bahagya. “I‘m fine”

“Let‘s go?”

“Saan?”

Ngumiti siya. Hinawakan niya ako sa kamay at pinatayo. “To eat”

Ipinusod ko ang buhok ko. “Anong oras na ba?”

“5 already”

“Ang aga naman”

Hinubad niya ang kaniyang coat at inilagay sa sandalan ng upuan.

“I‘m hungry. Tara na”

Hinawakan niya ang kamay ko pero hinila ko ito agad. Napatingin siya sa kamay ko at tumingin sa akin.

“Are you feeling sick?" Mahinahon niyang tanong at sinalat ang noo ko.

Umiling ako. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at hinila ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit at inugoy nang bahagya ang pagkakayakap niya sa akin.

“Anong ginagawa mo rito sa condo? You look so unwell” bulong niya at hinalikan ako sa noo.

“Wala naman. Tara na. Baka nagugutom kana” sambit ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Pumunta ako sa may pinto at kinuha ang sandal. Isinuot ko ang sandal at tiningnan siya na ngayo'y nakatingin sa akin. Ngumiti siya at naglakad palapit sa akin.

Inakbayan niya ako at sabay na kaming lumabas.


++++++++


DAHAN-DAHAN kong isinubo ang inihaw na pusit. Nandito kami ngayon sa isang restaurant na naka-locate malapit sa dagat. Lahat ng menu nila rito ay seafoods.

Bumuntong hininga ako. Gulong-gulo ang isip ko. Kanina ko pa iniisip ang babaeng kasama niya, ang mga sinabi ni Sofie at ang video clip. Gusto kong sabihin kay Caliste ang lahat pero nagdadalawang isip ako, lalong-lalo na't wala kaming label. Wala akong karapatan sa lahat-lahat

Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.

“What‘s bothering you, babe? Kanina ka pang tahimik. Anong problema? May sakit ka ba? May masakit ba sa'yo? Come on. Tell me” mahinahong sambit niya.

Ngumiti ako at umiling. “Wala. Masakit lang ang ulo ko” pagsisinungaling ko.

“You sure?”

Tumango ako.

“Let‘s go to the doctor. Kailangan nating magpa-check up kung bakit sumakit ang ulo mo”

“Huwag na, Cali. Migraine lang ito”

Bumuntong hininga siya at ngumiti.

“Alright. Eat more. May pupuntahan tayo”

Sumubo ako. “Saan?”

“Sa likod lang ng restaurant na ito. Hopefully, makaabot pa tayo sa sunset. Maybe, sitting in the seashore will help your mind relax and can ease your migraine”

Napatitig ako sa kaniya. He's very caring. Wala akong migraine. Hindi naman talaga literal na masakit ang ulo ko. Dahil sa mga iniisip ko tungkol sa mga nalaman ko kanina kaya medyo sumasakit.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now