CHAPTER 38

479 12 0
                                    

DAMINA'S POV



"Mama, doon ako matutulog sa kuwarto ni Daddy." paalam ni Yibo.

Sa iisang bubong lang kami nakatira ni Regie. We live under the same roof but in a separated rooms. Minsan lang naman siya uuwi kaya okay lang. Sa pamilya nila itong bahay na tinitirhan ko. May tatlong kuwarto at isang banyo. According to Regie, itinayo ang bahay na ito ng kaniyang pamilya para may matirhan sila kapag uuwi sila rito sa probinsiya o kaya'y may mapagpahingahan kapag bibisitahin nila ang kanilang mga hayop.

Napatingin ako sa kaniya na ngayo'y nakasakay sa balikat ni Regie. "Kararating lang ng Daddy mo. Ang likot mo pang matulog, Anak. Baka hindi makapagpahinga ng maayos ang Daddy mo." saad ko.

"It's okay, Mina. Gusto ko ring makatabing matulog si Yibo. Matagal-tagal na rin simula nang makatabi ko ang batang kulit na ito."

Humagikgik nang malakas ang anak ko nang kilitiin siya ni Regie sa gilid ng kaniyang tiyan.

Huminto si Regie sa pagkiliti kay Yibo at naglakad palapit sa akin. "Say goodnight muna kay Mama." sabi niya kay Yibo.

"Goodnight, Mama. I love you po." Dumukwang siya at pilit na inabot ako upang mahalikan niya.

Binitawan ko ang hawak kong pampunas sa plato at tumingkayad upang maabot niya ang aking mukha. He hold my face and kiss my lips with a sound.

"Goodnight din, Yibo. I love you too. Huwag mong kulitin masyado ang Daddy mo ngayon para makapagpahinga siya kaagad." paalala ko. Hinalikan ko ang noo niya.

"Opo, Mama."

Binalingan ko ng tingin si Regie na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. "Huwag kang magpapadala sa kakulitan ng batang 'to. Magpahinga ka ng maayos. Maaga pa ang alis mo bukas."

"Okay lang naman. Matagal na rin na hindi kami nakapag-bonding. Our kulitan is our way of bonding. Pagkatapos mo riyan ay matulog ka na rin." inilapit niya ang kaniyang bibig sa akin at hinalikan ako sa noo ng matagal. "Goodnight."

Nginitian ko siya. "Goodnight." tugon ko.

Ngumiti siya at tumalikod.

"Daddy, may ikukuwento ako sa iyo mamaya." sabi ng anak ko.

"Tungkol saan?"

"Tungkol..."

Hindi ko na narinig ang sunod na sasabihin ng anak ko dahil pumasok na sila sa kuwarto. Binalingan ko ang hinuhugasan ko at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.

Pagkatapos kong maghugas ay kinuha ko ang lahat ng labahan namin pati na rin ang konting maruming damit ni Regie. Maglalaba ako ngayon dahil may lakad ako bukas. Idi-deliver namin ang 20 na mga baboy sa isang kompanya ng mga processed foods. May mga inigib akong tubig kanina sa banyo kaya roon nalang ako maglalaba.






+++++++




NANG matapos akong maglaba ay nag-half bath ako. Inabot ko ang tuwalya at hinubad ang pang-itaas na damit. Ibinalot ko ang tuwalya sa katawan ko at lumabas ng banyo nang makarinig ako ng katok.

"Wait lang!" Sigaw ko dahil paulit-ulit itong kumatok.

Napatingin ako sa wall clock. Alas-nuwebe pa nang gabi. Hindi naman siguro ito masamang tao, 'no?
Hinawakan ko ng maigi ang tuwalya at binuksan ang pinto.

"Cali? Anong ginagawa mo rito? Gabi na." tanong ko agad nang mabuksan ko ang pinto. Siya pala ang kumakatok.

Ngumanga ang bibig niya na tila may sasabihin pero agad niya itong itinikom at napatingin sa likuran ko. Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tinitingnan niya. Si Regie na kakalabas lang galing sa kuwarto. Mukhang nagising ko siya dahil sa pagsigaw ko kanina.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now