CHAPTER 23

473 15 0
                                    

DAMINA'S POV

"Yey! Nandito na naman si ate! Nandito na naman si ate!" Ivy chant.

Kalalabas niya lang ng bahay. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang ulo.
"Kumusta ka? Nagpakabait ka ba rito? Nag-aaral ka ba ng mabuti?" tanong ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nameywang. "Oo naman, Ate. Nakasali nga ako sa top 10."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Ang talino naman. Keep it up. Ito, pasalubong ko." inabot ko sa kaniya ang dala kong plastic. "Tara. Pasok tayo sa loob." inakbayan ko siya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Bebe, pakibili naman ng asin. Wala na kas---Mina!"

Napalingon ako sa bukana ng kusina nang marinig ko ang boses ni Regie. May hawak siyang sandok.

"Regie. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito?"

"Tatlong araw na pong dito namalagi si Kuya Regie, Ate. Inaalagaan niya po si mama. May lagnat po kasi. Tinulungan po ako ni Kuya Regie na alagaan si mama." sagot ng kapatid ko.

Inilagay ko ang bag sa upuan. "May lagnat si mama? Kailan pa?" nag-alalang tanong ko.

"Pang-apat na araw na po. Pero magaling na po si mama. Salamat kay Kuya Regie. Siya na ang bagong superman ko." nakangiting sabi ni Ivy.

I sighed in relief. Salamat. Sinulyapan ko si Regie at nginitian. "Puntahan ko lang si mama." paalam ko. Ngumiti siya at tumango.

Pumasok ako sa kuwarto ni mama. Naabutan ko siyang nakahiga at nakapikit. Mukhang natutulog siya. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan na umupo sa gilid ng kaniyang hinihigaan. Sinalat ko ang noo niya. Medyo mainit pa siya.

Ngumiti ako nang dumilat siya. Mas lalo pang nanghihina si mama. Tinanong ko si mama kung nagising ko ba siya gamit ang sign language.

Ngumiti siya at umiling. "Na...ki...ta...ko...na...na...man...ang ...anak...ko...Na...miss...ka...ni...mama... kumusta...ka...na?" mahinang sabi niya.

Dumukwang ako at hinalikan siya sa noo. Niyakap ko siya. Sobrang namiss ko si mama. Namiss ko ang init niyang mga yakap. Walang araw na hindi ko siya namiss. Walang araw na hindi ko siya inaalala. Pumikit ako nang haplusin ni mama ang buhok ko. Dahil sa ginawa niyang paghaplos sa buhok ko ay nakaramdam ako ng antok. She's my real safe haven and comfort zone, my supermama.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kinuha ang notepad sa bedside table. Nagsulat ako roon. Pagkatapos kong magsulat ay ipinakita ko kay mama.

"Pwe...de...ba...akong...ma...tu...log...diyan...sa...mga...bi...sig...mo...mama?" basa niya sa isinulat ko.

Tiningnan niya ako at nginitian. She tap the space beside her. Ngumiti ako at humiga nang maayos sa gilid niya. Niyakap ko siya. Niyakap niya ako pabalik. Pumikit ako at dinama ang mainit na yakap ni mama. Hinagod niya ang likuran ko gaya ng ginawa niya sa akin noong bata pa ako kapag pinapatulog niya ako. Humikab ako. Dahil sa ginagawa niya ay mas lalo pa akong inaantok.

"Ma...hal...ko...tu...log...na..."

Ngumiti ako nang marinig kong kumanta siya. Iyan ang lagi niyang kinakanta sa akin kapag pinatulog niya ako noon.




+++++++++



NAGISING ako nang marinig ko ang tawa ni mama, Ivy at Regie.

Nag-inat ako at bumangon. Tumingin ako sa labas ng bintana, madilim na. Medyo napasarap ang tulog ko. Lumabas ako ng kuwarto. Naabutan ko ang kapatid ko at si Regie na sumasayaw ng Cha-cha-cha habang si mama ay tumatawang pinapanuod sila.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora